Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
chiscarls
chiscarls
22/M
Sana 'di na ako nagmahal At sayo ay 'di na nagpagal Nang ang puso'y di na sumugal Sa larong iyong pinatagal Sana noon ko pa nalaman Ang puso mo'y may ibang laman 'Di na sana ako lumaban Kung pag-ibig mo'y di kakamtan Ngayon na ako ay natuto Sayo'y 'di na magpapauto Maging puso'y 'di papalito Kahit na maging pusong bato.
0
Jun 20, 2015
Jun 20, 2015 at 4:28 AM UTC
Bigong Pag-ibig