"tumatama" poems
Sa aking pinakaunang alaala ako’y
nalulunod
sumasabay sa pwersa ng agos
tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim
tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan
at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig.
Tanggap ko na naman
kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay
handa na ako sa aking kasasapitan,
nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap
patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan.
Labing siyam na taon na ang lumipas
biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan
paano na lang
kung yaon ba’y natuloy
mababago ba ang buhay nang mga taong
nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon?
Sapagkat isa lamang akong basura
na parang muling binalik
nang mawaring may pag-asa pa
upang muling gamitin
at muling maging patapon
sa mga matang mapanlait
dito sa mapanlinlang
na mundong
patuloy
na umiikot
para
ipamukha
sa akin
na isa akong
pinaka
walang
kwentang
tao.
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:13 AM UTC
sabi mo ako lang talaga
bakit nagbago bigla?
ano ba talaga?
Sa iyong mga binitiwan na mga salita
ako'y napatulala
Di ko kinaya ang sakit na nadarama
mga pahayag na sa aki'y tumatama
tagos sa puso ang pana
ako'y iiyak nalamang
sapagkat alam kong wala na
sana nga meron pa
Aug 6, 2015
Aug 6, 2015 at 10:33 AM UTC
habang naglalakad ako pauwi ng bahay
bitbit ang napakabigat na bag
laman ang mga gamit na kinakailangan
may nakita akong kumikintab na bilog sa dinadaanan
huminto ako, napatigil at tinignan
at nakita ko itong piso
pero imbis na kunin ko ito at ipangbayad sa jeep
tinago ko ito at tinabi sa isa pang piso
dahil alam ko ang pakiramdam na nag-iisa
sa dilim, gulo at ingay
sa sarili **** paang naglalakad sa kalyeng madalas ikaw lang magisa, na minsan iniisip mo na sana may isang taong sumasabay sa agos ng galaw nang iyong mga paa
sa sarili **** kamay na tumatama sa lamig ng simoy ng hangin, iniisip na sana may isang kamay na handang hawakan ito sa lamig at init
sana isang araw, hindi na anino ang kasabay mo pauwi
kundi isang tahanan
Dec 9, 2019
Dec 9, 2019 at 8:40 AM UTC
Lahat naman tayo may kinakatakutan,
mula sa mga simpleng bagay
hanggang sa malalaki.
Anong gagawin mo?
Iiyakan mo na lang?
Puwede naman.
Pero sana kahit gapang lang,
naisin mo pa ring umusad.
Isang hinga, isang abante.
Dahan-dahan
hanggang matuto at bumilis ka.
Wag kang tumakbo,
lakad lang at baka may makaligtaan.
Ang hangin na
tumatama sa mukha mo
ang tutuyo sa mga luhang bumaybay
sa pisngi mo.
Kapag narating mo ang umpisa
ng panibagong kabanata,
subukan **** lumingon sa nauna,
palagay ko nama'y
may matututunan ka.
Tingin mo ba sa sunod na pahina,
mag-sisimula ka ulit sa mahina?
Hindi na,
'wag na,
hindi ka naman siguro tanga.
Kalma lang,
narating mo 'yan
dahil naging malakas ka;
bakit iisipin **** ika'y mahina?
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 3:32 AM UTC