Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Erikyle Aguilar Mar 2018
Ang isinulat ko ay isang pagtatala mula sa bulag,
na matagal nang ninanais na makakita ng liwanag,
dahil kumpara sa atin, kahit ipikit ang mga mata,
kahit takpan pa 'yan, mayroon pa rin tayong nakikita,
mapa-asul, mapa-dilaw, mapa-pula,
hinding hindi ito aabot sa dilim,
dahil mayroon pa ring mga bituin.

Ito ang pagtatala ng bulag,
"'Nak, kagabi lang ako nakaramdam ng galit sa isang tao,
sa buong buhay kong nakatira sa tapat ng simbahan,
kagabi lang ako nakaranas ng kulo sa puso ko,
kagabi lang ako natulog nang galit,
sana patawarin ako ng Diyos.

Lumapit sa akin ang isang lalaki,
sabi niya, 'Lo, mahirap bang magmahal?',
'Oo, hijo. May asawa ka na ba?',
'Meron **. E lagi ** kaming nagaaway,
kaya umalis nalang ako ng bahay,
ayoko na siyang kausapin,
dahil baka husgahan nanaman ako, baka masaktan lang ulit ako,
baka sabihin nanaman niyang ang hina-hina ko,
sasabihin nanaman niyang hindi na ako natuto sa mga kasalanan ko,
ang dami ko raw nasaktang tao,
wala na silang nagawa kundi tumungo,
dahil sa lungkot, dahil sa insulto,
dahil sa mga salita kong galing sa puso.

Naalala ko sabi ng nanay ko,
na lahat ng sinasabi ko ay galing sa puso,
pero bakit kung kailan ko gustong mabuo,
napakahirap ibalik ang dating ako?'

Ito ang iyak ng isang nangangailangan ng pagmamahal,
isang lalaking may pusong bakal,
ito ang naging payo ko,
'Hijo, kausapin mo ang asawa mo.'

Biglang sigaw niya,
'E ayaw ko nga! Nagkasala rin naman siya,
pareho lang kami,
siya dapat ang lumapit sa akin.'

Parang tinamaan ako ng bala ng baril,
at ang puso ko'y biglang tumigil,
dahil hindi ko naman kayo pinalaki nang mayabang,
kaya hinawaan na ako ng galit,
'Ang yabang mo!
sarado ang utak mo
sarado ang tainga mo
sarado ang puso mo
mas bingi ka pa sa bingi
at mas bulag ka pa sa bulag

ayaw **** mahushagan kasi ayaw **** masaktan,
ayaw **** masaktan kasi ayaw **** matuto,
hindi ka natututo sa mga kasalanan mo,
kasi akala mo na lahat ng ginagawa mo ay ayos na,
hindi mo pinapansin ang kalagayan ng iba,
na naghihirap sa kakaisip kung sila ba ang dahilan,
kung bakit ka nagkaganyan.

Minahal ka nila,
pero hindi mo tinanggap,
minahal ka nila,
pero tinulak mo sila,
minahal ka nila...
hindi mo ba sila mamahalin?

Lalo silang napalayo sa'yo,
nung kinailangan mo ng tulong,
pamilya at pagmamahal'

Wala na akong narinig na boses,
umalis na siya,
sana lang kinausap niya ang asawa niya.

'Nak, tandaan niyo ang payo ko sa inyong magkakapatid,
na 'wag na 'wag kayong maghihiwalay,
dahil pag ako'y nawala,
sana manatili kayong nakadilat sa katotohanan,
na ang kayabangan ay nakakasira ng isang pamilya.".
AgerMCab Jan 2019
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda
Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda
Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana
Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala

Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat
Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat
Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula
Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta

Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko
Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo
Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo
Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo

Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong
Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong
Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong
Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong

Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako
Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo
Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko
Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako

Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko
Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko
Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi
Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi

Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin
Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin
Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas
Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas?

Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari
Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari?
Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas
Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas

Darating ang panahon, tayo'y magwawalay
Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay
Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin
Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin

Ganap ang dusang nasa akin
Dahil ikaw ang aking hangin
Ang aking araw, aking langit
Aking tala at buwan sa dilim

Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo
Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo
Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito
Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto?

Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari
Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari
Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak
Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak

Pakinggan na lamang sana ang aking pangako
Kasal-kasalang pauso ay aking inako
Wala man tayong mga saksi
Basbas ng simbahan o pari

Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay
Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay
Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita
Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata

Akoy gagawa ng altar na aking sarili
Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi
Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay
Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay

At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay
Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay
Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan
Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
#tagalogpoetry #tagalogpoem #tulangfilipino
Marg Balvaloza Jan 2019
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?
Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala,
nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala.
Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na
Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na.

Paano nga ba nagsimula?
Mamuhay nang kasama ka
Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta.
Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya
Pait ng kahapon ay naitapon na,
mula nang ikaw ang makasama ko, sinta.
Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay!
Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa.

Paano nga ba nagsimula?
Malalim na pinagsamahan
Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-
    ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba
Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw.

Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa
Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya.
Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa!


Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon
Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas
Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago
Tila nalagas na puno, hindi na lumago.

Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?"
Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan
Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari
Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi.


At ngayon...
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?

Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa
Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban?
Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita"
Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang
b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ?

