Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
John AD May 2020
Matalas na mata , Tulog lang sumasara
Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira
Walang talab sakit , Manhid ang resistensya
Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena

Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot
Iturok sa sarili , Patayin ang salot
Balisa kaibuturan ng iyong isip
Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip

Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan
Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan
Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan
Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
Ang pisi ay patibong
John AD Feb 2019
Mari , Maaari ko bang sabihin ang aking nadarama?
Mariposa sa himpapawid na dumapo sa aking mga pluma,
Ako'y nagdurusa , Labis na kalungkutan ang nadarama
Masyado tayong nagpadalus-dalos,At di alam kung saan papunta

Nagdurugo ang aking puso,Pinapaslang ang aking utak
Kakaisip sa mga bagay na hindi matuka ng Uwak , Dahil
Pagod pa din ako kahit nakatulog na , Di nga kita makausap
Ako'y Takot pa

Na Malaman **** , kelangan ko munang magpahinga,
Hindi naman lilisan,Nais lamang ipaalam na
Pagod na pagod na ang isip ko tuwing kausap ka
Hindi parin kasi kita maipinta

Ako'y hindi sanay sa mga bagay na ika'y napapakalma
Marahil di mo ko maintindihan , Yun talaga ang totoong kulay ng aking pluma
Hindi rin kasi ako masaya tuwing nakasimangot ka
Malungkot din ako kapag malungkot ka

Pero wala naman akong magagawa ,
Tikom lang ang aking mga bibig
Limampung Beses iniisip
Ang mga bagay na makakapagpabago ng iyong mga himig

Wala akong kakayahang makipagtalakayan
Magkaiba kasi tayo ng kapaligiran
Sana'y mauwanan mo naman ang aking nararamdaman
Masakit man ang mga nasasabi ko ,Mas masakit ang magbulag-bulagan

Dahil ayaw ko ng magsinungaling sa aking mga nararamdaman
Baka humantong lamang ito sa isang malaking kasinungalingan
Hangga't maaga , nais kong ihatid ang mensaheng ito
Upang iparamdam sayo lahat ng aking nadarama

Mari,Mariin ang sakit ng bawat letra ng aking inilathala
Bagkus ito'y magiiwan ng marka at sa pag kislap ng mga tala
Nais kong dalin mo ito at magsilbing payo ko sa iyong pagkatao
Ngunit huwag mo kong kalimutan dahil naging parte ako ng buhay mo

Mari,Marilag na binibini sana ako ay mapatawad mo
Sa hakbang na ginawa ko , Sa bagay na magiging sanhi ng kalungkutan mo,
Hindi pa naman ako mawawala bilang kaibigan mo
Basta't Huwag mo rin kakalimutan kung sino ako .

(Ang nais ko'y manatili ang ating pagkakaibigan,
Ngunit kelangan ko ngayon ng oras para sa sarili ko)

(Mari,Pagod pa ang aking isip
At Patuloy paring nananaginip
Regalo sa akin ang ating pagkakakilanlan
Itinago ko nga lahat ng iyong payo dito sa aking Isipan)
Ang pag-iyak ng mga dahon  sa bukang-liwayway  ay pinapawi ng init ng pagsikat ng Araw,At maglalaho sa Dapithapon , At Maaring magiwan ng marka padating ng Takipsilim...
Ang apat na yugto ng oras ng panahon ay nagsisilbing instrumento ng aking pagkatao... at pagkatao mo..
Sundan mo ang pagsikat ng araw ! at huwag na huwag **** papakiramdaman ang presensya ng kadiliman...
Eugene Dec 2015
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan?
Naghihintay ako sa ating tarangkahan.
Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan,
Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan.


Madaling araw na mahal, wala ka pa rin.
Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan.
Nagbabakasakaling aking masaksihan,
Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan.

Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na.
Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana.
Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik,
Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan.


Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na.
Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa.
Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila.
Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila.


Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan.
Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin,
Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain,
Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban.


Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain.
Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin.
Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban.
Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan.

Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli.
Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi.
Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi.
Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi.


Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na.
Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na.
Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya,
At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga.

Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
Jose Remillan May 2016
44
Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng ating mga ninuno.
Mga alingawngaw na daing,
Mga daing ng gatilyo,

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Biktima ng huling uwak ng
Takipsilim, unang kalapati ng

Bukangliwayway.

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Moog sa pedestal ng idelohiya't
Pananampalataya ng digmaan.

Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng mga Pangako.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
kingjay Dec 2018
Iligaw ang tukso ni Lusiper
sa diwa na siyang naghari
Magmuni-muni sa ibaba ng mundo
Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi

Lampas sa katotohanan ang layon
Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip
Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki
Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo

Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid
May mga dagim na nagtabon sa buwan
Nang nasilayan ang diklap sa alangaang
na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon

Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere
Simpleng kilos niya'y nakakaaliw
Humapon sa troso para magpahinga
Sa kanyang aparisyon makikita ang
unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa

Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw
noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan
Naging balat-sibuyas na tubo
humihikbi nang patago
kingjay Dec 2018
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa
Pakinggan ang himutok
sa kwadradong kahoy nakapatong
ng bangkay na  nangangapa pa

Buuin ang palaisipan
Kung may itsura ay hugutin
ang kasagutan sa bugtong
Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito
Nababalisa ang gabi at di makatulog

Munting daliri ay igalaw
Ngunit nanatiling tamad ang mga braso
Sa pagkabog ng dibdib
Ang halinghing ay maririnig
Sa kalaunan ay parang di na humihinga

Kinakalawang sa silid
Nakahandusay sa silyang rektanggulo
Tiisin ang katahimikan
Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga
Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa

Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala
Magbuntong-hininga ito makipag-usap
Isinalaysay ang pagdaralita
Nakatikom ang bibig
Maghihilom din bagkus di makatawa

Magmumukmok sa loob
ang walang saysay na uwak
Idagit ang kabuluhan
Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
Jun Lit Feb 2020
Ikasampung lagok na
at higit pa
ng mainit **** ala-ala
subalit malapit man
wari kung aking tinitingnan
sa sulok ng napadpad na isipan
sa kabilang ibayo ng mga pananaw
sa malayong dalampasigan ng pagkatao,
hindi ko kayang abutin
ang pinutol kong pusod
na sa puting lampin ay ibinalot,
at ibiniting tila bituin sa mga alapaap.

Maghapon ko mang lakarin
mula sa aking pusong pinabango
ng galapong na bagong giling,
na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan
habang isinasangag ang bawat butil
ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan
mula sa masuyong pinagsikapan,
pinagtiyagaang alagaan -
puno ng liberikang kape
ng lupang sinilangan.

Malayo, malayo na ang Lipa
madaling lakbayin sa malawak na kalsada
na dumaraan na ngayon sa kabundukan
ng Malarayat
na noong musmos pa’y
malayo, malayo, malayo . . .
tanging nakakarating lamang ay mga uwak
at sabay-sabay na lumilipad na tagak
sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag.
Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis
Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis
Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit
At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay
na inaakyat ng mga paslit
napawi na rin ang matayog na tahanan
tila binura ng kapalaran
at mistulang iginuhit ng chalk lamang
sa pisara’y kumupas na larawan.

Natabunan na ng bundok
ng mga alikabok ng ala-ala,
wala na tahanan, o ang lumang pisara
tila nawaglit ang apat na dekada

Malayo na ang lumang Lipa
at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya
makating-masakit at di makakalimutan
ang mga karanasan at mga aral na dala

Kung wala na ang bigas na kinanda
magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa
Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka
kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na
Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa
Ngunit sinisinta
ika’y makakaasa:
     Ang pinanggalingan,
          ang pinagmulan,
               lilingunin tuwina.
Brewed Coffee - 10; 10th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
Randell Quitain Apr 2018
mga uwak sa posteng nagkubli sa dilim,
bitbit ay bato kung makatingin matalim,
mga pula na mata'y nahalina't,
pag-alis leeg sukbit ay karit.

mga nasugat na balat sa paggupit ng kuko,
pinupuwing ng luha ang mga mata sa bungo,
kailan kaya hihinto ang mga diwatang nangisi?
kailan matutulog nang managinip ay 'di gising?
Kevin V Razalan May 2020
Walang labis, walang kulang,
Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam,
Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik,
Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik.

