nagigising ako
hindi dahil gusto ko
kundi dahil kailangan
ang alarm
hindi tunog
kundi utos
kape
kung meron
kung wala—tubig
pareho lang ang lasa
kapag wala kang gana
maliligo
hindi para gumaan
kundi para maging presentable
sa sistemang hindi ka naman kilala
lumabas
sumakay—
lakad—tricycle—jeep—bus—lakad
pare-pareho ang mukha
hindi dahil magkamukha
kundi dahil iisa ang pagod
may amoy ang umaga
pawis na hindi pa nangyayari
at pagkatalong nakaabang
pabrika
punch in
parang may kumagat
sa oras ko
oras ang tumatawag
hindi pangalan
sa loob—
ingay na nagiging hangin
init na pumapasok sa buto’t kalamnan
hawak ko ang bakal
magaspang
parang galit na hindi maipaliwanag
yung katabi ko
may bagong balot sa daliri
kahapon
naiwan ang piraso ng daliri sa sahig
ngayon
nandito ulit siya
ganun lang
may dugo minsan
pero pinupunasan
parang natapong tubig
bawal mabagal
bawal mali
bawal mapansin
kaya ginagawa ko
ang mukhang tama
pero minsan—
hinahayaan kong
lumihis ng konti
isang turnilyo
hindi masyadong mahigpit
isang galaw
na kalahating segundo ang atraso
wala namang babagsak
hindi agad
pero may maiiwang
hindi eksakto
lunch
kanin
ulam
kung ano meron
ang pagnguya ko
parang may quota
balik
ulit
ulit
ulit
hanggang maging tunog na lang
ang buong araw
uwian
lakad—mrt—bus—tricycle—lakad
may batang umiiyak
walang pumapansin
may matandang tulog
walang gumigising
umuwi ako
hindi na naghugas
may langis pa
sa ilalim ng kuko
kumain
kung meron
kung wala
tubig
higa
at minsan naiisip ko—
marahil hindi makina ang kalaban ko
kundi ang kumokontrol dito:
galaw, oras, at buong mekanismo nito
mga patakarang
nakatago sa pangako
na hindi mo na napapansin kapag matagal ka nang pagod
mga bagay
na parang wala lang
pero buhay
ang kapalit
may hangganan ba ang isang araw
o paulit-ulit lang itong binubuo
para hindi natin makita ang dulo
at isang araw
mapapansin nila
na may mali
at hindi tayo iyon
tulog
kasi bukas
gigising ulit ako
at uulit muli.
May 6
May 6, 2026 at 12:38 AM UTC
nagigising ako
hindi dahil gusto ko
kundi dahil kailangan
ang alarm
hindi tunog
kundi utos
kape
kung meron
kung wala—tubig
pareho lang ang lasa
kapag wala kang gana
maliligo
hindi para gumaan
kundi para maging presentable
sa sistemang hindi ka naman kilala
lumabas
sumakay—
lakad—tricycle—jeep—bus—lakad
pare-pareho ang mukha
hindi dahil magkamukha
kundi dahil iisa ang pagod
may amoy ang umaga
pawis na hindi pa nangyayari
at pagkatalong nakaabang
pabrika
punch in
parang may kumagat
sa oras ko
oras ang tumatawag
hindi pangalan
sa loob—
ingay na nagiging hangin
init na pumapasok sa buto’t kalamnan
hawak ko ang bakal
magaspang
parang galit na hindi maipaliwanag
yung katabi ko
may bagong balot sa daliri
kahapon
naiwan ang piraso ng daliri sa sahig
ngayon
nandito ulit siya
ganun lang
may dugo minsan
pero pinupunasan
parang natapong tubig
bawal mabagal
bawal mali
bawal mapansin
kaya ginagawa ko
ang mukhang tama
pero minsan—
hinahayaan kong
lumihis ng konti
isang turnilyo
hindi masyadong mahigpit
isang galaw
na kalahating segundo ang atraso
wala namang babagsak
hindi agad
pero may maiiwang
hindi eksakto
lunch
kanin
ulam
kung ano meron
ang pagnguya ko
parang may quota
balik
ulit
ulit
ulit
hanggang maging tunog na lang
ang buong araw
uwian
lakad—mrt—bus—tricycle—lakad
may batang umiiyak
walang pumapansin
may matandang tulog
walang gumigising
umuwi ako
hindi na naghugas
may langis pa
sa ilalim ng kuko
kumain
kung meron
kung wala
tubig
higa
at minsan naiisip ko—
marahil hindi makina ang kalaban ko
kundi ang kumokontrol dito:
galaw, oras, at buong mekanismo nito
mga patakarang
nakatago sa pangako
na hindi mo na napapansin kapag matagal ka nang pagod
mga bagay
na parang wala lang
pero buhay
ang kapalit
may hangganan ba ang isang araw
o paulit-ulit lang itong binubuo
para hindi natin makita ang dulo
at isang araw
mapapansin nila
na may mali
at hindi tayo iyon
tulog
kasi bukas
gigising ulit ako
at uulit muli.