Isip at damdamin ay di makaunawa
Hirap pagalingin ang sugat na sariwa
Sugat na iwan ng ating pinagsamahan
Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan

Paano nga ba nagsimula?
Paano at kailan nagsimula?
Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan?

Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo
Paano mangangarap kung ako ay gising na?
Gising sa katotohanan na tayo ay
w a l a  n a?


© LMLB
This is a poem I made eight months ago. I think it's the right time to publish it to let the public read it freely, as free as I am right now. Perhaps the feelings have depreciated and that's why I wouldn't mind if someone would read this poem, based solely on my feelings couple of months ago.

There you go, you have it. Read this poem from my broken heart that's already mended now. :)
dalampasigan08 Jun 2015
Ikalawang Kurap

Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din.
Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit.
Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa.
Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid.
Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo
at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino.
Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw
para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan
at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway.
Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin
nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan.
Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag.
Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.

May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw.
sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa
at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa."
Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa
ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
derek May 2016
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko.
Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho
Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo
Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo
Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo
Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao
Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho.

Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak
ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak
Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak
Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak.

Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato
Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo
Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino
Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako.

Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo
kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo
Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho
Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo?

Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako
Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo
Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko
na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala
Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala
Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa
Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa.
Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa
Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga
Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa
Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya
Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa
Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko.
Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko
pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo
Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano.

Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo.
Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo.
Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto
Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
Dhaye Margaux Oct 2016
Kung ikaw ay isang senador,  ano ang hakbang mo
Paano mo aalamin para malaman ang totoo
At kung alam mo na, isisiwalat mo ba ito
Kung ang madidiin ay isang kaibigan mo

Kung ikaw ay isang mambabatas,  ano kaya ang gagawin
Kapag nalaman ang totoo,  paano ito sasabihin
Kung ang kaibigan o pamilya ang siya namang madidiin
O patutunayan **** ang batas ay nababaluktot mandin

Kung ikaw ay isang mamahayag,  paano ka magsasalita
Doon ka ba sa totoo o kung saan ka may mahihita
Lalo na kung nais mo ring sumikat sa pagbabalita
Basta ba may narinig ka'y isisiwalat mo sa madla

Kung ikaw ay isang pari o kaya'y pastor ng simbahan
Ang puso mo ba ay malapit sa taong naghandog sa 'yong kawan
Utang na loob mo ba ang iyong isasaalang-alang
Dahil ang kawan na hawak mo ay kaniyang natulungan

Paano mo ihahayag kung ikaw ay isang ****
Sa mga kabataang sa harap mo'y nakaupo
Naghihintay ng liwanag,  ng dunong na isusubo
Kung ano ba ang nais mo sa kanila'y ituturo

Kung ikaw ang presidente,  makakaya mo bang lahat
Ang sugpuin ang problemang sa nuno pa natin nag-ugat
Ibababa mo na lang ba ang ngalan ng Pilipinas
Upang laging mayrong tulong sa ibang bansang ngayo'y sikat

Kung ikaw na karaniwang mamamayan na tulad ko
Nag-iisip,  nangangarap ng mabuti sa bayan mo
Ang makita sa 'sang sulyap, paniniwalaan ba ito
O pag-aaralang mabuti kung totoo ang narinig mo

Tayong lahat ay malaya,  malaya kang magpahayag
Malaya kang maniwala kung kanino ka mahahabag
Kung kanino magagalit, kung sino ang nililiyag
Ngunit isipin mo sana ang bukas ng ating mga anak.
Paano nga kaya?
Jose Remillan Dec 2013
Kahanay niya ang tambak
Ng basura ng lansangan
At sanlaksang mga matang
Naguudyok upang ihanay

Niya ang kanyang sarili sa
Naaagnas na pag-asa ng lipunan.
Siya ay puta. Sa dambana ng
Mga banal, kasabay niyang

Umuusal ng dasal ang mga
Paham ng pamantasa't
Pamantayan ng pagiging tao.
Siya ay tao sa paningin ng mga

Hayop. Siya ay hayop sa paningin
Ng mga tao. Siya ay puta. Ano mang
Anyo't samyo ang paulit-ulit niyang
Ipalit at ipilit sa nakapinid na

Pangunawa't awa ng mga nagsasabing
Sila ay hindi mga puta, ang katotohanan
Nga ay katotohanan. Siya ay sumasaatin.
Nasa simbahan. Nasa Pamahalaan.

Nasa paaralan. Nasa pamilihan.
Nasa ng laman. Siya nga ay sumasaatin,
Sumasalamin sa kalipunan ng mga
Kabulukan ng ating lipunan.

