Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Pipin
Pipin
22/Paranaque #frustratedpoet
Nagkita tayo sa maling panahon Na hawak ang kamay mo sa maling pagkakataon At ang pagtayo mula sa ating pagkakaupo Ang tangi kong naalala ay ang likod mo At ngayon.. Paano ko babalikan ang nakaraan Kung sa bawat pagtalikod ko'y syang pagbuhos ng ulan. Paano ko matatapos ang isang talata Kung sa bawat pagsulat ko'y syang pagbuhos ng luha. Paano ko masasabing kaya ko na Paano ko malalamang tapos na Sana ay kaya ko pa.. :(
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 8:50 PM UTC
Maling Panahon
Kay liwanag na mga tala Sa gabing walang pag-asa Nakahundasay na mga latay Sa lupa ko'y inialay Dagundong ng mga bala Patalim na pang-harana Ang aming pamaskong handa Para sa bagong noché buena Alikabok na lumiliyab Mga puwing na sumisiklab Buhangin sa ilalim ng dagat Sa balat ko'y namulat Umagang kailan kaya mararanasan Kung may bukas pang masisilayan Ng aming pusong binubo At winasak ng luha ng dugo...
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 5:44 PM UTC
LUHA NG DUGO
Nung una pa lang alam ko na Pero ako'y nagbubulag-bulagan pa Dinadaya ang sarili para sa isa Sinasaktan ang sarili para sa kanya Nung una pa lang alam ko na Nang makita ko ang kanyang mga mata Tila ba naglalakad ng mag-isa Sa walang katapusang tulay, umaasa Nung una pa lang alam ko na Nang ang labi nya ay nanlamig na Wala na ang dating pagsasama Ang dating punung-puno ng tuwa at saya Habangbuhay na nanatili sa nakaraan Pilit pinagsisiksikan kung ano lang ang alam Ang bumitaw sa tadhana para ilaan Ang mga natitirang dahilan para lumaban
0
Oct 27, 2017
Oct 27, 2017 at 1:52 PM UTC
Alam ko Naman
Ngayon... Habang magkahawak ang kamay na tatalon Tayo'y magpapaalam sa panahon Kasabay ng mga alon Ay itataya ang pagkakataon Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon Ay maglalaho na ang ilusyon Imahinasyon.
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 12:33 AM UTC
Imahinasyon
Hindi ko alam kung saan sisimulan Kung paano tatapusin itong aking liham Ni hindi ko alam kung kakayanin ko pa Ang salitang "pamamaalam". Hindi ko alam kung mababasa mo pa to. Hindi ko rin alam kung naririnig mo pa ko. Kung kaya pa bang mabasa ng mga mata mo at marinig ng mga tenga mo ang nais kong sabihin para sa'yo. Maraming mga alaala ang iyong iniwan Maraming pangako ang hindi na masusulyapan Mga bagay na dati'y pangkakapitan Ngayo'y bibitawan na sa iyong paglisan. Gayunpaman, maraming salamat Hindi ko man masasabi dito sa’yo ang lahat Pero Mahal na mahal kita at yun ay tapat…
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 2:37 PM UTC
Paalam. Salamat.