Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"trumpeta" poems
Di niyo ba alam na nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa? Na ang mundong ito'y Kanyang binigyan ng hugis at anyo gamit lamang ang mga salitang dumaan sa Kanyang bibig? Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!" Nagkaroon nga. Di niyo ba alam na kaya Niyang humarang sa agos ng dagat, ipaawit ang mga bituin, ipaluhod ang bulubundukin? Di niyo ba alam na ang kapangyarihan na ito, ang kapangyarihang ginamit Niya para ibuo ang mga planeta, ang kapangyarihang ginamit Niya para tigilan ang pag-akyat ng buwan nung lumalaban sina Joshua, ang kapangyarihang ginamit Niya para bigyan muli ng buhay ang yumao ay nasa atin din? Ito ang Kanyang pangako: Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan ng ating kaaway Di niyo ba alam na may kapangyarihan sa pagsamba sa Kanya? Di niyo ba alam na nung ikapitong ikot sa ikapitong araw, mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico? Sumigaw na tayo sapagkat nasa atin na ang tagumpay Sumigaw na tayo sapagkat sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo sa Kanyang pangalan, lumiliwanag ang dilim sa Kanyang pangalan, lahat ng takot ay nadadaig Sambahin natin ang Panginoon ng buong galak ng buong puso nanginginig at mga demonyo sa pangalan ni Hesus tumutumba ang mga harang ng impyerno sa pangalan ni Hesus Tayo'y magkaisa, itaas ang mga kamay tayo'y magkaisa, itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta tayo'y magkaisa Sambahin natin ang Diyos na buhay, ang Diyos na dakila!
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:56 AM UTC
Di Niyo Ba Alam

Continue reading...
63
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
Tulad sa Malayang Taludturan walang patakaran ang tunay na pagsinta, walang sukat at madalas wala rin itong tugma. Walang protocol sa pag-ibig, walang arrival at departure ceremony, hindi rin kailangan na maglatag ng Red Carpet o kaya ay patunogin ang mga trumpeta. Kumbaga sa Mortal Combat no-holds-bar ang tunay na pag-ibig; walang-awatan, walang time out, lahat pweding gamitin. Titigil lang ang labanan kapag sumuko na ang isa. Walang rules sa tunay na pag-ibig kasi hindi tulad ng basketball na may foul at substitution. Ang totoong nagmamahal tinatanggap ang mabuti't masama sa kanyang minamahal.
0
Nov 20, 2017
Nov 20, 2017 at 8:41 PM UTC
WALANG PROTOCOL SA PAG-IBIG