Sa lahat ng mga bumati gayon din po sa mga nakaalala Ngayon ako po'y tumabi Sa gilid, kalakip ang Pagpapala ramdam man ang talab ng Araw sa aking balat Tila ba hapding may Alab na dulot ng tama ng Bala itong Nilalaman ng aking isip at nais mailipad ng aking pisi yaring mga katagang may talas Ngunit sa Tugmaan po ay salat Gayon ma'y ipinaaabot ko pa rin sa Tala Sa tulong ng hanging merong tubig alat Ngunit di kailan man mangangalawang ang taos puso kong pasasalamat sa lahat sapagkat paikot-ikotin man ang radar.. .......Ang radar ay radar pa rin kahit pa takasan at baliktarin!
Sa ating lahat...Umagang Kay ganda Simula na muli ng bagong pag-asa