Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Sep 2019
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig
Magawi sana sa pintuan muli
Sa dampang giba-giba
Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas

Kung pagod na't nagbubuntong hininga
Magpahinga sa puno ng mangga
Ang lilim nito'y aking kalinga
Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa

Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato
Baka matisod ka sinta ko
Lumakad ka nang mabini
Di ako mainipin para ika'y magmadali

Dahan-dahan na dumaplas
sa kawayan na matinik baka sumalubsob
Sa balat **** manipis na parang sanggol
Sapagkat sinadya na ginawang bakod

Kapag natatanaw na ang aking tirahan
Tawagin mo sana ang unang pangalan
Para agad kong malaman
Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan
Malalaman na ikaw na yan giliw
di na bibitawan
mao Dec 2019
kahit ilang oras hintayin
kahit mas malala ka pa sakin
di basta basta magiging mainipin
kung ikaw naman ang kikitain
:)

— The End —