Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umpisahan" poems
Ako'y kinakabahan Saan ko kaya ito u-umpisahan? Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan Kaya ako ngayon ay naguguluhan Pano mo nagawang mang-iwan? Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw Hanap-hanap palagi ay ikaw Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating Nakatingin sa mga bituin Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating Ang nagiisang bituin para sa akin Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating Agad kitang yayakapin At sasabihin Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin Ang tanga mo Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan Siguro nga hindi lang yan panandalian Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita At sa iyong pagbalik Umaasa na hindi mo na ako ulit Ipagpapalit. Ngunit bakit ka'y pait? Umaasa na makita ka na kahit saglit Sapagkat Hindi ko na kaya ang sakit . . Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
0
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Uhaw na Isda
Pasko na naman Pero gulo ang nararanasan Ano ang tunay na kahulugan Ng Pasko sa ating bayan? Mga taong nag-aasam Ng kapayapaan sa kapaskuhan Hindi man lang nakamtan Ang kanilang inaasahan Ang Pasko sa krisis Hindi namin ninanais Hindi rin namin inaasahan Ang mga bilihi’y magsitaasan Ngunit gaano man kalala Ang krisis ng bansa Basta may pagmamahalan Ang bawat isa Tiyak na sasaya Ang ating pagsasama At kung may pagkakaisa Malaki ang pag-asa Kaya tayo na’t umpisahan na Pagmamahalan, pagsasama Pagkakaisa’t kapayapaan Para sa pag-angat ng ating bayan! -12/25/2000 (Dumarao) *a project/assignment
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 1:33 AM UTC
Pasko sa Krisis
Para sa mga taong puro reklamo Tinignan mo na ba ang sarili mo Sinubukan mo bang umpisahan ang pagbabago Oh puro si PNoy ang may kasalanan nito Yan ang hirap sayo Puro ka post sa facebook ng reklamo Nagpapanggap ka pang matalino Eh gusto mo lang cool ka sa paningin ng tao Bato bato sa langit Pag tinamaan ka alam kong masakit Pagmasdan mo ang lahat at wag kang pumikit Ako lang naman ay nagmamalasakit Hindi naman ako nagagalit Gusto ko lang malaman mo na ang bansa ay may sakit Dahil sa hilahan pababa lahat tayo ay naiipit Ang kaayusan kailan pa kaya makakamit?
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 12:06 PM UTC
Reklamo
Mahal naalala mo pa kaya ang mga panahon nakahawak ang mga kamay natin, Nung dating tayo nagmamahalan at ako lang mahal mo. Nung mga panahon hindi pa tayo nag sasakitan. Nung sakit na hindi ko nadama ngayon pero AKO NGA LANG PALA NAG MAHAL SA RELASYON Nato Naranasan ko na naloko,nasaktan,at naiwan. Nadito ako sa punto sa buhay ko kung saan naiisip ko na sumuko Pagkat gulong gulo na ang aking isipan. Kung ipaglaban pa ba kita? Umpisahan **** paniwalain ang sarili mo na hindi ka naman dapat lumaban. Hindi totoong mananalo ka sa digmaan dahil sa umpisa palang ako nga pala nagmahal sa relasyon natin dalawa
0
Sep 13, 2018
Sep 13, 2018 at 11:17 PM UTC
Dating tayo
Ang traffic na ito ay hatid sa inyo Ng mga walang kwentang T-M-O Mga driver na barako Mga motorsiklong biglang sisingit sa tabi mo Oh kala mo nakalusot ka Ikaw na hindi sumusunod sa batas ng kalsada Tumatawid kahit berde pa ang ilaw Gusto mo pa ata na maagang pumanaw Kayong mga nagbebenta sa tabi ng bangketa Naiintindihan namin na gusto nyo lamang kumita Pero sana maintindihan nyo din na nakakasagabal talaga Ang mga pwesto nyo halos sakop na ang daanan at eskinita Ganito na lang ba? May mababago pa kaya? Subukan nating umpisahan Sarali natin ay bigyan ng kaayusan
0
Sep 13, 2015
Sep 13, 2015 at 8:38 AM UTC
Trapik na naman!
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Pagdating ko pa lang Akoy agad ng tinangihan Maka ilang ulit pinagpasahan Isa, dalawa hangang lima Hangang akoy nag kaisip na. Sa aking kamusmusang balot Ng hirap at kalungkutan, Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan Kamusmusang nawala Napalitan ng trabahong pang matanda Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib Mga ala alang mahirap balikan Karanasang hindi makalimutan At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan Ang mundung ito’y malawak Napakaraming tanong na hawak Tanong na nagtagal na, Tanong na wala pang kasagutan At saan nga ba ako magsisisi Ang hindi pag hanap sa katanungan? O ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan? Lumalalim na ang usapan At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan. Kaya……….. Umpisahan natin sa simula Sa paraan kung paano tayo nagkaplaitan ng unang salita, Sa lugar kung saan Tayo unang nagkita, At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa. Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at karanasan Mga tawanang mistulang Walang katapusan Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan Sabi nila,kapag nahanap Mo na daw ang tunay na pag-ibig Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa Minsan akoy nagtakat Nagtanong Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon? Malapit ka kaya sa araw? Na mahirap puntahan at matanaw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong mimasdan. Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin. San kita makikita? Sa mga panahong hindi pa tayo muling nagtatagpo, O Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan Sa pag iibigang ito Matagal na pala kita dapat niligawan Dahil Bumaliktad man ang mundo, Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita na kayang Ihinto ang oras, Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas. Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang hilingin at kailanganin Kayat sa wakas eto na. Dumating na ang inaasam na pagkakataon Puso ko'y tinatambol At tiyan koy ina alon at tadhana'y tila naghamon Isang importanteng okasyon Ang magaganap Ngayong bakasyon Na magiging okasyon Ninyo taon taon Dalawang taong nag mamahalan Pag iisahin ng may kapal Mag pakailanman
0
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:33 AM UTC
Importanteng okasyon ngayong bakasyon

Continue reading...
72
Ang Dating Tayo Hindi ko alam kung saan uumpisahan,Ang unang ikakathang tula para Sa ating dalawa.Maaari ko bang umpisahan sa salitang Wala kana. Hinahanap ko yung saya Na nag simula sa ating dalawa ,Yung saya na nabuo nung tayo pang Dalawa. Yung tayo pa💔Na mimiss ko yung saya , Yung pagmamahal na ipinaramdam mo Na para bang ako lang ang babae sa mundo At wala ng iba. Namimiss ko yung dating tayo lang dalawa At wala pang iba. Sana maibalik pang muli ang dating tayo kahit sa panaginip na lamang ito. Nag umpisa sa mga katagang binitawan at pinalaya na kita pero Iisa ang ibig sabihin at yun ay ang Mahal kita At matatapos parin sa katagang mahal parin Kita kahit wala na, kahit wala na ANG DATING TAYO.
0
Mar 12, 2023
Mar 12, 2023 at 5:01 PM UTC
Ang Dating Tayo
Tara. Umpisahan natin ang malikhaing pagbabahagi ng aking mga kuwento. Hindi na mabilang ang titik na maingat na inuukit sa isipang hitik sa karanasan at emosyon ngunit kailan sasapat yaong mga nilikhang tula kung ikukubli lamang? Kaya inihahandog ko ang sarili simula sa isang salita at dinagdagan bawat linya. Ngayong nasa ika-sampu na, hindi mamamaalam bagkus, maligayang pagdating!
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 9:25 AM UTC
Prologo
Pwede bang bumalik sa dating tayo? Dating ikaw at ako lang wala ng iba. Aking inaalala ang mga alala na Hanggang litrato nalang Pwede ba natin ito’y muling umpisahan? Umpisa na walang dulo Umpisa na di na magbabago Umpisa na di magiging litrato Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim Ilan numero pa ba ang bibilangin Para lang bumalik ang iyong damdamin Na para lang sa’kin
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 12:54 PM UTC
Dating tayo