Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tulungan mo kong makalimot sa pait na iyong idinulot.
Tulungan mo kong makabangon sa sakit ng kahapon.
Tulungan mo kong turuan ang sarili ko, turuan ang sarili ko na umibig muli ng ibang tao.
Tulungan mo kong maging masaya muli dahil lungkot sa mga mata koy hindi na maikubli.
Tulungan mo kong kalimutan ka, kalimutan ka ng sa ganon buhay koy lumigaya.
Tulungan mo ko at baka sakaling mapatawad ko ang tulad mo.
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
J Feb 2018
Kaibigan, halika at makinig,
Sa storyang dapat **** marinig,
Sana ako’y paniwalaan,
Dahil hindi ito kathang-isip lamang.

Habang ako’y nag-iisa,
Habang hindi mo ako kasama,
Dumidilim ang mundo,
Sa pagdilim nito kasama pati buhay ko.

Sa tuwing nakatingin sa mga tala,
May mga boses na laging nang-aabala,
Gusto ko silang tumahimik,
Maalis ang mga aninong umaaligid.

Tama na.... tama na... ayoko na,
Patahimikin mo na sila.
Tama na.... Nakikiusap ako,
Tulungan, tulungan mo ako.

Sa gabi man o umaga,
Lungkot na hindi mawari ang nadarama,
Noong araw na ako ay nawala, (sa aking pagkawala)
Kasabay nito ang katahimikan nila.

Sa pagtatapos ng aking kwento,
Sana maunawaan mo,
Na hindi ito kasabay ng panahon na lilipas din,
Ito ay importante at dapat intindihin.

Sa pag kupas ng mga larawan,
Sa bawat kumpas ng alon sa dalampasigan,
Kaibigan, ako’y lumisan sa mundo hindi dahil ginusto ko,
Pero para sa ikatatahimik ko.

Saklolo.
Stop the stigma of Mental Illness. Mental disorders are not adjectives.
Brian Sy Oct 2019
mga tao sa kasalukuyan
mga dayukdok sa kapayapaan
pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan
hatid na bigat ng ating kapaligiran

oo, patuloy ang progreso
nating mga tao
taon-taon may mga bagong
mapangusad na mga plano
unti-unting nasasagot
mga sigaw ng pagbabago

...kahit papano
kahit gaano
ito katagal
lahat ng baraha
para dito'y handang isugal
pagkat lahat ng mga
dumadaan na pagsusulit
ang bawat paglagpas at wakas
nama'y lubos ito na sulit

sa ginagalawang mundo na abala
sa munting paglabas,
di na maiwasan ang pagalala
bawat pilak parehong pang-hulma
at resulta para sa mga gyera
marami namang mas makahulugan pa
upang igasta bilyon-bilyon na mga pera

panloob na kapayapaan
sa paghanap nito'y
isang paghahanap sa karagatan
lumulutang lamang ay katanungan
kung ito'y katotohanan
o isang kasinungalingan

makakamit ba hangga't may natatapakan
o madadama lamang ba
pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan
o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian

sumisikip, napupuno mga kulungan
sumasagitsit ang mga bulong-bulungan
kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan
humihinga pa aking paniniwala
sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati
sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala
pagkat hindi pa ito ating wakas

patuloy mabubuhay ang pagasa
hangga't may nabubuhay na umaasa
simulan sa sarili, wag sa iba i-asa
pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa

di kahinaan ang pagtakas
minsa'y kinakailangan
din nating maghilom, kumalas
sa mapangwasak na mundo,
patunayang ika'y mas malakas
hindi upang ipakita'y pagkamanhid
kundi magkaroon ng sapat na lakas
upang kayanin pang hatakin
sarili't ibang tao pataas
princessninann May 2015
tulungan mo 'ko sayo ay muling magtiwala
wag mo na ko bigyan ng rason upang magduda,
hindi naman masama maging tapat diba?
hindi rin masama magmahal ng isa.

kung si Eba ginawa para lamang kay Adan,
si Adan ba ay ginawa para sa dalawang Eba?
nagkamali ba ang Diyos sa disenyo Nyang ginawa?
tulungan mo 'ko, sinta na sayo ay muling magtiwala.

sabi nga ni Chito Miranda,
"ang tiwala parang tsokolate"
pag natunaw na, di na mababalik
sa dati nitong itsura, sa dati nitong sarap.

