Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"uumpisa" poems
Alam kong mali ito Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon Pero ano nga bang magagawa ko? Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo. Nung una at pangalawa di ako sigurado Ngunit sa pangatlong beses? Di ko na mawari ang nadarama Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim Ang hirap! mali kasi talaga to, minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya Hindi dahil sa maygalit ako Subalit yun lang ang paraan ko, Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’ “And it’s been weeks” Subalit, lalo lang kitang namimiss. Pag ika’y aking kaharap Hindi ko alam ang sasabihin Hindi ko alam saan ako mag uumpisa Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo Oo! Single naman tayong pareho Ngunit sa kabila ng lahat Alam kong hindi pwedeng pilitin Alam kong hindi ka itinadhana sa akin Kung hindi lang ito mali Bakit pa kita pakakawalan? Bakit pa kita iiwasan? Bakit ko pa patatagalin? Ngunit may dahilan ang lahat May ibang plano ang Diyos Plano niya'y ikakabuti nating dalawa Kaya di ako manghihinayang! Dalangin ko sa maykapal Maibsan ang aking nadarama Pagkat tanging ito lamang ang solusyon, Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
SIDE B
tama pa bang kumapit ako o.... mahal sa pagkakataong ito masasabi kong pagod na ako ngunit sa bawat sambit ko nito naaalala ko yung dating tayo yung dating tayo na masaya at walang problema mga pagkakataong tayo'y masayang magkasama mga panahon na hawak mo pa ang aking mga kamay, kasabay nito ang iyong pagkawala at unti unting pagbitaw mahal, hindi na alam san mag uumpisa mahal, pagod nakong umasa umasang maibabalik pa Ang dating samahang hindi na sana nag umpisa mahal, ayoko na.... pero lalaban pa.
0
Oct 9, 2017
Oct 9, 2017 at 6:26 AM UTC
Tama pa ba o Tama na..