Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mimi V Apr 2016
Alam kong mali ito
Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon
Pero ano nga bang magagawa ko?
Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo.

Nung una at pangalawa di ako sigurado
Ngunit sa pangatlong beses?
Di ko na mawari ang nadarama
Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim

Ang hirap! mali kasi talaga to,
minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya
Hindi dahil sa maygalit ako
Subalit yun lang ang paraan ko,

Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo
Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’
“And it’s been weeks”
Subalit, lalo lang kitang namimiss.

Pag ika’y aking kaharap
Hindi ko alam ang sasabihin
Hindi ko alam saan ako mag uumpisa
Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo

Oo! Single naman tayong pareho
Ngunit sa kabila ng lahat
Alam kong hindi pwedeng pilitin
Alam kong hindi ka itinadhana sa akin


Kung hindi lang ito mali
Bakit pa kita pakakawalan?
Bakit pa kita iiwasan?
Bakit ko pa patatagalin?

Ngunit may dahilan ang lahat
May ibang plano ang Diyos
Plano niya'y ikakabuti nating dalawa
Kaya di ako manghihinayang!

Dalangin ko sa maykapal
Maibsan ang aking nadarama
Pagkat tanging ito lamang ang solusyon,
Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
Yes! be moving on #SlowlyMovingOn #NotAPoem #ItsHugot Teeeheee ^.^
Taltoy Dec 2019
Aye
Pag-uumpisa ng bagong kabanata,
Pagbuklat sa bagong pahina,
Mga bagong pagsubok ang naghihintay,
Sa bagong yugto ng iyong buhay.

Sana'y makamit mo ang iyong mga pangarap,
Sana'y maging maligaya ka sa iyong hinaharap,
Sana'y di mawala ang iyong ngiting dala-dala,
Na lalong nagpapalabas ng iyong tunay na ganda.

Edukasyon, pamilya, kasiyahan, pag-ibig,
Ilan sa mga bagay na unti-unting papasok sa iyong daigdig,
Baka hindi ngayon,  baka hindi rin bukas,
Subalit ang araw na 'yan sa'yo ay di lalampas.

Patuloy na mangarap, ngumiti at lumipad,
Patuloy na maging mabait kahit saan man mapadpad,
Patuloy na maging mapagkumbaba kahit kailan,
At huwag kalimutang ngumiti sa saya or lungkot man.
Habordii ayeeee,  wag ka mahiya if may gusto ka itanong sa akin in the future hehe
Claire Oct 2017
tama pa bang kumapit ako o....
mahal sa pagkakataong ito masasabi kong pagod na ako
ngunit sa bawat sambit ko nito naaalala ko yung dating tayo
yung dating tayo na masaya at walang problema
mga pagkakataong tayo'y masayang magkasama
mga panahon na hawak mo pa ang aking mga kamay,
kasabay nito ang iyong pagkawala at unti unting pagbitaw
mahal, hindi na alam san mag uumpisa
mahal, pagod nakong umasa
umasang maibabalik pa
Ang dating samahang hindi na sana nag umpisa
mahal, ayoko na.... pero lalaban pa.

— The End —