Mga puta.
"All that is solid melts into air; all that is holy is profaned..."---KARL MARX

University of the Philippines--Diliman
Quezon City, Philippines

December 10, 2013
Jose Remillan Nov 2013
Napatag na ang hindi mapatag ng
Sanlaksang idelohiya't pananampalataya.
Panata ito ng kalawakan. Lilinisi't lilipulin
Yaong hindi umaayon sa itinakdang

Orden ng katutubong balanse ng ulan
At hangin, ng dagat at pagkamulat,
Ng  lupa at pagtatangka. Hindi sasapat
Ang libu-libong bangkay na nakahundasay

Sa mga lansanga't simbahan dahil malaon
Nang naagnas na bangkay ang ating
Kamalayan. Malaon nang umahon si
Kamatayan sa anyo ng kasakiman sa

Kayamanan, at tayo bilang mga kalakal
Na nagpapatiwakal sa ngalan ng kaligayahan
Sa anyo ng kasaganaan. Hindi sasapat ang
Mga pagtangis ng mga ama't ina, ng mga

Anak at kapatid, dahil matagal nang
Tumatangis ang Inang unang naghandog ng
Paraiso sa atin. Saan nga ba tayo patungo?
"Tayo'y mga punong matayog ang pangarap,

Ngunit sa lupa'y laging nakaugat..."
Sa ala-ala ng mga nasawi sa paghagupit ni Yolanda sa Filipinas.

University of the Philippines-Diliman
Quezon City, Philippines
November 13, 2013
Wretched Jul 2015
Madasalin akong tao.
Pagmulat pa lang ng aking mga mata
sa aking unang hinga,
sa pagbuka ng aking mga bibig,
ngalan Niya na ang unang lumalabas,
ngalan Niya na ang aking binibigkas.
Sa bawat umagang gumising ako
na wala ka sa'king tabi,
mas lumalakas ang aking mga dasal.
Umaalingawngaw sa apat na sulok
ng aking silid ang iyong mga alaala.
Yung tipong aabutin ng ilang
dekada bago aking
malimutan ang tinig ng iyong
mahihinhing mga salita.
Ako'y madasaling tao.
Sa ilang beses ko ng
Isinigaw sa langit ang iyong mga
ginawa para mapamahal ka sakin
bakit tila aking pakiramdam
hindi Niya ako naririnig?
Sa ilang beses kong hiniling
na makasama ka,
sa bawat araw na nasa isipan kita,
kulang pa ang mga senyales
na ibinibigay Niya.
Nakakatawa nga lang dahil
hindi ko naman tinanong kung
Pwede pa bang
ika'y mapa sakin
Pero bakit sumasagot
na Siya agad
Na parang hindi maaari?
Pero itinutuloy ko pa rin
ang aking pagdadasal
at baka sakaling mapag bigyan.
Hanggang sa umabot ako
sa lugar na
sa aking pakiramdam
hindi naman sapat ang
pagbulong ng dasal.
Na hindi na sapat na
iiyak ko na lang
lahat sa mga paa ng imahe Niya.
Na dapat siguro
hindi lang saming dalawa ng Diyos
ang aking mga hinihiling.
Aking gagawing dasal
Ang iyong pangalan
hanggang sa mabingi ako
sa bulong ng bawat santo.
Hanggang sa masunog ang dila ko
Sa *Amen
ng bawat pari ng simbahan.
Hanggang sa malunod ako
sa mga dugong luha
na iniyak ng birhen.
Kailangan ko lang
na iparamdaman Nila
na ako'y naririnig.
Kahit ang aking mga pinaka
tahimik na sigaw para sa pangalan Niya.
Isisigaw ko ang bawat rason
kung bakit labis na
Minahal kita.
Ngunit ako'y nagbabakasali lamang,
alam kong hindi lang ako
ang Kanyang anak
pero sana
kahit isang beses lamang
sa milyong daan kong pagsabi
ng pangalan mo sa Kanya,
kahit isa lamang sa
kung sino man ang nasa itaas;
nagbabakasakali lang akong umabot
sa langit ang aking mga dalangin.
Hanggang sa mahalin mo ako
magiging madasalin akong tao.
2015 – Iglesia ni Cristo ginbuksan
Sa banwa sg Dumarao, Barangay San Juan
Nakakita ako sg kontrobersyal nga SCAN…
2015 – Star Wars 7 ginsuguran
Ipaguwa sa mga sinehan
Plano tani namon lantawon ni Juan…
Sa kaadlawan ni Juan, buta simbahan kg sinehan!

-12/18/2015
(Dumarao)
*Kaadlawan ni Juan
My Poem No. 439
alvin guanlao Oct 2010
Gumising ng maaga para sa pagsusulit
sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit
sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan
isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan

sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan
papalapit sa simbahan at huminto ng marahan
isang babaeng grasa  sa jeep ay sumampa
sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa

mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid
sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig
dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid
o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig

hindi natuwa ang piloto ng sasakyan
minura ang babae sabay dampot ng kawayan
sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan
isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan!

sinambit ng maruming labi ang bawal na salita
mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta
walang laban sa piloto parang gulay na lanta
may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta

ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na
kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa
wala sa katinuan, di nawawalan ng gana
pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa

babaeng grasa
may babaeng grasa sa bawat isa sa atin
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
kingjay Dec 2018
Nadatnan sa sahig nakahandusay
Ilan taon pa lamang noong una natapilok
Sa paghuwego ay naglibang
Nakalimutan ang sandaling sablay

Bumaba ang araw na nasa taluktok ng kampana ng simbahan
May iskarlatang busilak
Ang dagundong nito ay ang pagpaparaya sa mga bata na ginigiliw ng kanilang ina