*babalik ako sayo, hindi dahil bumalik ang tiwala ko
babalik ako sayo, dahil tumitibok pa ang puso ko
babalik ako sayo, sana tama ang pinili ko
babalik ako sayo, dahil pinili kong magtiwala ulit sayo.
this is me giving my second chance, to love again and to trust again :)
Eugene Dec 2015
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan?
Naghihintay ako sa ating tarangkahan.
Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan,
Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan.


Madaling araw na mahal, wala ka pa rin.
Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan.
Nagbabakasakaling aking masaksihan,
Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan.

Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na.
Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana.
Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik,
Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan.


Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na.
Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa.
Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila.
Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila.


Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan.
Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin,
Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain,
Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban.


Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain.
Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin.
Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban.
Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan.

Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli.
Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi.
Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi.
Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi.


Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na.
Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na.
Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya,
At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga.

Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
Sarili mo lang ang palaging iniisip mo,

Samantalang siya ay nakatuon sa kapakanan mo,
Hindi umiikot sa iyo ang mundo,

Katulad ng hindi masusunod ang lahat ng iyong gusto.

Ayusin mo ako, pagmamakaawa mo,

Hindi mo ba alam na siya yaring nababasag ang pagkatao?

Bawat haginit, bawat piraso,

Buuin mo ako, iyan ang utos mo.

Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iisipin,
Para kang isang pating na kahit anong lamon ay tila gutom pa rin,

Paano kang mabubuo kung ang kahapo'y binabalikan mo,

Bakit hindi mo subukang tumingin sa kung anong nasa harap mo?

Aking kaibigan, wag kang magpakahangal,

Sa larangan ng pag-ibig ay walang mahahalal,

Kung ika'y makasarili, walang magtatagal,

Puso'y mawawasak, dila'y laging mauutal.

Tulungan mo akong buuin ang sarili ko,

Ikaw ang kailangan ko, ang siyang wika mo,

Hindi magtatagumpay, pagkat sarili'y hinihimlay,

Sa bakas ng kahapon ika'y ayaw maglubay.

Ito na ang huling tulang isusulat para sa iyo,

Kung hindi mo pa rin bubuksan ang isip mo'y bahala ka na sa buhay mo,

Aking kaibigan, isipin mo ang kaniyang kapakanan,
Huwag mo na sanang hintayin na ikaw ang siyang mawalan.
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha?

Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman.

Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin.

At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao  na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na  nga masabi mensahe niya para  sayo ngayon,  nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo.

Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo.

Nandoon sa bundok  nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme.

Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman.

Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang  katarata niya sa makalawa.

Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa.

P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre  kaso nalawayan  ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
Short funny story written in tagalog. Hope you enjoy.
Huehuehue
menmarou Dec 2014
~Entry #1 12.02.14

Akala ko madali lang ang lahat. Ang yabang ko pa.. sabi ko mai-inlove din saken to. pero mali pala..
ako yung na-inlove eh.

Ang sakit pala, kasi ginawa ko na lahat ng kaya ko, lahat ng paraan para lang abutin siya, tulungan siya, kasi naiintindihan ko siya.. sobra.
Pero ang sakit pala kapag ikaw lang yung lumalaban. ikaw lang yung naghahangad ng happy ending, kasi sa dulo walang ganun, walang happy ending..
kasi nde pa siya maka move on.
ang masaklap pa nito ..
matatanggap ko pa sana kung yung mga umaaligid na babae kasi madali naman sila paalisin, pero yung kalabanin mo yung bababeng minahal niya ng sobra bago ka dumating..
nde ko kaya. ang sakit pala.
ang tanga ko kasi nde ko kayang magalit sa kanya, kasi hanggang ngayon naiintindihan ko pa din siya.
lintik na one sided to oh. nde ko alam na ganito pala kasakit ang mag mahal ng isang taong nde sayo..
let me rephrase that. taong nde magiging sayo
akala ko. yang word na yan, madaming namamatay diyan . isa na ako dun,
naniwala ako sa sarili ko na magiging okay ang lahat sa amin. pero nde pala..
ibang iba sa reality, kainis kasi eh napaka hopeless romantic ko kaya ayan kahit imposible sumugal..
pero nakita ko na kasi na ganito mangyayari eh,
nasa isip ko. "nde naman siguro ganon, kasi kahit papaano mahalaga na ako sa kanya, malay mo naman diba? mai-nlove"
Assuming din kasi ako, kasalanan ko din..
sa simula pa lang naman kasalanan ko na. Sinubukan ko kasi gusto ko siya eh. gustong gusto.
pero eto pa din ako, naghihintay, umaasa pa din ako kahit pinaliwanag niya na sa akin na nde pwede.
nakakulong kasi siya sa regret at pain in the past. sabi niya gusto niya lang daw ako "protektahan" lintek na.