Madalas ay parang lantang gulay,
Kung gumuhit ng salita ay matamlay,
'Di matuka ng uwak kung ialay,
Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay.

Sa tuwing hahampas ang higanteng salot,
Rubdob ng damdamin ay mapusok,
Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot,
Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok.

Minsan nama'y isang mapagtangis,
Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis,
Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit,
Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait.

Hindi na sapat ang galak na malalasap,
Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat,
Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag,
Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag.

Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit,
Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik,
Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo,
Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo.

✍: pensword
rin May 2018
nakakatakot
na sarili'y kilalaning lubusan
dahil kasa-kasama'y pagkatao kong
maitim pa sa balahibo ng uwak;
dahil kaakibat nito'y
kausapin siya
at dinggin ang kanyang pakiusap
na siya'y isulat
kahit ayoko'y
ayoko na, ayoko na
ayoko na
ayokong isulat sadyang kataga
ngunit heto ako't sinulat pa rin siya
ayoko siyang pakinggan
ayoko na, ayoko na
ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita
naririnig ko aking mga sinusulat
malinaw pa sa'king mga mata
di kaya siguro nga'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala?
baka nga kaya'y mas mainam
kung siya nalang ang bahala
kontrolin ang buhay kong tutal nama'y
lagi niyang pinapakialaman
siya nalang ang bahala
ayoko na, ayoko na
siya nalang ang bahala
kahit mapagpasiyahan pa niyang
mawala na kaming parehas
kung sa pagkawala sarili'y mahanap
at ayos lang ako ay malimutan ng lahat
naisulat ko naman siya.
a filipino poem i might translate soon bc my life ***** and i like feeling it more in my native tongue haaaaahha
Herena Rosas Aug 2021
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig.

Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat.

Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta.

Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin.

Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi.

Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina.

Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan.

Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat.

Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad.

Ang pagwawagi ay bihira lamang.
Laban lang!
John AD May 2020
Isa pang rason , Sa pag-usad
Kurbang linya , katamtamang ruta
Tunog ng kampana , ginising ang isip
dati rati sumisilip , reyalidad na ang panaginip

Tinagpi ang pisi , bagwis muling papagaspas
Sanhi ng dahas naakit , uwak ay maghihiganti
Paglubog ng araw , pagsikat ng dilim
Sanay na kong bangkay , Nanghuhusga nalang ako kung sinong mamamatay

Kamatayan ang aking katauhan
Orasa at karit aking sandata
Buhos ng lupa , Kalkulado ka
Sa pagdaan ko , mananaginip ka
John AD May 2020
Y
Wasak aking atay , Nangungulila ako itay
Nais kong mamatay ng hindi ako mapapaaray
Nagtawag ng uwak habang ako'y nakahimlay
Darating ang mga araw lumbay ko'y kapalit ay lamay

Sitwasyong gulong-gulo hindi ako sanay
Lungkot na kalaban , isip ko ay pinapatay
Hinahanap ang kahapon , Saya ay nahiwalay
Nagbabakasaling magkaayos muli kayo ni inay

Katiting na porsyento , yan ang mahirap ibigay
Pisi ay napigtal, dumilim ang buhay
Tarik ng hagdan , makulimlim loob ng bahay
Datdatnan madilim na umaga , pagmasdan,damhin malamig na ang aking bangkay
Konektado ang isip at pisi pati ang pagiyak ng uwak

— The End —