Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
Isang gabi, sa paghiga
Tumabi kay inang nahihimbing
Di niya batid ang luhang
Sa mga mata ko'y naglalambitin

Di ko alam kung paano
Maitatago ang sakit
Di ko alam kung ano
Ngunit parang sa puso'y gumuguhit

Kinupkop ang sarili sa aking pagtabi
Labi'y halukipkip tinakpab ang bibig
Pilit pinatatahan ang aking sarili
Ngunit luhay umaagos na para ngang tubig

Ang hikbi kong ako lang ang nakakarinig
Ang wasak kong puso, ikaw ang may hatid
Ang huwad na pag-ibig sa akin inilaan
Sino pa ang susunod mo na sasaktan?

Maawa ka, sinta, maawa ka sa kanya
Huwag mo siyang wasakin na katulad ko
Maawa ka, mahal ko, wag mo na siyang saktan
Dahil ang puso niya'y madudurog mo lang

Ina, patawad, hindi ko masabi
Ang pait at hapdi nitong puso kong sawi
Dahil sa estrangherong nagpanggap na anghel
Matapos ko'y iba naman ang pusong kaniyang hinahati...
Tangan ang mga halik mo
Sa aking palad umaagos
Ang damdamin minsan ay umalab
Parang sigarilyong nauupos
Dahan-dahang nauubos
Kaya nga bang balikan ang kahapon
Binaon na natin sa kahon
Katulad ng mga dahon
Nalanta at di na makaahon
Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon
Sa saliw ng mga puso natin
Ngayon ay uhaw sa pagsintang
Naudlot ng pagkakataon



-Tula III, Margaret Austin Go
kingjay Jul 2019
Kasabay ng patak ng ulan
Ang luha kong umaagos nang marahan
Damdamin ay nasasaktan
Panibugho kong di tumahan

Bakit ako'y pinagpalit
Palagi naman sa iyo ay mabait
Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman
Pagmamahal na iyong pinabayaan

Ikaw ang aking pinipintuho
Kahit sasalungatin ng bagyo
Di ako mapapadaig
Delubyo man ang maging dulot nito

Ang putik sa mga paa kong dumidikit
Ay parang pumipigil sa paghakbang
Kahit mabubuwal sa daan
Patuloy pa rin sa paglakad

Sa tuwing iniisip ka
Nalulungkot ako't humihikbi
Ang pait ng dagat
At ang alon ay sampal sa pisngi
sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari

Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon
Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit
Habang sa silong nag-iisa
Nalulumbay ako nang inaalala ka

Ipikit ko man ang mga mata
Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan
Sapagkat maaliwalas gaya ng batis
Ang kagandahan mo na nagniningas

Kaya pagkatapos ng ulan
Sa silong ako'y pabayaan
Iniwan mo sa akin ang awitin
ng damdamin kong umiibig
Mister J Feb 2019
Gising na naman ng alas dos ng gabi
Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra
Mula sa isang bangungot ako’y nagising
Nagising sa katotohanang parang bangungot din.
Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha
Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait
Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil
Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala

Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok
Mga emosyong rumagasa ng walang habas
Mula sa nasirang prinsa ng aking puso
Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan
Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos
Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi
Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama
Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo

Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan
Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan
Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan
Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan
Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino
Mga bakas ng kahapong gustong balikan
Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin
Hinding-hindi ko na muling mararanasan

Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso
Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo
Sana’y marinig muli ang mga salitang
“Mahal kita” mula sa’yong mga labi
Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo
Inaantay ang malabong pagbabalik mo
Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa
Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana”

Pag-ibig ko’y iyo pa rin
Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig
Ang mga bisig na ang tanging nais
Ang yakapin at hagkan kang muli
Piece written in Filipino.
Enjoy the read.
Will post a translated piece soon.


-J <3 RMIV
JOJO C PINCA Nov 2017
Paunawa sa babasa:

Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito.



“Nauuhaw ako”

Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika:

“Nauuhaw ako”

Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito.

“Nauuhaw ako”

Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya.

“Nauuhaw ako”

Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit.

“Nauuhaw ako”

Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo?

“Nauuhaw ako”

Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
kingjay Dec 2018
Lupa't langit ay nakahanay
Tila'y magkarugtong parang itong buhay
Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan

Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos
ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo
Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang

Ang buhangin ay hindi sa bulag
Sa mga mata ito ay puwing
Mga alikabok at abo
ng pangarap na durog at pira-piraso

Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi
Kung pagmasdan parang alitaptap
Kahulugan nito'y munti
sinag niyang katiting

Sa tag -araw ay uulan
ng mga butil na panalangin
Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon

Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay
Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang
Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin

Dadalhin sa sementeryo
at ang lagusan nito ay walang himig
Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
Robert Biene Mar 2018
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko
Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko
Sinulat ko to kahit di mo gusto
Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo
Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya
Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan
Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko
Sinulat ko to para sayo, aking sinta.

Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan
Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot
Di ka ba napapagod
Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot
Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya
Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto?
Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay.

Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha
Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama
Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan
Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana
Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya
Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan
Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang
Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay

Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya
Handa kang hintayin kahit gano man katagal
Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita
Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta.

Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap
Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay
Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso;
Para sa lalake di uso ang laro

Sa bawat bigkas na taludtod
Pangako sayo di mapupudpod
Puso **** naupod napagod
Di na mauulit ang pagkakataon na iyon
Sayo'y di kahit kelan mapapagod
Intidihin ka sa bawat pagkakataon
Respeto at pangunawa ang aahon
Para sa panahon sa muling pagkakataon
Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
Desirinne Feb 2017
Sa bawat pagpatak ng ulan
May mga taong wasak at luhaan
Mga luhang umaagos kasabay ng patak ng ulan
Mga kirot na nais takpan

Ako'y parang ulan
Umiiyak kapag nabibigatan
Napupuno kapag nahihiapan
Sa likod ng bawat kaligayahan
May mga damdaming napaglalaruan
At mga taong iniiwang sugatan

Tama na ang isang iyak
Sapat na ang mga patak
Dahil magiging maayos rin ang lahat
Mahahanap mo rin ang taong tapat
Na magmamahal sayo ng sapat

Sa pag agos ng ulan sana agusin na lahat
Ng sakit at kirot  dahil yun ang nararapat
Ako'y nagbago at natuto dahil sayo
Nagbago dahil sa sakit na naranasaan sayo

Pagtapos ng iyak ng lagit
Alam kong may sisinag na araw
Ngi-ngiti ulit sa langit
Kasabay ng ulap ng bughaw
2/28/17
cherry blossom Nov 2018
Bakit balewala na sa akin ang pagkalunod?
Bakit sa tuwing nahihila pababa ng angkla'y nagpipigil na lang ng hininga?
Bakit tuwing nahuhulog ay hindi na sumusubok lumaban
At sa tuwing may kamay na kukuha pabalik ay pilit iniiwasan


Isang araw ay nagising
Nang 'di namamalayan ang mga luhang umaagos sa mga mata
Ganito pala sumagot ang sariling katawan
Na paulit ulit nagsasabing hindi na sapat ang paglimot
At di na rin sapat ang pagsisinungaling at pagpapaniwala sa sarili
Na ayos ka na
Dahil hindi pa naman talaga
At akala mo lang noon na handa ka nang bumagon ulit at magsimula

Kaya bumalik na sa himbing ng pagtulog hanggang sa makalimot muli
11/3/18
Andrei Corre Aug 2021
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
Chin bruce Mar 2015
"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita,
Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula
Pinalilipad sa liriko at pagkanta
Pinasasayaw sa papel at tinta

Ngunit sumagi sa aking isipan
May mga nararamdamang tila
Di mapaliwanag ng lubusan
Parang sumpa sa karanasan
Na magpapalesyon ng sistema at isipan

Kahit
Ubusin ko man ang bawat letra
At lumikha ng bagong salita
Ubusin ko man lahat ng papel at tinta
Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag
Tila walang katapusan
Kahibangan
Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman?
Kulang pa ba ang karanasan?
O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?
Wolff Apr 2017
nagsimula sa ikaw at ako....
na nauwi sa 'tayo'
ikaw ang mundo ko at ako ang buhay mo...
ngunit biglang nagbago...
ang 'tayo' ay naging magulo at malabo
nawala... naglaho...
ang 'tayo' ay naging 'kayo' at ang 'ako' ay pinalitan mo ng 'siya'...

sa halip na kalimutan ka ay ayun, naaalala ka...
ang ngiti **** nagpapaligaya sa akin...
mga salita **** aking nalalasahan at nakakain (mahal kita, mahal kita)...
ang iyong matang nangungusap sakin na ito'y patawanin...
ang paghaplos **** parang malamig na simoy ng hangin...
ang iyong tinig na nagpapasaya sa aking damdamin...

ang dating pagmamahal na nagsusumiksik at umaapaw
ngayon ay nasa ilalim na ng lupa...
kung kaya't wag mag alala
nilatagan ko iyon ng dahon, maging ligtas sa anumang panahon... sa darating na mga taon...

ginugunita ang ala-alang lipas na...
parang tubig sa batis na umaagos palayo sa aking mukha...
na hanggang doon na lang ang kinaya...
wala na akong magagawa...
kung kaya't salukin na lamang ito at ipanghihilamos
upang magising at matauhan na ito'y matagal nang wala...
nakabaon na sa lupa...
McDo's commercial is really something lol.
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam.
Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga.
Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay.
Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga.

Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata.
Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na.

Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo,
Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo,
Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata.

Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo.


Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay.
Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay.
Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin,
Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling.
Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin,
Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon.
Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak,
Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa.
Salamat itay, itay paalam na.
Kimiko Sep 2021
Ang hirap naman
Ilang oras, ilang araw
Ilang taon
ang kailangan kong bilangin
Ang kailangan kong antayin
Ang kailangan kong tiisin
Makilala ka lang...

Talagang bang ganito nalang
Gabi-gabing nangangarap
umiiyak, nangungulila
sa mga yakap na ni minsan
di ko naranasan..