Nasasaktan na ako eh. sobrang sakit.
welcome to SMP menma.
~unspoken feelings.
Taltoy Jun 2017
Ang buhay nga naman,
Puno ng lungkot at kaligayahan,
Subalit wala tayong magagawa,
Tiisin nalang kung ano ang mapapala.

Diyos ko, ako'y tulungan nyo,
Sa aking landas na tinutungo,
Landas na puno ng sagabal,
Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal.

Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi,
Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti,
Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan,
Dahil sa damdamin kong nanlalaban.

Minsan di ko maiwasan,
Na masabi ang tunay na nilalaman,
Ng puso at di ng isipan,
Kaya minsan, ginagawang katatwanan.

Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito,
Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro,
Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan,
Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan.

Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan,
Ang minsang inisip matapos magtawanan,
Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga,
Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga.

Ang binansagan nating pinakamagandang biro,
Ang sa mga luha ko'y nagpatulo,
Tumulo dahil sa kakatawa,
Tawang may kasunod na pagdurusa.

Pagdrusa dahil masakit,
Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit?
Ngunit masasabi ito'y panandalian,
Dahil pagkatapos nitoy masasaktan,

Para bang ang gusto ko'y ibinigay,
Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay,
Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad,
Ako na mismo ang unang naglahad.

Subalit nakakatawa naman talaga,
Sabihan ba naman kita ng "mahal kita",
Tono palang kalokohan na,
Masasai **** baligho ang ideya.

Aminado akong iyo'y kabilaghuan,
Ngunit wala na akong magagawa dyan,
Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan,
Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
Wala masyadong rason bakit ko to sinulat, basta sinulat ko lang. ***
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip

Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo

Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan

Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw

Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
1.
Noong unang panahon, may lupaing walang makapapantay
Sa kariktan at kasaganahan nitong tinataglay
Ito ang “Ibalon” na kilala ngayong Bikol, Albay
Subalit ito’y iniiwasan ng mga manlalakbay
(Once upon a time, a land was known
For its beauty & bounty nothing outshone
It was Bicol, Albay which was then, Ibalon
Yet, travelers to there had been withdrawn)

2.
Dahil ito ay pinamumugaran
Ng mga halimaw na hayok sa laman
(Because it was teeming
With monsters to flesh were starving)

3.
Walang nangahas doon makapasok
Maliban sa lalaking si Baltog mula Boltavara na ubod ng lakas at pusok
(No one dared to enter in there
Except for Baltog, a daring & brave man from Boltavara yonder)

4.
Sinalanta niya ang mga halimaw na parang delubyo
Una si Tandayag, ang dambuhalang baboy-ramo
(He wiped out the monsters like a deluge
First was Tandayag, a warthog so huge)

5.
Mula noon, sa lupain na dating kinatatakutan
Mga tao’y dumayo at doon nanirahan
(From then on, in the land once feared
To flock & reside, people dared)

6.
Subalit hindi pa wagas na masaya
Dahil may mga halimaw pang natitira
(But it was not yet the happy ending
There were still monsters remaining)

7.
Si Baltog na matanda na ay labis nabahala
‘Pagkat siya’y mahina na at ‘di na makalaban pa
(Baltog was bothered now that he’s older
For he’s already weak and could fight no longer)

8.
Mabuti nalang at may binatang nagkusa
Siya si Handiong – matapang na, malakas pa
(Good there’s a young man who presented at last
He was Handiong so valiant and robust)

9.
Kanyang pinatumba ang duling na Sarimao
Pating na may pakpak at higantedng kalabaw
(He crushed down the cross-eyed Sarimao
The winged shark and the giant carabao)

10.
Subalit may nilalang na hindi niya nagapi
Ito ay mapanganib at tuso kasi
(But he cannot defeat a certain creature
For it was so dangerous and clever)

11.
Siya si Oryol, ang babaeng ahas
Lumalaban ba siya ng patas?
(She was Oryol, the snake lady
Does she fight impartially?)

