Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumuloy" poems
Sa unang limang segundo, berde. Sabi mo mahal mo. Sige, andar. Sa susunod na dalawang segundo, dilaw. Magmabagal ka muna. Pagisipan mo kung tutuloy ka pa. Sa huling segundo, pula. Tigil na. Wala na. Maghintay ka nalang. Magiging berde rin ulit yan. Wag ka na mag-beating-the-red-light. Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?" At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako." Akala mo lang. Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala. Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya. Akala mo. Akala mo lang. Pero mali ang iyong akala. Sana. Sana pala huminto ka na. Sana pala hindi mo na hinabol. Sana pala noong una palang, inalam mo na. Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal. Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya. Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya, naging dilaw na yung ilaw. Sana doon palang, tumigil ka na. Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na. Pula na 'yung ilaw. Tigil na. 'Wag mo nang pilitin pang habulin siya. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli, Wag **** hintaying maging pula ulit ito. Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?" Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya. Pero para sa sarili mo.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 12:50 AM UTC
Ang Stoplight Sa May Intersection
Minsan talaga hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay At kung ako naman ay lalaban para saan pa ba iaalay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa ako umaasa At kung titigil naman nangangapa ako ng rason para tumuloy pa. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit pa ako humihiling At kung itatapon ko nalang hinahabol naman ako ng mga bituin. Minsan hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pang magbigay At kung ako naman ay tatanggi hindi ko rin makita ang saysay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa kita minamahal At kung susubukan kong magdahilan naiisip ko pa ring sumugal. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit hindi pa ako sumusuko At kung ihihinto na sarili ko rin lang ang aking niloloko. Minsan hindi ko na talaga alam minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan kahit minsan lang.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 8:50 AM UTC
minsan
Simula pa lang alam kong ako ay talo Tumuloy pa din dahil sa tigas ng ulo Sinunod ang puso at nagpadala sa agos Hinayaang  malunod sa tamis ng sandali Isang araw nagising ako sa aking mga luha Naalalang kahapon pala natapos ang lahat Mga paa natin ay humakbang sa magka-ibang direksyon Lumingon at tinanaw ang anino **** lumalakad palayo Ang dulo ng iyong daan ay sa kanya patungo Sa simula pa lang ay sya na ang iyong dulo Ang tayo ay sandaling hintuan lamang Kung saan nagpalitan ng masasayang tawanan Ang katotohanang hindi natin tinakasan, Walang dapat palayain dahil kahit kailan hindi ka naging akin At ngayon ito na ang ating realidad Hanggang dito na lang at hindi na pwedeng dugtungan.
0
Jul 26, 2019
Jul 26, 2019 at 4:40 AM UTC
Dulo
Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte Unang tinungo lungsod ng Tacloban Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan Talagang maulan at mahangin Subalit milyong tao sumalubong parin Kanyang idinaos Banal na Misa Kasama ang mga biktima ni Yolanda Huling tinungo ang pook ng Palo Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda Mas malapitang nakisalamuha sa kanya Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan Suot ang dilaw na kapote Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte. -01/18/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:42 PM UTC
Ikatlong Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas