Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umilaw" poems
Sa pagdating **** napabalita Unang sulyap palang namangha na Gayak na sinauna Sa paningin mahalina Musikang kaytanda na Sa pandinig mahiwaga Mahalaga ang gabi Simula ng pagsaksi Kwento kong inabangan Hatid niyang kasaysayan Sa aking talambuhay Gabing iyon may saysay Nasa pagtitipon Mga kaklase noon Kapitbahay inuman Masaya ang kwentuhan Subalit ako’y saglit Umuwi sa malapit Iyon ay dahil batid ko Simula na ng kwento Ng kanyang unang yugto Gabing Trenta ng Mayo Mula nang araw na ‘yon Pagsubaybay tradisyon Naging makabuluhan Likhang pampanitikan Subalit ‘di naglaon Nawalan telebisyon ‘Di hadlang gayunpaman Sa radyo’y pinakinggan Mula pagkabinukot Hanggang aliping tulot Babaylang naging **** Mandirigmang pinuno Nilupig at nanlupig Inusig at nang-usig Natulig at nanulig Inibig at umibig Nagtago at naglakbay Namatay at nabuhay Tinanggap at nagpanggap Naghirap at nilingap Sakay ng karakoa Tinungo ibang banwa Naghanda sa pagbalik Upang ganti’y ihalik Sa mabagsik na raha Na pumatay sa ama Sa pinunong baluktot At sa harang nanalot Mangubat at Angaway Mga rahang kaaway Lamitan na ninanay Nais siyang maging bangkay Sa kahuli-hulihan Lahat sila’y talunan Sa babae ng tagna Walang iba – Amaya Salamat, umalagad Maging hanggang sa sulad Salamat, kapanalig Laban sa manlulupig Salamat, Uray Hilway Mga tinuran gabay Salamat kay Bagani Pag-ibig nanatili Salamat sa Banal na Laon Diyos ng mga ninuno noon Kina Amaya’y panginoon Tagapagpala ng kanilang nayon Ang dulo ng epikong kapapanaw Akala’y ‘di na matatanaw Salamat sa unang Christmas bonus May TV na bago taon ay matapos Mahalaga rin ang gabi Katapusan ng pagsaksi Huling yugtong tinunghayan Ang kamatayan ni Lamitan Sa aking talambuhay Gabing iyon rin ay may saysay Nasa huling burol at lamayan Bago at matapos subaybayan Iyon ay kakaibang alaala ko Sa katapusan ng kwento Ng kanyang huling yugto Biyernes – Trese ng Enero Nagbrown-out pa nga Habang oras ng balita Buti nalang at umilaw Sa tuwa ako’y napahiyaw Sa pagtunog ng huling musika At paggalaw ng katapusang eksena Bukas TV at radyo Sa makasaysayang mga tagpo Ngayong gabi ng paglikha Ng tulang handog sa programa Unang gabing kapani-panibago Dahil wala na sa ere ang paborito ko Subalit ang Alaala ni Amaya Mga gayak, musika, tauhan at kultura Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya Mananatiling buhay sa aking diwa! -01/16-17/2012 (Dumarao) *missing my favorite program
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Alaala ni Amaya

Continue reading...
105
Dudungaw ka sa ikabuturan ng kahapon Upang matagpuan ang sariling naghihikahos Na makita ng iba ang ningning Na kailanman di umilaw ng dilaw. At sa bawat oras hahanap hanapin Ang dating tanglaw ng bawat kahapon Ang mainit na sikat ng haring araw, Ang matamis na halik ng ulan. Sapagkat lahat ay nauwi sa wala Kaya ako'y uuwi at tutula
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 7:00 AM UTC
Kahapon
ang buhay ay parang pagtawid sa kalsada tingin sa kanan tingin sa kabila nag aantay na maging berde ang ilaw na nasa kabila mabilisang pagtawid sa kalsadang abala sumasabay sa mga taong hindi kilala wag kang tumawid pag ang umilaw ay pula mas mabuting mag-antay kesa masagasaan ka
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 10:19 AM UTC
Tawiran
Lumipas ang oras, araw, linggo, taon tila sa puso’y wala ng nakabaon Iniisip na, okay na siguro ako Nakalimutan na niya siguro ako. Dumating ang araw na pinakainiiwasan ko, Ang maalala mo ko muli, Biglang umilaw ang cellphone ko, Ikaw na naman ang nakita ko. Nagulumihanan ako, Litong lito, Sa kung ano dapat ang mararamdaman ko Pero sinabi ko sa sarili ko, Tama na, Paulit ulit na, Tila parang nag-iikutan lang tayo ng walang katapusan Gustong gusto kong sagutin ang mensahe mo Ngunit sino na naman ang makakalimutan ko Sino na naman ang mapapabayaan ko Sino na naman ang papahirapan ko Nagpasya ako, Tama na, Huli na ito, Di na ko mahalaga sa iyo, Tinitigan ko nalang ang mensahe mo. Pero wala ng kasunod pagkatapos noon. Dahil alam ko sa sarili ko na, Ginagamit mo lang ako kung kailan mo gusto. Pero kahit anong gawin ko, Di ko maitatanggi sa sarili ko Na hinihintay pa rin kita, Sana makita mo halaga ko sayo Na kahit hindi na tayo mag-usap at magkita Mumultuhin ka pa rin ng mga alaala ko At makikita mo pa rin ako sa kahit sinong babaeng ipalit mo.
0
May 24, 2020
May 24, 2020 at 11:33 AM UTC
Ikot