Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
tikomnabibig
tikomnabibig
F kapag handa ka ng makinig, nandiyan lang ang katahimikan.
Panginoon mo ang Panganorin. Bertud Ka ng hubad na diwata. Likhang-isip, halukipkip Ng wika, pedestal ng Luha, ikaw itong kalahatan Ng kasalatan ng unawa't Awa ng hangal na madla. Samut-saring anyo't samyo Ng opyong bumabawi ng Bait at hinanakit sa buhay Ngunit masugid na patrong Naghahasik ng biyaya Sa anyo ng bote pakete lata spaghetti langaw lumot bangaw ipis lotion ****** burak darak barya kariton prosti sutana artista politiko pulis tsismis                        atbp.
0
Oct 12, 2020
Oct 12, 2020 at 6:39 AM UTC
Poleteismo