Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Lilisanin ko ang sarili Madatnan lamang ang espasyo Kung saan tayo’y magtatagpo’t magtatapat — Magtatapat ng ating mga pangakong Kailanma’y hindi nanaising mapako. Ang bawat hakbang Ay magsisilbing aking pagpupunla Hindi lamang ng aking wagas na pag-ibig At dalisay na pananampalatang Kakayanin natin ang mga susunod pang dekada, Mga dekadang sabay na mamumuti Ang ating mga buhok At sabay na malalagas Patungo kung saan man tayo nagmula. Wala akong ibang nais na masilayan Kundi ang mga mata **** sining sa aking paningin. Ang ngiti **** sana’y manatiling Matatamis na alaalang Ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin. At sa mga oras na ang mga pahina na ng kalendaryo Ang kusang magpatangay sa hangi’y Nanaisin ko pa ring manatili Sa mga akap **** pinili kong maging kanlungan At ang magiging sigaw ng aking puso’t damdami’y Papuri sa Unang Umibig sa atin Bago pa man mag-krus ang ating mga landas.
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:39 AM UTC
Aisle

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:39 AM UTC
Request permission to use this poem