Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Balik tayo sa simula. Sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Kung kelan natuto tayong pahalagahaan ang isat-isa. Balik tayo sa simula.  Kung kelan natuto tayong pahalagahan ang bawat minuto nang ating isang oras. Ang isang lakad na nauwi sa maraming pang paroon at parito. Mga paglubog at pagsikat ng araw na tayo lang ang magkasama. Balikan natin ang mga araw na tayo lang ang nakakaintindi sa sakit, pagod, saya at pinagsamahang mga problema. Balikan natin ang simula, Mga tawanang mistulang walang katapusan Kwentuhang walang patid at tila walang katahimikang babasag sating ingay. Balikan natin ang saan, kelan at paano tayo nagmahalan. Kasi mahal,  baka sa ganitong paraan. Maisalba natin ang napipinto nating hiwalayan.
0
Mar 14, 2018
Mar 14, 2018 at 6:25 AM UTC
8th flr, Lepanto Bldg.

khat_R
Written by
34/F/Philippines
Mar 14, 2018
Mar 14, 2018 at 6:25 AM UTC
Request permission to use this poem