Ikandong ang wasak na damdamin
para makahinga
Nilulumot ang gasera sa guwang na pandama
Di matinag ang pagkawalang

Ipaubaya sa daungan ng mga hiling
ang pahapyaw na pinapanalangin
At doon din makahanap ng silungan
Samantala nalalagasan ng supang ang Sampaguita
Malungkot ang kanyang talaarawan

Nagmistulang sinulid ang kaligayahan
na ipang gamit sa paghabi ng ala-ala
Sa kalayuan maaninag na nagluningning
Ngunit kapag sa prontera may pilat na mapusyaw
kingjay Jan 2019
Umulan ng mga talulot sa simbahan
May palakpakan, palirit
Sapagkat pumunta sa kasiyahan
Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan

Katabi ng lalaki ang mahal
Puro halakhak at wala nang pag ngiti
Sa mga ka-nayon na bumabati
Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang
Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan

Bago matapos ang selebrasyon ay
lumapit sa asawa ng maharlika
Ang pagbati ay ibinulong
sabay nakaw-halik sa pisngi niya
Tumalikod at di lumingon
Bigla na lang pumatak ang mga luha

Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa
Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal
Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib
Tibok ng puso'y lumikat

Lumakad nang papalayo
Kahit mga paa'y mabigat iangat
Nanginig nang lumisan
Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig
Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
Christien Ramos Jul 2020
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin,
silàng may kanya-kanyang hinanaing,

Huwag mo akong yayakapin.

Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.

Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.

Naniniwala ako na sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas.
sapat nang natuto táyo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang káya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan,
ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa.
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing,

"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.

Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.

Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,

Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak

dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos

kalilimutan ko na.

---
cj May 2017
Hihintayin pa ba natin
Na ang langit ay matakpan ng mga kulay abo na alapaap
Na pinaghalong mga usok ng bomba
At mga ulap na nagdadala ng mabigat na bagyo?

Hihitayin pa ba natin
Na mawala ang buhay ng isang inosenteng sibilyan
Sa ngalan ng isang lalake sa kataas-taasan ng kalawakan
Na hindi naman natin tiyak kung tayo ba’y binabantayan pa?

Hihintayin pa ba natin
Ang pag-hiyaw ng milyong-milyong mga mamayanan
Ang hiyaw na nagdadala ng kanilang takot
Na tila ba’y parang kampana ng simbahan
Pinipilit tayong tumayo at bumangon na

Hihitayin pa ba natin
Ang pagmamakaawa ng isang burgis na artista
Na ang tingin lang sa atin ay mga tseke at barya?

Hihintayin pa ba natin
Ang pag-tahimik sa atin ng mga lalakeng naka-itim
Sumisigaw at nananakot
Sa ngalan ng maitim na propaganda?

O hihintayin na lang natin
Na gawing tayong manhid
Sa bilang ng tatlo
Habang tayo’y tinututukan ng kailbre kwarenta y kwatro?
a little piece i made just to reflect what is happening in marawi and the world.
Sam Po Aug 2014
samatang galakaw padung sa simbahan,
ako nag agaruy sa kasakit sa akong tiil
tungud sa bag-o kung sandal.
Ako naluthan og akung luha di na jud mapugnagn.

Kining ti-ila size ten man unta ang sukud
pero kay lage ganahan ko sa istilo og tina aning sandala
aku jud gipalit bisag ang gidak-un nuybe ra gyud og wa nay lain.

Milingkud ko og nakapanghupaw.
Ako naka amgo so sama sa sandala, mura nig gugmang gi-ahat.
Bisag unsa pa kanindot ani,
og dili jud para imo, dili jud.
Ayaw nalang pugsa kay ikaw ra ang maghagoyhoy sa kasakit ig katapusan
Wa ko makahuna-huna nga nga naa pa man untay lain
nga mas nindot og arang para kanako.

Mao nang naka desisyon ko nga undangon ko na og soot ning sandala og mangita og ha-om sa akong sukod, kay napay lain taw mas angayan mo soul-ob ani kaysa naku.
bisayang daku!
#nakaamgo
Oh Papa Francisco, Supremo ng Simbahan
Ang iya pagtambong daw ano ka bulahan
Siya naghatag kalipay sa aton duog
Matapos ang makakulugmat nga bagyo kg linog
Gani sa una nga adlaw sg iya pagbisita
Bisan gab-i don madamo guihapon nakita
Nga mga Pilipino nga nagdulog sa iya alagyan
Agud siya sugaton kg amligan
Sa ikaduha nga adlaw sg iya pag-abot
Iya gin-akigan mga pulitiko nga kurakot
Iya ginpahanumdom ang pagtatap sa mga karnero
Iya ginlaygayan ang mga pamilya nga Pilipino
Sa ikatatlo nga adlaw niya sa pungsod
Iya ginpahagan-hagan ang mga nagakalisod
Iya ginbendisyunan mga biktima sg kalamidad
Iya ginhatagan puloy-an mga imol sa komunidad
Sa ikaapat nga adlaw niya diri sa aton nasyon
Iya ginpakigkita mga lideres sg iban nga relihiyon
Iya gin-ulu-ulo mga kabataaan nga nagpa-utwas
Iya ginpangamuyuan ang bilog nga Pilipinas
Gani sa ulihi nga adlaw sg iya pagkari
Madamo sa guihapon nagbantay sa iya diri
Sin-o bala ang magakalipat sa isa ka Santo Papa
Nga bisan may bagyo sa guihapon nagbisita
Bisan iban nga relihiyon sa iya nagsaludo
Kay iya ginpamatud-an nga siya para sa tawo
Matuod guid nga kay Hesukristo siya tiglawas
Salamat Papa Francisco sa kabalaka sa Pilipinas!

