Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nagugunita pa nang winika na ang unang halik para sa lalaking mahal Namumugto ang mga mata Ngayon ay lubos na naunawaan Ang puso'y mainit nang dumampi ang dibdib malambot na katawan sa sedang marikit habang naka-talukbong ang dalagang bukid Sa nais na ipalitaw na talagang umiibig ay nag-udyok para magtanong Halata man sa mga tingin Tikom ang bibig, mabasag man ang salamin Ang kanyang hangad ay mananakop Sa kanya na ang lahat kailangan pa na maghinuhod Hiyas na nakabalot ng ginto Sa labas at loob pang-maharlika ang anyo Higit pa sa kanyang inaakala ang tunay na nadarama Gusto man at kahit na magawa na maihayag Magiging makasarili lamang ang pagmamahal
0
Mar 11, 2019
Mar 11, 2019 at 7:40 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #63

Written by
23/M/Antique
Mar 11, 2019
Mar 11, 2019 at 7:40 PM UTC
Request permission to use this poem