Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tungayaw" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Sa iyong mukha ako'y natutulala Ganda mo ay nagniningning na tala Namumulang labi' t  manipis na  pisngi Mala - porselanang balat kayumanggi Mata ay malalim, puno ng hinala Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa Namumugto minsan sa yaong sandali Iniwanan nang walang pag-atubili Ng sinta mo na inakalang simula Ng iyong pag-iibigan nang makalaya Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili Ng mga tao na di magkamayaw lagi Mga kapitbahay natin ay nagmumura Mga tungayaw lagi ang sinasambitla Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi Sa  luha **** malinaw na nagkamali Sinisimsim ang habag na dinadala ng hangin sa iyong maamong itsura Dilag ka na pinupuri ng marami Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi At ang una mo na pagkakakilala Sa akin ay hindi ganoong kasama Ngunit matampuhin ka at naninisi Sa aking maliit na pagkakamali Kaibigan ang turing  sa isa't isa Bakit nagagalit pag kausap iba Sa di pagkakaunwaa' y titili Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 12:16 AM UTC
Kwento ng Pag-ibig