Itinatanong mo ba?
kung - bakit sila naroon?
Kung saan ang abang talahib
at hamak na kogon ay malago
at mapait ang katas ng dantaong
tubó, sa halip na tamis na nalasap
sa kumupas na ala-ala ng ating
malayang kamusmusan - yapak
na gumagaod sa mga pilapil
at luntiang parang. Payapa
ay mapagkunwari.
Napako noon at napakong muli
ang mga pangako ng mga talang mithi
sa langit na lalong naging matayog.
Kalawangin na ang mga tanikala
at matinik na alambreng bakod -
Bakod ay naging mataas na pader:
Kulungan ng mga pangarap
Kasagutang hindi maapuhap
Walang pag-asang matanaw
Sa kapatagang maaliwalas.
Nakakapagpalaya
ang pagtatanong
kung hahantong
sa tawag ng pagsulong . . .
Itinatanong mo nga ba?
kung - bakit sila naroon?
A, huwag na sa akin,
huwag na ako
na di rin mapagtanto
kung bakit narito
pa rin ako . . .
Apr 23
Apr 23, 2026 at 9:54 AM UTC
Itinatanong mo ba?
kung - bakit sila naroon?
Kung saan ang abang talahib
at hamak na kogon ay malago
at mapait ang katas ng dantaong
tubó, sa halip na tamis na nalasap
sa kumupas na ala-ala ng ating
malayang kamusmusan - yapak
na gumagaod sa mga pilapil
at luntiang parang. Payapa
ay mapagkunwari.
Napako noon at napakong muli
ang mga pangako ng mga talang mithi
sa langit na lalong naging matayog.
Kalawangin na ang mga tanikala
at matinik na alambreng bakod -
Bakod ay naging mataas na pader:
Kulungan ng mga pangarap
Kasagutang hindi maapuhap
Walang pag-asang matanaw
Sa kapatagang maaliwalas.
Nakakapagpalaya
ang pagtatanong
kung hahantong
sa tawag ng pagsulong . . .
Itinatanong mo nga ba?
kung - bakit sila naroon?
A, huwag na sa akin,
huwag na ako
na di rin mapagtanto
kung bakit narito
pa rin ako . . .
Bakit sila naroon? = Why are they there?
