Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumatamlay" poems
Nagkakilala tayo sa mga panahon na kailangan ko ng saya Pinaramdam sakin na d ako mag-iisa At dahil dun ay nahulog ako sayo sinta Ngunit ako'y nabigo at nawalan ng pag-asa Tinigilan kong kausapin ka Sinubukan ko ngunit d ko kinaya Ang puso ko'y hinahanap hanap ka Sa isipan ko'y hindi na talaga mawala wala Kaya aking sinubukan ulit Kahit na masaktan akin paring pinilit Mabigo man ulit Okay lang basta sa babaeng aking iniibig Ngunit ngayo'y nag-iba, sayo ako'y hindi nabigo Ako'y iyong binigyan nang pag-asa Hindi ka sasaktan yan ang aking pinapangako Sa aking pagmamahal ikaw ay makakaasa Hindi pa man tayo ganun katagal Pero sigurado akong tayo'y magtatagal Kahit minsan relasyon ay tumatamlay Wag kang mag-alala hanggang dulo hahawakan ko ang iyong mga kamay Para sa babaeng pinakamamahal ko, Wag kana sanang maglaho pa sa piling ko Pangako ko hindi ko sasayangin ang isang tulad mo Pag-asa ang dala saakin ng isang tulad mo Hanggang dulo na sana Pag-iibigan nating dalawa Wala sanang makagiba Sa mga pangako natin para sa isa't isa Mahal, panghahawakan ko ang ating pag-iibigan Walang hanggang yan ang aking aasahan Makasama ka hanggang kailanman Walang gigiba sa ating pagmamahalan Mahal na mahal kita iyan ang pakakatandaan Kahit anong mangyari hindi ka iiwan Sa altar ika'y pagmamasadan Hanggang salitang "oo" ay iyong mabitawan
0
Dec 24, 2021
Dec 24, 2021 at 1:03 PM UTC
Para sa babaeng pinakamamahal,
Kay tagal kong nag aantay Bakit ang puso tila'y tumatamlay Sa bawat pag patak ng oras ikaw ay inaantay. Umaasa na ako ay maalala Sa tuwing nalulungkot balinabalikan na lang ang mga matatamis na ala-ala Hindi pa ba sapat ang mga sugat na dinadala Saan ang sinasabi **** sandigan Sa panahon na umuulan ng problema tila'y walang mapag silungan Nasaan ang mga pangako mo na hindi ko naramdaman Kailan kaya titigil masaktan ang puso na duguan Kailan mag papahinga ang isip na puno ng katanungan Sadyang manhid na ba ako dahil sa patuloy akong pinaglalaruan Sinusubukan kong lumaban nang wala ka Pero ang aking isipan ay nag sasabing tama na Hindi pa ba sapat na magkunwaring masaya Napaniwala ang mga tao sa paligid na ok lang sya. Sa mga mapagkunwari **** ngiti, sila ay naniwala Wala ba silang karapatan malaman ang katotohanan Sa bawat pag bitaw mo ng mga salita Ninanais ko ang iyong pag-unawa Ang sakit na aking nadarama, tila'y binabaliwala Ang marka na iniwan mo sa aking puso ay sariwang sariwa Hindi ako manhid o pusong bato Pinipilit ko lamang itago Ang mga sakit na alam kong makakapag pabago sa isang tulad kong nabibigo. Pinipilit makalimot Sa mundong ito na ang buhay ay masalimuot Sa pusong punong puno ng poot Na ikaw mismo ang nag dulot Hindi ko labis maintindihan Sugat at pait ba nag dulot sa akin Na puno ng galit. Hindi ko rin labis maintindihan ang mga sinabi **** nararapat na dahilan. Sa bigla **** paglisan At ako'y nandito lamang naiwan sa kawalan.
0
May 22, 2018
May 22, 2018 at 8:14 AM UTC
Unknown