12.
Sa kanyang mga yapos, walang nakapipiglas
Maging si Handiong na kaylakas, hindi nakaalpas
(On her grip, no one could break free
Even strong Handiong couldn’t escape from thee)

13.
Swerte ni Handiong, hindi siya binalak patayin
Bagkus ay ginamit nalang sa matagal na mithiin
(How fortunate was Handiong, there’s no plan to **** him
Instead, she just used him for her long-time dream)

14.
Laban sa mga mortal na kaaway, dapat tulungan siya ni Handiong
Na lipulin ang mga buwaya sa Ilog Ibalon
(Against her mortal enemies, Handiong must help her
To annihilate the crocodiles in Ibalon River)

15.
Matapos tuparin ang mapanganib na misyon
Si Oryol ay naging kapanalig sa Ibalon
(After fulfilling the dangerous mission
Oryol became an ally in Ibalon)

16.
Si Handiong ay naging mahusay na pinuno
Bangka, araro, alibata – kayraming naimbento sa kanyang pangungulo
(Handiong became an excellent ruler
Boat, plow, alphabet – many inventions were made during his tenure)

17.
At sa mga sumunod pang henerasyon
Naging mapayapa’t maunlad ang Ibalon
(And on the succeeding generations
Peace & prosperity reigned over Ibalon)

18.
Hanggang sa may sumulpot
Na panibagong kinatakutang salot
(Until there appeared
A new abomination so much feared)

19.
Siya’y nagtataglay ng katakut-takot na kapangyarihan
Hindi rin maipaliwanag ang kanyang kaanyuan
(He possessed a terrifying power
No one could even describe his feature)

20.
Siya ay isang mangkukulam na kilabot
Na tinatawag nilang Rabot
(He was a sorcerer fearsome
Called Rabot by some)

21.
Mapalad ang Ibalon, may natira pang bayani
Siya si Bantung, matalino’t maliksi
(Lucky was Ibalon, a hero was still there
That was Bantung vigorous and aware)

22.
Siya’y lumikha ng isang payak na plano
Pinaslang niya si Rabot habang natutulog ito
(He just devised a simple planning
He murdered Rabot while the monster was sleeping)

23.
Si Rabot ang pinakahuling halimaw sa Ibalon
Nang siya’y mapuksa, naging payapa na doon
(Rabot was the very last monster in Ibalon
Upon his death, peace reigned there from then on.)

-03/10-11/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 102
Kara Subido Oct 2015
Mulat na naman ang aking mga mata,
Kakaisip sa mga iniwan ****
Alaala sa akin.

Mulat naman ako kung anong estado natin,
Alam ko naman na hindi na dapat ako
Umasa dahil siya pa din naman pipiliin mo.
Iba kasi siya. Wala akong laban.

Mulat na ako kahit noon pa man,
Na hanggang tingin na lamang ako.
Na tapos na ang lahat.

Mulat na ako na kahit anong gawin ko,
Wala nang salitang ''tayo''
Kailangan kong matutunan
Tanggapin.

Mulat ako na ang lahat nang
Ito ay isang bangungot lamang.

Kailangan kong gumising.

Tulungan mo ko.
RLF RN Oct 2015
GABI (Night)*

Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.

Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?

Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.

