Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"winawaglit" poems
Agos ng pagmamahal na nadarama ay sadyang lumalagaslas Halos hindi ko mapagtanto kung pagibig nga ba ito. Hindi sa natatakot na akoy mabigo ngunit may nag mamayari na ng iyong puso. Ayokong mapalapit sayo sapagkat naiinlove ako ng todo. isang masakit na kataga na pilit na winawaglit saking isipan, kaibigan lang kita laging tinatandaan pagibig ba nadama noo'y kinalimutan na tanong sa may kapal bakit naging classmate pa kita. Tiningnan ng palihim, sanay wag masamain. pagibig na nadama hanggang pangarap nalang talaga, sanay minsan maisip mo rin na may nag mamahal sayo ng palihim. torpe talaaga ako kahit anong sabihin. kahit saang anggulo salain.
0
Aug 31, 2014
Aug 31, 2014 at 11:25 PM UTC
"TORPE"
"Magsimula tayong muli." Yun ang sabi niya, na parang kay dali lang ibalik lahat nang iniwala niya. Sa tagal niyang nawala hindi ko lubos maisip pang babalik siya na tila ba parang wala lang nangyari. Ang walang hiya, sasabihin na kasalanan ko din naman kung bakit siya nagdesisyon umalis para hanapin yung sarili niya at ayun hinayaan ko na. Hindi ako martir. Bingi na kasi siya sa mga pakiusap kong subukan namin ulit. Sa nagdaan na panahon na wala siya, pilit ko din inaayos yung lahat na binasag niya. Pilit pinagdikit ang natitirang bubog ng pagkatao ko na dinurog niya. Tinahi yung gutay gutay kong puso at pilit na ginamot hanggang sa maghilom. Ang pagmamahal na inapak apakan niya lang ng makapal niya na tsinelas ay pilit niyang pinapadampot sa akin na para bang gusto niyang ialay ko ulit sa kanya. Tatanggapin ko ba ang proposisyon niya? O baka naman nabagot lang siya kasi walang mapaglaruan na iba? Ang hirap sa kanya libre na nga binalewala niya pa. Sobra akong nagpakatanga sa kanya noon. Ngayon, kahit nasa harapan ko siya nagtatanong kung pwede pa ba? Nanumbalik man ang sakit ng nakaraan na dati pilit ko winawaglit. Nasabi ko na lang sa kanya. "Hinding hindi na ako magpapaloko ulit tama na siguro yung nagpakatanga, naging alipin, sumugal, nagmakaawa at kailanman hindi ako naging sapat sa maling tao at sa maling pag-ibig."
0
Jun 11, 2019
Jun 11, 2019 at 5:22 AM UTC
Tarantado
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin? Simula't sapul hanga ako sa iyong angking Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing Napukaw mo ang aking damdamin Noo'y di lingid sa aking kaalaman Ikaw pala ay aking magiging kaibigan Usap nang konti, tawanan sandali Marupok na puso'y pilit winawaglit Mali bang ika'y aking pangarapin? Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin Konting asaran na lang at ako'y matatangay Sa iyong mga matang laging nagpupugay Ngunit sabihin man nating gusto kita Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa Takot masira kung anong meron tayo Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Mga Hindi ko Masabing Salita