Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa apoy  nagpaliyab, Sa puso ko'y nagpaalab, Mistulang isang mitsa, Nitong muling pagkamakata. Ika'y aking kaibigan, Naging sandigan, Ngunit sa di inaasahan, Ika'y nagustuhan. Di ko sinasadya, Itong kaginsa-ginsang paghanga, Ngunit ngayon, huli na ang lahat, Mula noong ako'y nagtapat. Pagkat di ko kinaya, Ako'y nahulog nang talaga, Ika'y nagustuhan ko na, Nang di ko inaakala. Ito ang kasalukuyan, Ito ang katotohanan, Ang mundong ginagalawan, Katoto ko, ako sayo'y may katanungan.
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 7:38 PM UTC
Ikaw

Pagkat walang magagawa ang paghihintay at pag-asa, ngunit ako'y isa ring duwag na minsa'y makapal ang mukha, di ko rin alam kung ika'y matatanong nga.
taltoy
Written by
25/M
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 7:38 PM UTC
Request permission to use this poem