Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
anna-katrina
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako lalaban? Hanggang kailan ko kakayanin? Tao din ako, napapagod din. Palagi nalang ba ganito? Ano pa bang bago? 'Pag nagmahal ako Maiiwan at masasaktan din naman ako. Dapat itigil ko na 'to Kasi pinapahirapan ko lang naman 'yung sarili ko 'Di na tama 'to Pero dahil tanga ako, 'Yung puso ko patuloy pa ring umiibig sa maling tao. Seryoso naman ako? Wala naman akong sinasaktang tao? Pero bakit ganito? Patuloy pa rin akong nagmamahal ng maling tao. Sabi nila kapag nagmamahal ka magmumukha ka talagang tanga Pero paano kung pauulit ulit na? Grabe na. Hindi ko na kaya. Sobrang hirap na. Pagod na pagod na talaga ako. Tama na. Ayoko na. Kahit mahirap, dahil mahal kita Papalayain na kita. Hanggang dito nalang ako. Paalam na sayo.
0
Jul 14, 2018
Jul 14, 2018 at 10:51 PM UTC
Hanggang Kailan?
Oo, na-friendzoned ako Sa taong sinabihan ako Na mahal niya ako Sobrang sakit nung malaman ko Na ang nararamdaman niya'y di totoo Pinafall niya lang ako Ngunit di ako sinalo Labis akong nasaktan Sa aking kinahinatnan Mahal niya ako pero bilang kaibigan lang Akala ko mahal niya ako more than friends Pero as a friend lang talaga Oo, paasa ka! Walangya ka Pero mahal pa rin kita.
0
Jul 14, 2018
Jul 14, 2018 at 4:44 PM UTC
As A Friend