“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”

At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
umiiyak ako ngayon, alam mo ba?
sabihin mo nga,masaya ka na ba?
sinaktan mo na ako, ayos ba?
hanggang kailan mo gagawin to sinta?
kung di mo ko kayang mahalin ng lubos
at di mo maamin,ibulong to sa Diyos.
Hayaan mo Siyang tulungan ako
na mailayo ako sa iyo...
kingjay Dec 2018
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa
Pakinggan ang himutok
sa kwadradong kahoy nakapatong
ng bangkay na  nangangapa pa

Buuin ang palaisipan
Kung may itsura ay hugutin
ang kasagutan sa bugtong
Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito
Nababalisa ang gabi at di makatulog

Munting daliri ay igalaw
Ngunit nanatiling tamad ang mga braso
Sa pagkabog ng dibdib
Ang halinghing ay maririnig
Sa kalaunan ay parang di na humihinga

Kinakalawang sa silid
Nakahandusay sa silyang rektanggulo
Tiisin ang katahimikan
Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga
Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa

Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala
Magbuntong-hininga ito makipag-usap
Isinalaysay ang pagdaralita
Nakatikom ang bibig
Maghihilom din bagkus di makatawa

Magmumukmok sa loob
ang walang saysay na uwak
Idagit ang kabuluhan
Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
Pusang Tahimik Mar 2020
Gumigising na parang huling araw ko na
Pamilya ba'y makikita ko pa
Lakas ng loob ay sapat na ba
Sa hirap at takot na aking nadarama?

Nagbubuwis ng buhay para sa iba
Samantalang nagpapabaya naman sila
Sa bahay ako'y hinihintay nila
Huwag naman sanang agawin din ako sa kanila

Maikling payo ay pakinggan mo na
Mga paa 'y ipirmi mo na
Sa suliraning ito'y huwag nang dumagdag pa
Makinig ka lang at nakatulong kana

Tayo'y nahaharap sa isang digmaan
Ngunit hindi tayo magkakalaban
Lahat tayo ay magsi-tulungan
Upang hindi na tayo pa malagasan

Lahat ng ito ay mayroong hangganan
Hindi tayo nag-iisa sa pakikipaglaban
Mga panalangin ay pakikinggan
Kung iisa ang damdamin ng SAMBAYANAN!

-JGA
Pray for PH. Fight covid19!
Nyl Aug 2015
Minsan na bang naglaro sa iyong isipan
na sa bawat araw na nagdaraan
ikaw lamang ang mayroong kakayahan
na makapagpatakbo sa iyong kinabukasan?

Mula sa pagmulat ng iyong mata,
sa liwanag na iyong nakikita; ikaw ba'y nagtataka?
Na bakit ang isang katulad mo ang nabiyayaan
na makapaglakad sa mga malamig na sementadong daan?
Gayong sa iyo naman ay walang kakaiba.
Teka, wala nga ba talaga?

Sa bawat dugo na pinahintulutang sa iyo ay dumaloy
malaman mo sanang nalunasan mo ang aming panaghoy
Huwag mo sanang isipin na nawawalan ka ng karamay
sapagkat ako'y narito, handang iabot ang aking kamay

Sa iyong mga mata, nawa'y masalamin ko pa ang kinabukasan
ang ngiti sa iyong mga labi, huwag sanang lumisan
sapagkat, kaibigan
narito kami upang ikaw ay tulungan

Sabay nating hintayin ang hinaharap,
baka sakaling doon ay matapos na ang paghihirap
4J
Marge Redelicia Apr 2014
puro ka salita
at ang mga salita mo ay puro mga dahilan
kung bakit hindi mo magawa
at hinding-hindi mo kaya.

nakaupo
ka
lang
diyan
kaya huwag kang nang magtaka
kung bakit ikaw ay
napag-iwanan.

alam mo naman na
nandito lang naman kami,
palagi.

**pero bago ang lahat
tulungan mo rin sana ang iyong sarili
I wanted to type this in ALL CAPS
leeannejjang Nov 2017
Nababasa mo ba ito?
Alam ko oo.
Dahil dito sa mundo ito
Alam ko naririnig mo ako.
Maaring maging mahaba ito isusulat ko.

Pero sa huli pagkakataon magsusulat ako para sa’yo.
Sa huli pagkakataon pakinggan mo ang sasabihin ko.

Naalala mo un gabi sinabi mo sa akin gusto mo ako?
Oo, alam ko na ako yun bago mo pa sabihin.
Nagtataka ka bakit hindi ko sinabi sayo?
Kasi natatakot ako umasa sa bagay na wala patunay.

