At kaya nga ayokong mag-lotto, Kasi naaalala kong walang pag-asang manalo, Mabuti pa si Chito, Hindi nauubusan ng liriko.
At ayokong umasa sa roleta, Kasi ako yung tipong sigurista, Hindi naman ako dumaraan sa peryahan, Moderno nga pala sa'ming bayan.
Hayaan mo, hindi ako mag-aaksaya ng barya, Papel lang kasi siyang humahagkan sa bulsa. Sandali, pagkat hindi ako mayaman, Hindi ka kasi mabibili ng ginto't dyamante sa tindahan.
Paumanhin, wala naman kasi akong pera Hindi ako magtataya sayo, Lotto ka nga eh, walang kasiguraduhan.
Napdaan ako sa Lottohan, pero hindi pa ako nakaranas magtaya. Wala rin akong interes, kahit lahat pa magtaya.