-01/21/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 321
Enero Kinse, Dos mil Kinse
Sa Villamor umindak daan-daang estudyante
Paglapag ng eroplanong Sri Lankan
Mga sasalubong naghiyawan
Pagbukas ng pintuan ng sasakyang lumilipad
Skull cap ng Santo Papa ay nilipad
Pagpanaog sa hagdan ng eroplano
Sinalubong ng mga sundalo at ng Pangulo
Pinatugtog himno ng ating bansa
Ganundin ang himno ng Vatican sa Roma
Dalawang batang ulila sa kanya sumalubong
Matamis na pagbati sa kanya ibinulong
Sa Pope Mobile na walang panangga sumakay
Ang Supremo ng Simbahan todo ngiti at kaway
Kahit gabi na kayraming tao bawat daanan
Hanggang sa Apostolic Nunciature na pagpapahingahan.

-01/16/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 316
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan.
Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan!
Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan.
Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan.
Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko.
Ang saya lang ng minsang mapansin Mo,
Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko.
Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako,
Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita.
Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo.
Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga!
Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na.
Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na.
Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko.
Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan.
Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo.
Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam.
Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw.
Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw.
Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw.
O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan.
Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko.
Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
"
Jo Organiza Feb 2020
O Titser! My Titser!

Dughan kong naglatagaw sa tibuok adlaw
nahibalik sa paglantaw sa agtang **** hayag kaayo musinaw,
Ug sa dihang nisulod kas eskwelahan, ikaw ra gayod ang nag inusarang kahayag na akong nakit-an.
Pangalan mo palang, mupitik na'g kadali ang akong dughan.
Kung gali magleksyon ka dira sa atubangan, sa'kong hunahuna, hagbay na tikang gipakaslan.

O Titser! My Titser!
Pinalangga kong katingalahang maestra
Hangtud kunus-a paman ko maghulat
na ikaw gayod ma-akoa?

Tagda ning kasingkasing sa usa ka magbabalak
Paminawa kining mga hilak sa akong mga gitagik na mga balak
gugmang tinuod, 'di gayod kini bakak.

Isa ko ka estudyanteng bugoy, pero ayg kabalaka, apil nakas akong mga pangandoy.
Dira sa simbahan, sa fuente, sa mango, ug bisag asa maabot, nganli ko'g lugar, atoa nang isuroy.

O Titser! My Titser!
Pinalangga kong gwapang maestra,
nganong 'di man jud tika ma akoa?
andam ko pang abton mga bituon,
mamupo'g tambis sa kabuntagon,
unsa pamay laing dapat nakong buhaton?
aron ang tam-is **** paghigugma ako dayung maangkon.
I wrote this one para sa akong crush sauna hHAHAHHAA
Balak - A Bisaya Poem.
theblndskr May 2017
Gusto ko ng isa
" Yun oh! Yung hawak ni
Manong nag-titinda. .
"
Itatali ko sa aking kamay
Habang lumilipad
Sa distansyang abot ko pa,
" Oo, yung color blue ah! "
Teka ilan nalang ba
Ang naipon kong barya?
" Hmm. . Aba aba, sobra pa kaya! "
Inipon ko 'to ng kay tagal
Mga baon na bigay ni nanay.

Itatali ko sa aking kamay,
Sabay naming babayuhin
Ang kalsada papuntang simbahan. .

" Sino yung umiiyak? "
Ahh, lumipad ang lobo niya.
Yung bata, kawawa naman. .
Kahit bilhan ulit ng Nanay,
Sige pa rin ang ngawa. .

" Ano nga bang meron sa lobo niya? "

" Bakit nga ba sila lumilipad? "

Ito yung lobong
Masarap tignan sa kalangitan
Di pwde itali ng matagal
Sasabit-sabit kung saan-saan
Kalaunan, puputok nalang.
Kaya sige, aking bibitawan na. .

"Sige lipaaaad! "
Diyan ka nababagay
Sa langit, tanaw ng madla
Malayo para aking silayan pa
Kinagagalak kong bitawan ka.