Naalala mo un araw na niyakap kita mahigpit?
Natakot ako noon dahil baka marinig mo un puso ko kumakabog.

Naalala mo un araw na sinabi ko gusto din kita?
Ilang araw ko inipon yung lakas ng loob na sabihin yon sayo.

Naalala mo yun araw na nagaway tayo at sinabi mo may pag-asa pero takot ako?
Alam mo ba yun araw na yun kinain ko lahat ng takot ko dahil mas takot ako mawala ka.

Naalala mo un araw na sinagot kita ay naging tayo?
Sobra saya ko dahil may tao tumingin sa akin kung ano ako at wala hinging pagbabago sa akin.

Ikaw naaalala mo ba lahat ng yan?
Naramdaman mo din ba yan?

Sa huli pagkakataon magsusulat ako para sayo.
Huli? Oo huli na. Dahil baka kahit kailan ay hindi ka na lumingon sa akin.

Sa huli pagkakataon sasabihin ko sayo,
Oo minahal kita.
Oo mahal pa kita.
Oo nasakatan mo ako.
Oo sobra sakit na mas pinili mo bitawan ako kesa ipaglaban ako.
Oo gusto kita tulungan pero binulag ako ng galit sa puso ko.
Oo galit ako sa kanya sa babae hindi ko mapalitan sa puso mo.
Oo gustong gusto ko na ako ang piliin mo nun gabi un.
Oo na sana pangalan ko ang sinabi mo.

Sa huli pagkakataon, oo kung ako ang pinili mo lalaban ako.
Ang pag-ibig ay ang pagbabahagi ng buhay,
upang bumuo ng mga espesyal na plano para sa dalawa lamang,
upang gumana nang magkatabi,
at pagkatapos ay ngumiti ng pagmamalaki,
bilang isa-isa, ang lahat ay nangangarap.

Ang pag-ibig ay tulungan at hikayatin
sa mga ngiti at taimtim na mga salita ng papuri,
maglaan ng oras upang ibahagi,
pakinggan at pag-aalaga
sa malambot, magiliw na paraan.

Ang pag-ibig ay ang pagkakaroon ng isang espesyal,
isa kung kanino mo laging maaasahan
na makasama doon sa mga taon,
pagbabahagi ng pagtawa at luha,
bilang kapareha, magkasintahan, kaibigan.

Ang pag-ibig ay gumawa ng mga espesyal na alaala
ng mga sandali na gusto **** alalahanin,
ng lahat ng mabubuting bagay
ang pagbabahagi ng buhay ay nagdadala.
Ang pag-ibig ang pinakamalaki sa lahat.

Nalaman ko ang buong kahulugan
ng pagbabahagi at pag-aalaga
at ang pagkakaroon ng aking mga pangarap lahat ay natutupad;
Nalaman ko ang buong kahulugan
ng pag-ibig
sa pamamagitan at pagiging mapagmahal sa iyo.
Taltoy Jun 2019
Hi, happy graduation, orayt. Unang una sa lahat, nagbalik na si ma long kag pro gyapon sya pero fzd pa rin ang sa rankings haha. Joke lang, seryoso na, gusto ko mag apologize kasi yeah, insensitive ko. Hindi ko man madeny na ganun talaga ako most of the time. At the same time gusto ko rin mag apologize kasi di kita natulungan sa times na may problema ka. Tbh. Di ko alam na may usapin pala kayo sa twitter kasi di na ako masyado naga twitter lately at di ko rin talaga alam kung paano ka tulungan kasi naniniwala ako na every relationship has its own unique language kumbaga, kayo lang nag-iintindihan dalawa  may times talaga na yung mga things na sinasabi ng ibang tao, di talaga ma-apply sa situation nyo kaya may times na ginatry ko nalang na makipag-kumpitensya sayo lalo na sa pingpong. Makita ko bi meg na once nakabakol ka na, makakadlaw ka man, may moment gid na daw makalimtan mo problema mo sooooo sorry if di nakahelp ang gi try ko na way kay daw di man ako ganun ka challenging na opponent. Tbh, gina envy ta ka kay dasig ka makalearn sang mga bagay, lalo na sa sports. At the same time athletic ka pagid so ez **** lang para sa imo na. Maka-inggit na all-around ka, kay ako mabudlayan gid na maabot nang mga makaya mo.
Salamat sa pag hambal sang reason bai. Mga pila na man gidDkami ka bulan ga hunahuna sina. Wala na ko iba pa na mahimo kundi mangayo sorry. Tapos, gusto ko ihambal sa imo na tani makita ta pa ka, hindi sa uste, hindi sa manila, kundi sa mga ospital na. Di ta man makalimtan, kay ngaa man abi diba? By the way, salamat sa pag tiis sa akon na kapartner sa doubles, wala gyapon ta pildi biskan wala ta ga sturya that time. Oh yih.
Lastly, gusto magpasalamat sa memories especially this high school kay isa ka sa 51 ko na mga manghod kag magulang. Then isa ka sa mga special ko na friend kay may side ko na ikaw lang makagets. So salamat gid kag gusto ko ni i-end nga daw


