Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Nov 2017
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak,
Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas,
Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso"

Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso,
Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo,
Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko.

Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko,
At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko,
Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka,

Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo,
Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
Jeg elsker deg
Neil Harbee Sep 2017
Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita
Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga
Pero ano ba talaga ang problema?

Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw ang nasa isip ko
Sa bawat oras na magkasama tayo, walang ibang tumatakbo sa utak ko
Sa bawat oras na magkasama tayo, labis na ligaya ang nararamdaman ko
Pero ano ba talaga ang problema?

Sa tuwing kasama kita, iba ang nasa isip mo
Sa tuwing kasama kita, ibang tao ang tumatakbo sa utak mo
Sa tuwing kasama kita, iba ang nararamdaman mo
Ito ba? Ito ba ang problema?

Ang problema, nandito naman ako pero iba ang hinahanap mo
Ang problema, nandito ako sa tabi mo pero ibang tao ang nais mo
Ang problema, NAGPAPAKATANGA AKO KAHIT NA ALAM KO
Oo alam ko… Na siya ang gusto mo
Chi Jul 2017
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin

Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin

Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan

Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat

Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako

Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako

Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo

Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
Maggie Jun 2017
Kadilima'y bumalot,
Mata'y di makakita,
Ang sarili'y natakot,
Ng bigla kang nawala.
"Teka Jeth, sekreto lang katangahan ko hahahaha"
J Apr 2017
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula,
Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba,
Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit,
Para sa isang taong magulo lagi ang isip.

Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali?
Paano mabago at maulit muli?
Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot,
Mga tanong na puno ng takot.

Tao lang naman ako hindi ba?
May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba,
Ang buong akala ko ay okay na ako,
Okay na ako..... Siguro.

Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan,
Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan.
Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos,
Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
Maxwell Dec 2015
Lakasan mo naman ang iyong loob
Ang isip, 'wag hayaang makulob
ng kalungkutan at kaba
Labanan mo, lumaban ka.

Alam kong gabi-gabi ang iyong pag-iyak
pero sa dulo, ikaw rin ang magagalak.
Alam kong pagod ka na,
pero ngayon ka pa ba susuko?

Laban lang, sugod lang.
Wala sa nakaraan ang inaasam
Kaya 'wag kang aatras.
Kaya mo yan, kaya ko 'to.
Hindi ka pa ba sanay?
supman Dec 2015
Minsan ako,
minsan siya
pilit **** pinaghahati,
ang oras mo sa aming dalawa

Ayaw ko ng may kahati,
gusto ko ako lang
Gusto ko masabi,
masabi  na ikaw ay akin lamang

Hindi ka isang tinapay na pwedeng paghatian
Hindi ka isang laruan na pwedeng ipahiram
Isa kang babae na dapat pahalagahan
Isang babae na mahal ko at dapat pagingatan
madrid Oct 2015
Para sa ulap na di ko maabot
Para sa pasang di magamot-gamot
Para sa halik na di malilimutan
Para sa akalang hanggang akala nalang

Para sa ibong di makalipad
Para sa pangarap na di ko matupad
Para sa bukas na di ko na masilayan
Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang

Para sa bagyong di matapos-tapos
Para sa hawak na nagmumukhang gapos
Para sa panaginip na di ko mabitawan
Para sa sanang hanggang sana nalang
This one's for you.
Meruem Aug 2015
Bakit sadyang mapagbiro ang tadhana?
Hinayaan na ikaw ay makilala.
Mabihag ang puso ko'y 'di inakala.
Nang lumaon, ako sayo'y nahalina.

Ikaw ay sinubukan na makausap,
At aking sinambit ay "Hi! Hello! What's Up?"
Inakala na ika'y sadyang mailap.
Pagkat mga salitang iyo'y ang saklap.

Dyahe, napaka-labo nga naman diba?
Maging ikaw at ako, 'ika ng iba.
Subalit 'di nagpadaig sa mga duda,
Hanggang loob mo'y tuluyan ng makuha.

Ang hangin ay malakas na umiihip,
Sa labas habang ako ay nag-iisip.
Kung pwede nga lang sana ito i-skip,
Ngunit ang dibdib ay lalo lang sisikip.
unang tula. #WalangPasokPH
Paraluman Jul 2015
Siya'y nakalaan sa'yo,
Ika'y para sa kanya,
Paano naman ako?
Tadhana'y sadyang kay daya.
HugoTula#3

— The End —