Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hindi kulay ang pawang panig Walang lulusong sa anumalya Wala ring nararapat na makiniig. Sa sirkulasyong may kaltas Mananatiling may lamat Bawat pahina'y puti May punit, may dungis At pagka gabi'y Nasa kalye ang dilim. Ang tinig ay patas Walang sumasanib Kung walang manghihikayat Mananatili ang kamalian Ng lipunang hindi nilisan ang kwadra Ang sinulid ay rorolyo At hindi na muling masisilayan pa. Kung ang puti at itim ay kulay Ito'y hindi nararapat na pinagninilay-nilayan Salungat ang daan Patungo sa liwanag at kadiliman Bagkus ito'y pawang Lalang para sa iisang sanlibutan. (7/2/14 @xirlleelang)
0
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:57 AM UTC
Racism

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:57 AM UTC
Request permission to use this poem