Manjo

Isa sa bumuo ng limamput-isa,
Ang carry ng batch kung sports fest na,
Nagkaroon man ng sigalot nitong hulihan,
Ang turing ko pa rin sa iyo'y kaibigan.

Alam kong magiging matagumpay ka,
Alam kong maaabot mo ang mga tala,
Alam kong patuloy kang magniningning,
Di sana sumuko, yan ang aking hiling.

At kung sakaling may problema ka,
Huminga nang malalim, ipikit ang mata,
Dahan-dahang imulat, tingnan muli ang problema,
Subuking lutasin nang mahinahon at handa.

Hindi lahat nagtatapos sa magandang ending,
May mga panahon talagang **** sa feeling,
Pero lahat nang ito'y mga kabanata lang,
Di pa tapos ang storya, magpatuloy ka lang.

Parating maging positibo,
Di ka nag-iisa sa laban mo,
Nandyan ang pamilya mo,
Na hinding hindi ka iiwan, andyan lang sa likuran mo.
May times gid na kaya ta kita lang isa mag atubang sang mga problema, bal-an ko na bal-an mo gid na. Pero may mga times gid na di kaya na solo nalang pirme, mag abot gid ang time na mangita ka gid bulig, lalo na sa family mo or mga close na tao sa kabuhi mo or tung mga tao na maka-intindi sa imo kay sila  “ ang number one fan mo”. Meg, tani sa sunod di mo na isolo tanan, di man sa ga doubt ko sa kaya mo, wala tana question about that, pero tani madumduman mo man di ka solo, you are never alone.
JOJO C PINCA Nov 2017
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot.

Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan.

Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas.

Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
Anne Maureen B Apr 2018
Ang nilalaman nitong tula ay para sayo
Gusto ko na maging masaya kayo
Mahirap man para sa akin na tanggapin
Pero susubukan ko na kayanin

Andyan naman sila para tulungan ako
Hayaan mo at kakayanin ko
Hindi man ngayon
Pero baka sa darating na mga hapon

Sana maging masaya kayo
Para hindi ka na mahirapang tumayo
Kasi andyan na sya para buhatin ka
At sa mga problema hayaan mo sya na maging iyong kasangga
Para sa mga broken na  one sided dyann
Tuwing may unos sa buhay, sino ba ang ating sinasandalan?
Di ba ang ating pamilya na handa tayong tulungan?
Sila ang ating pinaghuhugutan ng lakas noon pa man.
Kaya dapat sila’y pahalagahan at pasalamatan.

Noong bata pa lang kami, kayo ang nandiyan para sa amin.
Humubog sa aming pagkatao at bumuo ng aming mithiin.
Upang makapagtapos ng pag-aaral at mga pangarap ay abutin.
Ngayon na kami ay mga matanda na, oras na suklian kayo na aming mga tungkulin.

Araw-araw namin kayo kasama sa puyatan dahil kami ay nag-aaral
At nandiyan rin na tuwang-tuwa tuwing kami ay may mga parangal.
Kaya maraming salamat sa aming pamilya na nandiyan magpakailanman
At oras at panahon sa amin ay pinag-alayan.

