Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
rika19
rika19
20/F/Cagayan Ang sarap sa pakiramdam kapag nasasabi mo ang tunay mong nararamdaman sa pamamagitan ng pagsusulat😊
Ilang araw at buwan na ang nagdaan, Ilang oras na ang lumipas... Ilang gabi na ang aking nasilayan, Sana, okay na ang lahat bukas. Pagpikit ng aking mga mata, Mukha mo ang aking nakikita. Paano kita malilimot kung pati sa pagtulog ay nakikita ka? Paano kita malilimot kung pati sa panaginip ay dumadalaw ka? Oo, akin nang aaminin. Hindi pa rin kita magawang limutin. Sapagkat iyong mga salita ay naka-ukit na. Sapagkat iyong larawan ay nakapaskil na. Ikaw pa rin ang nasa isip at puso ko. Ikaw pa rin ang dahilan ng mga ngiti sa labi ko. Ikaw pa rin ang dahilan sa bawat gising sa umaga. Ikaw lang at wala nang iba.
0
Mar 11, 2021
Mar 11, 2021 at 12:39 AM UTC
“IKAW PA RIN”
Ako'y nagtataka Kung bakit nga ba? Nagtatanong kung bakit ika'y may kamukha Pero iyon ay aking binalewala! Lumipas ang mga araw, Ako'y nagbabalik tanaw Hinahanap hanap ka Pero hindi na kita nakita pa Simula nung malaman, Ang puso ay muling nabuksan! Dahil sa mapait na nakaraan.. Ng ako ay kanyang iwanan. Simula nung malaman.. Isang gabing napag isipan Itong pusong nagagalak sayo... O mahal na "destiny" ko.
0
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 10:58 AM UTC
Simula nung malaman