Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mistulang isang panaginip, Parang tala sa paningin, Sa hangi'y nagpapa-iba ng ihip, Oras ay pinapatulin. Di ko alam kung bakit, Damdami'y di maikubli, Nasabi ng paimpit, Natulala nang ika'y ngumiti. Nagbibigay kulay, Sa mundo kong kay dilim, Kaluluwa ko'y binuhay, Ginawang puti ang itim. Masasabing busilak, Walang halong kasinungalingan, Para bang isang bulaklak, Namukadkad ng kagandahan. Ngunit aking ikinalungkot, Nang naisip ang katotohanan, Mundo'y nabalot ng poot, nang ika'y aking nagustuhan. Dahil kung magiging tayo man, Hindi ko gustong magdala ng kalungkutan, Hindi ko gustong ika'y aking masasaktan, At ngiti mo'y di na ulit masisilayan.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 1:02 PM UTC
Ngiti

I wanna write a sad one, but I don't know if I was able.
taltoy
Written by
25/M
May 1, 2017
May 1, 2017 at 1:02 PM UTC
Request permission to use this poem