Mga luhang laging umaagos
mula sa lalim ng pagsumamo
sa taong di mo alam
kung darating paba sa buhay mo

... (sigh) pagod na ko
pagod na pagod na ko
JD May 2018
Katauhan

Kamusta kana?
Masaya bang magmahal ng katulad nya?
'Yung tipong relasyon nyo ay naiiba
Mali sa paningin nila

Puso

Kamusta yung pakiramdam
Na kayo lang yung nakakaalam
Na may ikaw at ako sa isang kwento
Ngunit sa paningin ng iba tao, wala namang "kayo"

Mata

Luha umaagos
na tila dumadaus-dus
Sa 'yong mukang nakabusangot
Tanging pamunas nalang ay malambot na kumot.

Bibig

Hindi pagpapahalaga
Saking mga salita
Balang araw magigising ka bigla
Ni anino ko'y wala na
Ayaw ko sabihin sa'yo
itong nararamdaman ko
Ayoko magtanong
kasi takot ako sa iyong sagot na hahantong sa iyak na pabulong  
Ayoko magalit
kasi ang sitwasyong ito ay paulit-ulit

Pero ayoko rin na iniisip mo pa siya
Nakaka-insecure kaya
Ayoko na ikukumpara ang sarili sa kanya
kasi tang-ina ang perpekto niya

Ayoko sana magbahagi ng tula
pero ito ang paraan maipalabas ang nadarama

A aminin ko, masakit
Y ung tipong dahan-dahan umaagos ang luha
O o, iniyakan ko na naman ito
K aya ayoko na sanang malaman mo
O kay lang, kasi palaging "okay" naman ako.
Chris Balase Aug 2018
Sa pagbuka ng liwayway
Kasabay ng sikat ng araw
Na dumadampi sa aking
Mga panaginip na ligaw

Minsan, sa aking pagbangon
Kasabay ng pagbawi ng unos
At paglubog ng ngiti
Ay mga luhang kusang umaagos

Minsan, sa kabila ng aking
Pagtingin at pagtalikod
Ay nawawasak ang aking
Mga matatatag na bakod

Paminsan minsan,
Naalala kita... tayo,
Naalala ko ang bawat lambing
Ng mga binitawang pangako

Minsan, bumubukas ang mga sugat
Minsan, lumalala ang bigat
Minsan, bunabalik ang nakaraan
Minsan, bumabaliko ang daan

Paminsan minsan, nakikita kita
Sa bawat sulok ng aking ala ala.
Vincent Liberato Feb 2019
Nagtawag siya ng isang espiritista
at mananalangin
na magbuburda sa bawat hibla
ng kamalayan na patuloy na binuburda
ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising
ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag
na mangangarap.

Dali't daling sumulat ng dagli,
sa bawat pagtagaktak ng mga luhang
umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo
na siyang nananalangin sa ikalilinis
ng tahanan laban sa mga naghuhudas
na diyablo, na itinataya ang gabi
para mag-anyong tao sa kahit sino.

Bago sumapit ang gabi.
Sa takipsilim, limang minuto,
bago paparating ang isang duyog
na magwawakas sa hindi maaaring wakasan,
kagaya ng pagtalikod at pagpikit,
na hindi maaaring maisara ng mga mata.

Magpapakarahas sa pagsigaw
at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya,
ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat
na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing
ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang
nagdaan sa pagkalimot sa kanila.

Sa gilid-gilid ng eskinita,
matatagpuan ang mga kawalang-malay
na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya,
sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling.

Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming
hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos
ipanglagas ang kaluluwa.

Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin,
pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
Katryna Jun 2020
pinaglapit
pinaglayo
pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo
nawili ang tadhanang makipaglaro
sa pusong hindi takot sumubok.

ang mga matang nagkatamaan,
muling nagkatitigan
bibig na sadyang napangiti
nanabik na muli kang madampian.

ngunit hindi,
tama na ang minsang nagkasakitan,
nakasakit at nakasagasa ng ilan.
tama na ang mga pantasya
na baka tayo talaga ang para sa isat-isa
na baka tayo nga ang tinadhana.

saiyong paglakad sa dambana
at sa iyong panunumpa,
sabi ko sa sarili,
tama na.

sa sobrang sanay ka nang masaktan,
wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi.
sa sobrang sanay ka nang magparaya,
hindi mo na alam kung paano ang sumaya.

sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan,
hindi mo na alam kung paano ang maiwan.

kaya tama na,
mapagod kana,

at huwag nang umasa
sa mga kathang isip na nilalatag nya,
kasama nya,
ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala,
ng parang bula.
Love bring so many things even pain. 💔
lua Mar 2020
bawat na tibok ng puso'y umaagos ang luha
sa mga matang bukas,
nakikita ang ilaw ng kadiliman
at ang pagbuhos ng tubig galing sa langit
na tila umiiyak din.
Modien Jul 2019
Ipikit ang iyong mga mata
Alalahanin ang tulo ng tila ginto **** mga luha.
Pumikit
at pakiramdaman ang simoy ng iyong halagang umaagos sa gripo't nagbibigay buhay at ganda sa mga halamang lubos nang napabayaan.

— The End —