Pero wait diba uso,
Yung may kasamang sulat?
" Sigeee exciting, "
Lagyan natin para masaya :

                                 
     "  S a l a m a t .  "
JOJO C PINCA Dec 2017
Kaninang madaling araw umiyak ang langit,
Nabasa ng kanyang luha ang kalsada na dati mo’ng nilalakaran.
Mamayang hapon susunugin  ang iyong bangkay.
Magiging abo ka at ilalagay sa banga.
Sa museleo ng isang simbahan doon ka hihimlay,
Matutulog ka na kasama ang ibang bangkay
Na tulad mo’ng tinupok nang apoy.
Noong isang gabi dinalaw ko ang burol mo,
Payapa kang nakahiga sa kabaong ,
Hindi alam ng mga bulaklak at ataul
ang hirap na ‘yong pinagdaanan.
Nagpapahinga kana sa sinapupunan ng kawalan
Kung saan ang lahat ay nagmula.
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan
Mula sa bagyong dito ay dumaan
Kapani-panibago ang tanawin saanman –
Ang bundok sa silangan at sa kanluran
Maging ang natatangi naming simbahan
At iba pang malalayong kabahayan
Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan

Sapagkat mga puno ay kinalbo niya
Marami rin dito kanyang pinatumba
Mga poste ng kuryente ay kasama
Mga palayan ay naging dagat na
Ilog ay halos umapaw sa kalsada
Kahit malalaking bahay ay giniba
Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!

-11/09/2013
(Dumarao)
*due to super typhoon Yolanda that hit our town
My Poem No. 232
Mister J Mar 2019
Nangarap lang naman ng isang pag-ibig
Na kayang magtagal sa aking mga bisig
Ngunit bakit ganoon kadaya ang tadhana?
Parati na lamang naiiwan at namamaalam.

Wagas na pagmamahal ay kayang ialay
Ngunit kahit nilalako na ang pag-ibig
Walang sinuman ang tumatanggap
Walang sinuman ang kayang tumagal

Hanggang dito na lang ba talaga tayo?
Wala na bang pwede pang iareglo?
Pinagdasal na umabot sana sa simbahan
Ngunit mukhang ako lang talaga ang umasa

Ang pinakamasakit sa lahat ng 'to?
Yung naiwan kang nag-iisip na baka
Pwede pang isalba kung anong meron
Pero hindi ka pinayagang gumawa ng hakbang

Kaya 'eto't nagmumukmok sa isang tabi
Iniisip kung ano bang nagawang mali
Kasi ang mga rasong "hindi ikaw, ako"
Ay mas masakit pa sa "may iba ako"

Mas maiintindihan ko pa kung ang pag-ibig
Na kay tagal kong pinaghirapan ay bigla na lang maglaho
Kaysa sa mga rasong malabo namang basahin
At ang mga mala-bugtong na sagot sa aking mga tanong

Namamaalam muli sa pag-ibig na hindi nagtagal
Na kahit anong pilit ang aking gawin, walang nararating
Walang kapangyarihang baguhin ang kasalukuyan
Ang mga pinanghawakan dumudulas sa aking mga kamay.

Hanggang sa mawala sa puso
Isisigaw ang pagmamahal sa'yo
Sambit ng mga labi ang ngalan mo
Hanggang ang pag-ibig ay maglaho.
For "Hera"

It hurts to be at the end.
But I'll endure until the
feelings are gone..

If we do meet one day,
I hope we can try again
After this whirlwind
Of a romance.

Thank you
I'm sorry
I love you

-J
Louise 4d
𝑫𝒊𝒍𝒆 𝒂 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂,
𝒆𝒍 𝒄𝒖𝒓𝒂 𝒑𝒖𝒆𝒅𝒆 𝒉𝒂𝒃𝒍𝒂𝒓 𝒚 𝒍𝒂𝒅𝒓𝒂𝒓 𝒕𝒐𝒅𝒐 𝒍𝒐 𝒒𝒖𝒆 𝒒𝒖𝒊𝒆𝒓𝒂,
𝒔𝒖𝒔 𝒑𝒂𝒍𝒂𝒃𝒓𝒂𝒔 𝒏𝒐 𝒔𝒐𝒏 𝒍𝒂 𝒗𝒆𝒓𝒅𝒂𝒅, 𝒆𝒔 𝒐𝒕𝒓𝒐 𝒉𝒐𝒎𝒃𝒓𝒆;
𝒆𝒏 𝒆𝒍 𝒇𝒊𝒏𝒂𝒍 𝒅𝒆 𝒕𝒐𝒅𝒐, é𝒍 𝒏𝒖𝒏𝒄𝒂 𝒔𝒆𝒓á 𝑫𝒊𝒐𝒔.

𝑫𝒊𝒍𝒆 𝒂 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂,
𝒍𝒐𝒔 𝒄𝒓𝒆𝒚𝒆𝒏𝒕𝒆𝒔 𝒏𝒐 𝒔𝒐𝒏 𝒔𝒆𝒈𝒖𝒊𝒅𝒐𝒓𝒆𝒔 𝒄𝒊𝒆𝒈𝒐𝒔,
𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝒏𝒐 𝒆𝒔 𝒑𝒆𝒓𝒇𝒆𝒄𝒕𝒂, 𝒆𝒔 𝒖𝒏𝒂 𝒊𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒄𝒊ó𝒏;
𝑨 𝒗𝒆𝒄𝒆𝒔 𝒆𝒔 𝒊𝒏𝒄𝒍𝒖𝒔𝒐 𝒍𝒂 𝒐𝒔𝒄𝒖𝒓𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒂𝒍 𝒇𝒊𝒏𝒂𝒍 𝒅𝒆𝒍 𝒕ú𝒏𝒆𝒍.

𝑫𝒊𝒍𝒆 𝒂 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂,
𝒆𝒍 𝒑𝒖𝒆𝒃𝒍𝒐 𝒏𝒐 𝒔𝒐𝒏 𝒔𝒖𝒔 𝒎𝒂𝒔𝒄𝒐𝒕𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒅𝒆𝒔𝒇𝒊𝒍𝒂𝒓,
¡𝑺𝒐𝒎𝒐𝒔 𝒉𝒊𝒋𝒐𝒔 𝒅𝒆 𝑫𝒊𝒐𝒔, 𝒏𝒐 𝒆𝒔𝒄𝒍𝒂𝒗𝒐𝒔 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂!
¡𝑺𝒊 𝒍𝒂𝒔 𝒄𝒐𝒔𝒂𝒔 𝒆𝒎𝒑𝒆𝒐𝒓𝒂𝒏, 𝒆𝒔 𝒑𝒐𝒓 𝒄𝒖𝒍𝒑𝒂 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂!

¡𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒆𝒔 𝒂𝒃𝒔𝒐𝒍𝒖𝒕𝒐, 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝒏𝒐!
¡𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒆𝒔 𝒂𝒎𝒐𝒓𝒐𝒔𝒐 𝒚 𝒍𝒊𝒃𝒆𝒓𝒂𝒅𝒐𝒓, 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝒏𝒐!
𝑬𝒍 𝒂𝒎𝒐𝒓 𝒅𝒆 𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒆𝒔 𝒊𝒏𝒄𝒐𝒏𝒅𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍, 𝒄𝒐𝒏 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂, ¿𝒅ó𝒏𝒅𝒆 𝒆𝒔𝒕á 𝒆𝒍 𝒂𝒎𝒐𝒓?
¡𝒀 𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒆𝒔 𝒅𝒊𝒗𝒊𝒏𝒐, 𝒃𝒐𝒏𝒅𝒂𝒅𝒐𝒔𝒐 𝒚 𝒑𝒆𝒓𝒇𝒆𝒄𝒕𝒐, 𝒚 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 𝒏𝒖𝒏𝒄𝒂 𝒍𝒐 𝒔𝒆𝒓á!

𝑬𝒏𝒕𝒐𝒏𝒄𝒆𝒔 𝒅𝒊𝒍𝒆 𝒂 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂,
𝒑𝒖𝒆𝒅𝒆𝒏 𝒉𝒂𝒄𝒆𝒓 𝒅𝒆 𝒎í 𝒖𝒏 𝒆𝒏𝒆𝒎𝒊𝒈𝒐,
𝒒𝒖𝒆𝒎𝒂𝒅𝒎𝒆 𝒆𝒏 𝒍𝒂 𝒉𝒐𝒈𝒖𝒆𝒓𝒂 𝒐 𝒂𝒉𝒐𝒓𝒄𝒂𝒅𝒎𝒆 𝒉𝒂𝒔𝒕𝒂 𝒒𝒖𝒆 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒓𝒆;
¡𝑨𝒍 𝒇𝒊𝒏𝒂𝒍 𝒅𝒆𝒍 𝒅í𝒂, 𝒑𝒐𝒓 𝑫𝒊𝒐𝒔 𝒕𝒐𝒅𝒂𝒗í𝒂 𝒄𝒓𝒆𝒆𝒓í𝒂!

𝒀 𝒅𝒊𝒍𝒆 𝒂 𝒍𝒂 𝒊𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂,
𝒑𝒖𝒆𝒅𝒆𝒏 𝒔𝒊𝒍𝒆𝒏𝒄𝒊𝒂𝒓𝒎𝒆 𝒐 𝒂𝒕𝒂𝒓𝒎𝒆 𝒍𝒐𝒔 𝒃𝒓𝒂𝒛𝒐𝒔,
𝒅𝒆𝒔𝒉𝒂𝒛𝒕𝒆 𝒅𝒆 𝒎í, 𝒄𝒐𝒏𝒗𝒊𝒆𝒓𝒕𝒆 𝒎𝒊𝒔 𝒉𝒖𝒆𝒔𝒐𝒔 𝒆𝒏 𝒂𝒎𝒖𝒍𝒆𝒕𝒐𝒔;
¡𝑯𝒂𝒔𝒕𝒂 𝒆𝒍 𝒇𝒊𝒏 𝒅𝒆𝒍 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐, 𝒍𝒐 ú𝒏𝒊𝒄𝒐 𝒒𝒖𝒆 𝒉𝒂𝒄𝒆𝒏 𝒆𝒔 𝒅𝒂ñ𝒂𝒓!

𝑪𝒂𝒚𝒂'𝒕 𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏;
¡𝑬𝒍 𝒄𝒖𝒓𝒂 𝒏𝒖𝒏𝒄𝒂 𝒄𝒖𝒓𝒂𝒓á,
𝒉𝒂𝒔𝒕𝒂 𝒒𝒖𝒆 𝒔𝒖 𝒂𝒍𝒎𝒂 𝒔𝒆𝒂 𝒑𝒖𝒓𝒂!

