Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa Isang Pitik ng Daliri Lahat ay para bang binawi Ang haliging pilit binuo Ng tapang, tibay at tipuno Sa paniwalang angking tatag Kahit kay kupido di natinag Sa isang pitik ng daliri Sa puso ko ikaw na'ng naghari Napuno na ng agam agam Aking isip at pakiramdam Sa utak ko'y hindi maaari Ngunit puso! Ano ang nagyari? O tadhana labis namang nagbiro Damdaming  ito nais nang isuko Ngunit ngiti mo lang kahit palihim Labis nang pasalamat ng taimtim Bawat sulyap mo'y may bahid ng langit Naway sa sunod yakap mo'ng makamit Sa isang iglap ng orasan Ganap ngang d ko inasahan Tinanggap mo aking pag ibig Puso't isip walang maikabig Laman ka ng aking panaginip Sagot ka sa aking pagkainip Sa isang pitik ng daliri Panaginip...naging kakampi Panaginip ang tanging paraan Masilayan lang iyong daanan Sa panaginip, aking hiling Makasama ka sa aking piling
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:20 AM UTC
ISANG PITIK

AgerMCab1970
Written by
48/Manila
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:20 AM UTC
Request permission to use this poem