Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Pagkat isang malaking duwag, hindi umaamin at nagpapaliwanag May pagkulog at pagkidlat sa isang oras Di nasabi ang katotohanan Paano pa kaya ipaglaban Ang kasalanang pampag-ibig ay habambuhay dadalhin Tulad ng lumalagos na liwanag sa salamin Uyayi para sa puso na maghihimbing sa kawalan Dalawang paru-parong itim ay naintindihan - ang namayapang ama at pagsinta Nang kinabukasan nasilayan pa ang bituin na nagpuyat sa kadiliman Ang susunod na silahis ay iba na ang ipapahiwatig Nagtungo sa bundok ng Maida-as Nagtawid ng ilog at kaparangan Nasunog ang talahib na dinaanan Sa yungib gaganapin ang totoong anyo ng kasalanan Maging karahasan ay pumipigil sa mga hakbang Doon nagtapos ang talambuhay - talampag-ibig Sa kapasyahan na ang dilim ay siyang maghari Ang pagkukulam ay balak isagawa Sa kalauna'y di itinuloy
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:47 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #55

Written by
23/M/Antique
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:47 PM UTC
Request permission to use this poem