Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 26
Matalino naman ako,
alam rin iyan ng mga tao sa paligid ko.
Maingat naman ako,
kung hindi ay hindi ako tatagal sa mundo.
Ngunit bakit sa sarili ko'y ginagawa ito?
Bakit ako naglalakad patungo sa'yo?
Alam kong masasaktan muli ako,
baka nga ito pa ang maging kamatayan ko.
Ngunit bakit patuloy pa ring lumalapit sa'yo?
Naglalakad ng masaya at magiliw
patungo sa aking kalbaryo,
para lang maipalasap sa'yo ang paraiso.
Habang pasan ang krus na tonelada ang kilo,
para lang madala ang walang hanggang kaligtasan sa'yo.
Este corazΓ³n pesado es la cruz que llevo.

"Semana Santa Sadgirl Series": no. 3
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
  621
     Louise and Weeping willow
Please log in to view and add comments on poems