Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umpisang" poems
sabi nga nila sa umpisa lang masaya at nag daan na ang umpisang iyon heto na tayo ngayon sa away bati pilit inuunawa ang isa't isang may mali sabi nga nila mag babago din 'yan hindi ko inakala na mangyayari iyan satin pero nandito tayo ngayon nag tataka bakit tila hindi na maintindihan ang isa't isa sabi nga nila mapapagod ka din ang pinakakinakatakutan ko sa lahat at heto na tayo sa pinakakinakatakutan ko tila ika'y unti unti ng napapagod saakin sabi nga nila iiwan ka din niyan mahal, umaasa ako sa mga pangako **** sinambit noon pero kung hindi mo na talaga kaya baka pwede namang kayanin mo pa, parang awa mo na kayanin mo na mapatunayan natin sa lahat na tayo ay hindi lang basta basta kasi tayo ay hindi kabilang doon sa mga sinasabi nila at tayo'y handang sumubok kahit na paulit ulit nalang ang nangyayari na tayo ay muling babalik sa umpisa na laging masaya dahil sobrang mahal natin ang isa't isa baka lang naman pwede mahal ko, baka lang naman..... sana
0
Aug 17, 2016
Aug 17, 2016 at 2:38 PM UTC
umpisa