Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumapos" poems
byernes. isang araw lang pala ang hahatol sa bawat oras na hindi tayo ang sandigan ng isa't-isa isang araw na puno ng pagaalinlangan ngunit sa huli ay natiyak ng puso kong hindi panaginip ang lahat isang araw na tumapos sa lahat ng pangungulilang akala'y hindi na mawawakasan isang araw lang pala ang magtatanggal ng lahat ng mga takot dahil paano kung sa pagtatapos ng araw na ito'y iiwan mo rin ako.. isang araw, at sa unang pagkakatao'y nahawakan ko rin ang iyong mga kamay, sa iyong tabi natagpuan ang panibagong tahanan wala nang kilometrong pumapagitan sa ating dalawa... wala na mahal, pangako at sa oras na matapos ang natitirang oras ng araw na ito pangako, hindi na tayo kailanman paghihiwalayin ng tadhana kahit pa humakbang na tayo palayo sa isat-sa at kahit pa ilang kilometro nanaman ang sa atin ay papagitna tandaan **** dala mo ang puso ko, at nasa akin ang iyo naniniwala akong hihintayin mo ako at ganon rin ako magtatapos ang marso bente dos ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo marami mang araw ang dumating ngunit ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin hanggang sa muli, mahal.
0
Mar 28, 2019
Mar 28, 2019 at 8:52 AM UTC
marso bente dos
(Filipino) Ni minsan hindi ko hiniling tumapos ng pag-ibig. Ngunit sa'yo lang ako nagmakaawang di na matali. Isang milyong halik ang binigay mo sa'king pisngi. At isa para sa kanyang labing di mo naalalang pagkakamali.
0
May 5, 2019
May 5, 2019 at 12:48 PM UTC
Pakawalan