Ang salitang salamat ay walang katumbas sa inyong pagmamahal sa amin.
Kaya buong kasiyahan at pasasalamat an gaming mga panalanagin.
Dahil kayo ang munting mga regalo mula sa ating Panginoon.
Kaya kami ay suwerte at wala nang mahihiling mula noon.
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Taltoy Feb 2018
Ang namamagitan,
Ang nasa gitna,
Ang naghiwalay ng dalawang mundo,
Ang naghiwalay sa ikaw at ako.

Di ko alam kung ano ang sasabihin,
Di rin alam kung ano ang gagawin,
Sapagkat wala akong tapang na natitira,
Sapagkat wala na akong maisip aking sinta.

Di ko alam kung ano ito,
Di ko alam kung bakit ganito,
Di ko alam kung ano ang uunahin,
Di ko alam kung ano ang iisipin.

Kakausapin ba kita?
O mananahimik na lamang ba?
O Diyos ko, akoy tulungan mo,
Bigyang linaw ang utak ko.
Para sa bansa, sila ay naghihirap
Upang makamit ang bunga ng pagsisikap
At para na rin sa kani-kaniyang pangarap
Ating tularan at bigyang ng lingap.

Manlalaro ng bayan na dapat tularan
Bigyan ng pansin at dapat tulungan
Nagsisikap ng lubusan at nahihirapan
Ating tularan at ating parangalan.

Huwag kalilimutan at ating tandaan
Mga atleta ng baya na naghihirap nang lubusan
Dapat tangkilikin at ating tularan
Nang pagdating ng panahon tayo ay pumalit
Sa mga manlalaro ng bayan.
kahel Jun 2018
Hindi ka kulang
Hindi ka labis
Noon ang buhay ko'y nagkaroon ng patlang
Ikaw ay sapat lang sa patlang
at ikaw ang aking asam.
Ang pag ibig ay isang pagsusulit noon
at hindi ko malaman
ang mga sagot sa katanungan,
Napaghalo halo ko na
ang iba't ibang emosyon ng galit, takot,
saya at lungkot at hindi ko pa rin malaman.
Kaya't naghintay ako ng matagal
sa taong kaya akong tulungan, at dumating ka,
Hindi para magpakopya kung ano
ang dapat ilalagay sa papel,
kundi para maging kasagutan.
Dahil mahal,
Hindi mo na ako pwedeng malian
dahil matagal mo na akong tinamaan.
LazyShun Feb 2021
Lahat ng bagay ay merong katapusan
Ngunit iyong pag-ibig ay walang hanggan
ligaya o lungkot ikaw ay nariyan
upang ako'y ihatid sa walang hanggan.

Nandoon ka sa simula at sa wakas
palaging nakatuon sa aking buhay
Hindi napapagod at hindi nagsasawa
Laging nariyan upang ako'y tulungan.

Salamat panginoon sa lahat ng bagay
Kahit na ika'y pinahirapan noon
Ginawa mo parin ang lahat para samin
Upang kami lang ay iyong magabayan
Louise 1d
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko.
Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo.
Ang puso kong pasan-pasan ko,
at hila hila ko rin pati na ang sa'yo.
Ang pagkahulog ko ay akin lamang,
ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala.
Ano ang sasabihin ng aking ina,
ang luha pag nakita ang duguang mukha?
Abutin mo ang aking kamay,
at tulungan mo akong tumayo sa aking paa.
At ang mukha ko'y punasan mo,
ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo.
Ang aking ikalawang pagkakahulog,
alam kong wala nang sasaklolo.
At wag kang iiyak sa ngalan ko
ang luha mo'y para lamang sa'yo.
Ang ikatlong pagkakahulog,
ang iyong kapatawaran ay ibigay mo.
Aking kasuotan ay tanggalin mo,
aking kabayaran ay tanggapin mo.
Ang mga braso ko'y pigilan mo,
ang mga binti ko ay isunod.
Alisin mo ang paghihirap ko sinta,
ang paghinga ko'y wakasan na.
Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso,
ang isip ko'y isunod mo pagkatapos.
At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo,
hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos.
At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
"Semana Santa Sadgirl Series": no. 7

— The End —