~~

𝑨𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉á𝒍 𝒏𝒂 𝒄𝒂𝒃𝒂𝒃â𝒚á𝒏,

𝑺𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏,
𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒊 𝒂𝒚 𝒎𝒂â𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒂𝒕 𝒅𝒖𝒎𝒂𝒍𝒅á𝒍 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒊𝒔𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒚𝒂,
𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒂𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒂𝒍𝒊𝒕â 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒂𝒕𝒐𝒕𝒐𝒉á𝒏𝒂𝒏, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒂𝒚 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈;
𝒔𝒂𝒎𝒂𝒌𝒂𝒕𝒖𝒘𝒊𝒅, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈-𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔.

𝑺𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏,
𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒎𝒑𝒂𝒍𝒂𝒕â𝒚𝒂 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒖𝒍𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒂𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒍á𝒎𝒂𝒏𝒈,
𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒆𝒓𝒑𝒆𝒌𝒕𝒐, 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕û𝒔𝒚𝒐𝒏;
𝒎𝒊𝒏𝒔𝒂𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒑𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎 𝒔𝒂 𝒅𝒖𝒍𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒈𝒖𝒔𝒂𝒏.

𝑺𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏,
𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒄𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒚𝒐𝒑 𝒏𝒂 𝒎𝒂â𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒂𝒓𝒂𝒅𝒂,
𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏!
𝑨𝒕 𝒑𝒂𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒍𝒂 𝒑𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂, 𝒊𝒕𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒚 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏!

𝑨𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒕𝒊𝒚𝒂𝒌, 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊!
𝑨𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂, 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊!
𝑨𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒏𝒅𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏, 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏, 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈?!
𝑨𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒚 𝒃𝒂𝒏𝒂𝒍, 𝒎𝒂𝒃𝒂𝒊𝒕 𝒂𝒕 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒍𝒊-𝒎𝒂𝒍𝒊, 𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈!

𝑪𝒂𝒚𝒂'𝒕 𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏,
𝒎𝒂â𝒂𝒓𝒊 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏,
𝒂𝒌𝒐'𝒚 𝒔𝒖𝒏𝒖𝒈𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒕𝒖𝒍ô𝒔 𝒐 𝒃𝒊𝒕𝒂𝒚𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒆𝒏𝒕𝒂𝒃𝒍𝒂𝒅𝒐,
𝒔𝒂𝒌𝒔𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒖𝒈𝒐 𝒌𝒐;
𝒑𝒂𝒈𝒄𝒂𝒕𝒂𝒑𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐, 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒏𝒊𝒘𝒂𝒍á 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔!

𝑨𝒕 𝒔𝒂𝒃𝒊𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉á𝒏,
𝒎𝒂â𝒂𝒓𝒊 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒕𝒂𝒉𝒊𝒎𝒊𝒌𝒊𝒏 𝒐 𝒊𝒕𝒂𝒍𝒊 𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒓𝒂𝒔𝒐,
𝒊𝒑𝒂𝒕𝒂𝒑𝒐𝒏 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒌𝒐, 𝒈𝒂𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈-𝒂𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈
𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒖𝒕𝒐;
𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒄𝒂𝒕á𝒑𝒖𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐, 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒏á𝒌𝒊𝒕 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒏𝒈-𝒂𝒂𝒃𝒖𝒔𝒐!


𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒊𝒏𝒚𝒐,
𝑳𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒃𝒖𝒔𝒕𝒆𝒓𝒂
"La Filibustera" series, parte uno
Sang si Juan nga taga-Esquilino
Sg tanda sa Imo nagpangayo
Ikaw naghatag sg makatilingala nga milagro

Sg niebe ang bukid Imo ginlikupan
Bisan sa tag-ilinit nga kapanahunan
Ginhulma sa dagway sg isa ka simbahan

Sa ining hitabo nga maragtason
Ginpamatud-an nimo nga Ikaw bilidhon
Ikaw matuod ang Reyna sg Tanan nga Panahon!

-08/05/2015
(Dumarao)
*Town Fiesta of Dumarao…from the request of Ma’am Frenalyn Beladas, our choir leader
My Poem No. 374
Enero Diez y Nueve, Dos mil Kinse
Tulad ng pagdating, pag-alis naging simple
Subalit tulad ng unang araw
Mga nag-antabay sa daan nag-umapaw
‘Di parin natinag ang hiyawan
Ng mga taong sumalubong sa lansangan
Tulad ng pagdatal, panahon ay maganda
Napakaganda ng araw sa umaga
Paglipas ng mga araw na inulan
Bumalik din sa maaraw na pinagmulan
Mula umpisa hanggang sa wakas
Lulan parin ng Pope Mobile na bukas
Sa Villamor meron paring sayawan
Tulad ng unang paglapag sa bayan
Salamat sa wakas maayos na nakabalik
Ang Supremo ng Simbahan na sa bansa humalik.

-01/20/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 320
Ms Oloc May 2020
Kapag ako’y na sa simbahan
Ikaw ang lagi kong kahilingan.
Ikaw ang lagi kong pinagdadasal
Na wag kang pabayaan ng may kapal.

Sa kahilingan mo’y nakasubaybay.
Dahil ikaw ang aking panghabang buhay.
Pangako, hindi ka iiwan magpakailanman
At tayo’y magsasama ng walang hangganan.

— The End —