Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw ang malawak na hinagap ng kaparangan? Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan? Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa? Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik? Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon, kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak. Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak sa kagitingan ng mataas at malayang agila? Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya, kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya. Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
0
Apr 30, 2025
Apr 30, 2025 at 12:16 AM UTC
Ang Pugad

Sa pagtatapos ng buwan ng panitikang pambansa... First poem from El Nido series ang pugad, the nest, el nido 🪺
ang_lakambini
Written by
Apr 30, 2025
Apr 30, 2025 at 12:16 AM UTC
Request permission to use this poem