"umiiral" poems
Sa bawat pag lipas ng taon
Ako'y tila naiiwan ng panahon
Ngiti ang sagot sa bawat tanong
Ngunit hindi ang siya ko ngang tugon
Tanong na tila humahamon sa katauhan ko'ng malamya
Tanong na malalim ang mga kataga
Tanong na iniiwasan ko'ng tumaga
Sa pusong takot nang muli pang mapiga
Takot lang ako na baka meron akong masaktan
Ang siya ko'ng laging sagot at dahilan
Ngunit ako nga ba'y tumatakbo lamang mula sa nakaraan
At ang totoo ako'y takot na muli nang masaktan?
Hindi hindi.
Sadyang ako'y iba lamang mag-isip
Hindi puso ang umiiral kundi lagi ang isip
Sapagkat ako'y pagod na sa mga panaginip
Jan 16, 2023
Jan 16, 2023 at 11:21 AM UTC
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus
Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.
Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag **** ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.
Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya **** mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.
May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain **** mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.
Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira **** kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 11:30 PM UTC
Matagal nang nagsimula
at patuloy na umiiral
Ang ating matinik na pakikipamuhay
sa ating bayan
Palagiang nasasadlak
sa karalitaan
Ang dugo ng kabataan,
alay sa kasarinlan
Tayong mga bulag,
sa siyensiya at kapalaran
Sa pagmartsa ng kalabang
hindi natatanaw
Naulit ang kasaysayang
may isang kurso at galaw
Bala para kay tatay
ang anak ang namatay
Bumagsak ang ekonomiya
Lumambitin sa aming mga leeg
Iniasa ang pagtaas
sa aming mga bisig
Habang si Alejandrino
dumarami't nagbubuntis
Ang batang henerasyon
Patuloy na nililitis
Kung ganun,
Huwag ninyo kaming pababayaan,
Paglustayan, paghirapan
At pakikinabangan
Sa gayong mga pumalya at matatanda
Ay may aakay
Walang huhugot sa Inang bayan-
Kundi kaniyang kabataan
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:54 AM UTC
Hindi ko mahanap
ang tamang mga salita
upang maipahayag sa iyo
ang nais kong sabihin.
Ngunit tila panahon na
upang ilabas ko ang lahat ng hinanakit,
ang mga pasakit na dinanas ko
habang nasa piling mo.
Noong mga panahong
akin ka pa,
noong mga araw na magkasama pa tayo,
at noong mga sandaling
may “tayo” pang umiiral.
Hindi ko inasahang magbabago ka,
na magsasawa ka,
na iiwan mo ako,
at ipagpapalit sa kanya.
Pero ang hindi ko maunawaan,
bakit mo nasabing ayaw mo na?
Pagod ka lang ba talaga,
o napagod ka na
sa atin, sa sitwasyon,
sa pagtatago,
sa mga muntikan na tayong mabuking,
o sa mga araw na may nakakita sa atin?
Sino ba talaga ang nagbago—
ako, ikaw,
o baka tayo pareho?
Bakit tila nawalan ka na ng gana?
Ang mga salita mo’y naging malamig,
ang mga yakap mo’y unti-unting naglaho,
at ang dati **** liwanag
sa mga mata’y nawala.
Sa gitna ng lahat ng ito,
ako’y patuloy na lumalaban,
habang ikaw,
unti-unting bumitaw.
Paano mo nagawang balewalain
ang lahat ng pinagsamahan natin?
Paano mo natapos
ang ugnayang binuo natin nang magkasama?
Ngayon, nauunawaan ko na
kung bakit mo ako iniwan:
nakuha mo na ang gusto mo—
sirain ako,
iwan ako,
pagkatapos mo akong pakinabangan.
Noong araw na hinatid mo ako
hanggang sa dulo ng kalsada,
lumingon ako,
nagbabakasakaling lilingon ka rin,
tatakbo papunta sa akin,
yayakapin ako,
susuyuin ako
na huwag kang iwan.
Pero hindi na pala.
Pinili **** lumayo,
at sa wakas,
pinili ko ring
huwag nang bumalik pa.
Nararamdaman ko na lang
ang mga hawak mo—
tila paalam na,
ang mga yakap **** nanlalamig,
ang mga titig **** umiiwas,
hanggang sa tuluyan kang nawala.
Ang mga pangako mong
“mahal kita,”
“ikaw lang,”
at “hindi kita iiwan”—
lahat pala’y kasinungalingan.
Noong akin ka pa,
pinanghawakan ko ang mga salitang iyon,
pero ngayon,
ang “ikaw at ako”
ay naging bulong na lamang sa hangin,
tinatangay ng nakaraan.
Kung iisa tayo,
bakit mo nagawang pagkaisahan
ang damdamin ko?
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
At bakit mo ako iniwang ganito?
Oo, bigla kang nawala,
at nagmukha akong tanga
kakahanap sa iyo.
Hanggang sa makita kita,
nasa piling na pala ng iba.
Sobrang saya mo sa kanya,
ibang-iba sa tuwing ikaw ay kasama ko noon.
Pinilit kong lumayo,
kahit alam kong mahirap.
Pinalaya kita,
kahit hindi ko kaya.
Ginawa ko ito para
sa kapayapaan nating dalawa.
Hindi na kita hahabulin.
Tanggap ko na—
matagal na tayong wala.
Ibabaon ko sa limot
ang lahat ng sakit,
ang lahat ng alaala,
at ang lahat ng naging tayo.
Paalam,
nagmamahal pa rin,
Mahal.
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:27 AM UTC
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Ang alam ko lang ay nagseselos ako.
Nagagalit ako pag nakikita ko magkasama kayo.
Nagseselos ako dahil sa pagmamahalan niya.
Hindi ko maalala kung kalian pa kita minahal.
Pero tuwing nakikita kita, ang takbo ang oras ay kay bagal.
At tuwing nakikita kitang may kasamang iba, ako’y nasasakal.
Tuloy, galit sa aki’y umiiral.
Bakit ba ako sa iyo’y patay na patay?
Kapag ako’y nagseselos para akong lantang gulay.
Sa iyong ganda, ako nabubuhay.
Sa pagkaselos sa inyo, ako’y namamatay.
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:21 AM UTC
( Episode 1- Putong )
Poong may Kapal
Kalong po'y Dasal
Noong ako'y pagal
Tulong mo'y Bukal
KulOng pa naman at sakal
dahong binasbas ay banal
Payong ay bukas sa lokal
Balong iniigiban ay moral
kay tagal sinasalubong ng daluyong
Kay bagal umusbong ng Kamagong
Dumatal na at lumipas rin ang dagundong
Kumintal pa rin sa akin hampas ng bagumbong
Ngayong patayo na nga si Pangulong Digong
Tayong mga Pinoy pa din ang pihong bayong
may layong muling maLulan ang panibagong pinunong
Mayroong Tapang sa Pagsulong ng Totoong PagkanLong
Mala-Antonio Luna ang dila,,,hinding-hindi umuurong
Andres Bonifacio naman kung sumugod,,pag itak ang umiiral
Samantala tila Apo Lakay kung umakay ng talino sa pag-usbong
At buwis benepisyo sa sarili ang ikararangal kapara ni Jose Rizal
Sa ngalan ng ama na naging kasing-tatag ng bumbong.,..
Paupo na nga at buong pagpupunyagi sa pagitan ng tipikal kontra kritikal...
Ang anak na itinakda walang iba kundi si Presidente Bongbong...
Ang ika-Labing pitong Pangulo ng Pilipinas , sa inang-bayan ay mapagmahal !!!
© June 8, 2022
Pen by soLemn oaSis
it is not emergency but so
merging epic getting-in to
" T M A L M " episode 2
were
reminiscing and heading
on the way too,
right inside the ride
where
i picked packed boom,
as i rewrite my old poem
entitled tic tac toe
wears
a single syllabication
of chosen words' lyricism
narrated from start to end and
bears
a no beware bars set up
until i care to dare
the bottom bares on top !
fear
neither nobody nor elses foes
and heaven knows good son
who does one hell of a bad
near
unproven bundled doses of unrhymed
lines made by those unarmed farmers
gonewild with unarmored poetries .
T E A R ! ! !
h r r e
r a r p
o s i e
u u v a
g r e t
h e s s
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 7:46 AM UTC
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik
Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis
Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan
Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan
Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin
Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon
Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon
Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain
Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin
Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita
Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba
Siguro sasaya ako, oo alam ko
Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako
Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado
Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay
Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay
At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman
Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan.
Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka
Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama
Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig
Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa?
Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa
Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba
Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC