Napabuntong-hininga na lamang Tila ba tumatakbo ang bubutil na pawis sa noo niya Sasabak na naman si Tatang sa gyera Pilit binuhat ang sakong mas mabigat pa sa kanya Marupok na ang mga buto Ngunit hindi ang puso Ang wika nya, "Walang hindi gagawin para sa apo." Si Nena, sampu na ang anak Hindi na magkanda-ugaga Iiyak ang isa, gutom naman sa kabila Sa sususunod na buwan, malapit na siyang manganak Ang ama ng mga bata, naroon sa kanto nagpapakalunod sa alak Sabi nga nila, walang hindi gagawin ang magulang para sa anak. Tanghaling tapat na, almusal pa rin ang hinahanap Natulala na lamang si Nena nang malaman, ang tatay niya'y patay na