Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Lagi tayong nagiwasan, kahit batid nating tayo’y magkalayo. Sinubukan nating limutin ang ating pinagmulan at ang lahat ng ating pinagsamahan. Ngunit hindi yata maaari; tila itinadhana ang ating pag-iwas. Nagtagpo tayo, bagaman pasulyap-sulyap lang. Lagi naman tayong nag-uusap, pero laging bitin. Magkaibigan lang tayo, hindi ba? Bakit tila may pag-aalinlangan sa pagitan nating dalawa? Hindi ko maalis sa aking balintataw noong ako’y iyong tinitigan Kung gaano mo ako namimiss kahit wala tayong pinag-uusapan, Kung gaano mo ako namimiss kahit hindi tayo nagkikita. Ngunit sa pag-alis ko, bigla mo akong niyakap. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita? Bakit hindi tayo komportable at bakit hindi tayo mapakali sa isa’t isa? Dahil lang ba ito sa mga alaala? Dahil sa yakap? O dahil sa malalalim nating pag-uusap? Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nito, pero sana magkaiba tayo ng nararamdaman. Sapagkat kung tayo’y magkatulad, bakit hindi mo ako nilapitan?
0
Feb 24
Feb 24, 2026 at 4:37 PM UTC
Naiilang

luv4vaalxrie
Written by
Feb 24
Feb 24, 2026 at 4:37 PM UTC
Request permission to use this poem