Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sabi na eh Kahit anong gawin natin O kahit wala tayong gawin Mauuwi sa ganito ang lahat Lagi mo silang pipiliin At lagi mo akong iiwan Ngunit kung ganunpaman Nais ko pa ring malaman mo Matagal ko nang nakita Ang taong para sakin Yung nga lang Hindi sya nakalaan sakin IKAW YUN. Ikaw yung una sa lahat Unang kilig Unang lambing Unang kirot saking dibdib Ikaw yung hinanap ko Sa piling ng iba Kaya hindi naging tugma At nauwi rin sa wala Ikaw yung hinayaan kong mawala Dahil alam kong may iba pang magpapaligaya sayo Dahil alam kong hindi ako magiging sapat Subalit umasa pa rin ako Sa mga "gudmornings at gudnights" Sa mga "musta ka at whats for lunch" Sa mga "work kn at ingat pag uwi" Kagaya ng pag-asa Sa pagpatak ng ulan sa tag-init Sa init ng araw sa panahon ng ulan Sa presidente para maging disente Haaaayyyy Hindi bale na Ganun talaga eh Hirap kalaban ni tadhana Naiisip ko na ngang humingi ng tulong Kay Thor ng Avengers Kay Superman at Batman Kay Ding at Darna Pero kagaya nila Alam ko at alam mo Na itong merong TAYO Ay isang pantasya lang.
0
Jul 29, 2020
Jul 29, 2020 at 4:43 AM UTC
Ang tulang walang pamagat

Chitlumibao
Written by
Jul 29, 2020
Jul 29, 2020 at 4:43 AM UTC
Request permission to use this poem