Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tuloyang" poems
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala naniniwalang kaya ko pang magpatuloy magpatuloy sa aking mga adhikain adhikain na nagsisilbing inspirasyon inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak mga anak na gagabay sa ating pagtanda sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe mensaheng dapat ingatan at gawing pribado pribado na hindi tulad ng aking buhay aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang  nagningas nagningas hanggang sa pumutok  ang araw ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN! kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA TULANG PINAMAGATAN KONG =_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 12:12 AM UTC
=_ PAANYAYA at PASINAYA _=
Isang libong tansan dating takip sa bote ng alak Isang drum ng luhang walang galak Maubos man ito't tuloyang matuyo Ikaw rin naman ay nasa malayo Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Kape sa umaga, iyak sa gabi Ako ba ito? Hindi ko mawari Sa kama ko'ng dati kitang katabi Tutupiin ko na, at itatabi Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Wala na akong maidudugtong, "Paalam Shin Hye" sinigaw ko'ng pabulong
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 8:51 PM UTC
Paalam Shin Hye
Unti-unti hinahayaan mo lang ako na maka wala sa mga yakap mo At ako’y tuloyang nahulog ngunit hindi mo naman ako sinalo Unti-unti humahakbang ka paatras palayo ng palayo mula sa kinatayuan ko Ako’y naka tayo lang dahil baka sakaling hahakbang ka pabalik at ako’y yakapin mo Ngunit wala ka man lang ginawa para manatili ako sa piling mo Subalit hinayaan mo lang ako namawala at ako’y tuloyang maglaho Pagod na ako dahil ako lang ang lumalaban sa kung anong meron tayo Mahal kita pero nakakapagod na dahil kaagad ka nalang sumoko Alam kung masakit dahil mahal pa kita at ayaw kung mawala ka Pero sapat na ba yong salitang mahal kita kung ikaw susuko na Alam kung hindi madali na kalimutan kung ano meron tayo noon Oo hindi madali. Pero susubokan ko at sisikapin ko ulet na bumangon Akala ko ba matibay tayo dahil sabi mo di mo na ako pakakawalan Pero isang araw bumitaw ka na at ako’y iyo nalang hinayaan at binitawan Saan na ba yong pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay Dahil sa nakikita ko ngayon araw-araw parang unti-unti mo narin akung pinatay
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:46 AM UTC
Bitaw
Ika'y aking minahal Higit pa sa aking buhay Hininga't tibok ng puso'y ikaw Sinisigaw ng puso't isipan habang buhay Biglang mundo ko'y nagbago Nang ako'y iyong biglang iniwan sa dulo Tumakbo ka ng palayo at ako'y natirang na katayo Sa mundong ating pinangarap at pinaghirapang mabuo Ilang araw akong nagpakagago Para tuloyang makalimot sayong pangluluko Katahimikan at pighati aking naramdaman Kaya't ako ay naghihingalo sa dulo Ika'y may ngiti sa mata Habang ako'y nakakadama ng kirot sinta Basag na puso aking palaging dala Gusto ko nang bumangon at makahanap ng iba Magmamahal ng taong makakasama Mula umpisa hanggang dulo sinta Kaya't maghihintay sa isang ikaw Nabubuo ng aking mga araw
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 10:08 AM UTC
PAG-IBIG