Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2016
Nagpakapagod ka dahil gusto **** kumita.
Nagpaka-alipin ka upang makaahon ka.
Nagtiis ka sa ibang bansa para sa iyong pamilya.
Nilisan ang bayan dahil trabaho'y pinagkaitan ka.

Ano ngayon kung wala kang pinag-aralan?
Masusukat ba ang tagumpay sa antas ng edukasyon?
Kailangan bang magkatulad ang bawat propesyon,
O tanggapin ang isang marami na ang kontribusyon?

Dumarami na ang populasyon ng ating bansa.
Kakaunti naman ang ating kuwalipikadong manggagawa.
Marami ang tambay sa bahay at walang ginagawa.
Nakapagtapos nga, hindi naman matanggap sa ibang kompanya.

Kaya, ang iba'y nanatili sa bukirin at doo'y nagsasaka.
Hindi matanggap na walang trabahong karapat-dapat sa kanila.
Kahit dalawang taong kursong bokasyonal ang natapos nila,
Naghihintay pa rin sa wala hanggang sa pag-asa'y maglaho na.

Anong uri ba ng trabaho ang katanggap-tanggap sa lipunan?
Ang nakakaangat lang ba ang p'wedeng bigyan ng posisyon?
Paano naman ang walang pinag-aralan, pero pasado sa kuwalipikasyon?
Papansinin ba sila ng gobyerno at bibigyan ng solusyon?

Sa bagong gobyerno, pagbibigay ng trabaho'y bigyan sana ng pansin,
Sa mga manggagawang hanggang ngayo'y walang trabaho pa rin,
Maging ang mga nakapagtapos at magtatapos pa mandin,
Huwag nating hintaying lahat sila ay lumayas sa lupang sinilangan natin.
Eden Tucay Aug 2016

Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan.
Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit.
Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila.

4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-**** u ka na pala.

4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon?

4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat.


4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto.

4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives.


4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie


5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan...

6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig.

7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito.

7/28/2016 - monologue at bugtungan


"Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis

"Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-)

"Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Ito ay isang maligayang araw
Dahil ito'y ang iyong kaarawan,
Wag mo kalimutan ang iyong ilaw
ikaw ang aming gabay sa daanan,

HInding hindi ko makakalimutan
Ang araw na tayo'y may kaligayahan,
Memorya na ito'y aking ingatan
'Di mahalintulad ang kasiyahan

Dahil sayo ako'y may natutunan
Na wag **** tigilan ang kasiyahan,
Ito din ang iyong pagsisisihan
Parang araw na puno ng kariktan,

Itong araw na ikaw ay masaya
kahit isang lungkot, walang makita,
Dapat ang iyong araw ay di masira
Nakakasira sa iyong kay ganda,

Walang sinuman ay isang perpekto
Sa aking paningin ika'y kompleto,
Hindi mo kailangang magpabago
Dahil masaya na ako sa iyo,

Masaya kami kapag kasama ka
Na kalokohan **** nakakatuwa,
Mga tuwaan na nakakahawa
Na kinalalabasan ay himala,

Ikaw pa din ang bituin sa dilim
Nagbibigay sa taong may kulimlim,
Ang mga tawanan na walang tigil
Mga saya na madaling mapansin,

Itong panahon ay muling aahon
Walang rason para ika'y matakot,
Walang panahon para tumalikod
Dahil hindi ito ang iyong desisyon,

Sana natuwa ka sa 'king regalo
BInigay ko dito ang aking buo,
Hindi kayang ikumpara sa ginto
Dahil hindi ito isang trabaho,

Ito'y ginawa ko sa aking gusto
Na sana walang mangyaring magulo,
Itong tula ay para lang sa iyo
'Di ko magawa para sa iba 'to.

Dapat lahat ay palaging masaya
Para walang madulot na problema,
Ang panahon ay lalong gumaganda
Kapag lahat may magandang balita,

Ikaw ang may dulot ng kasiyahan
Na punong puno ng kaligayahan,
Hindi dapat itong pinagdudahan
Parang araw tayo'y nagkakitaan,

Walang saya kapag may kakulangan
Dahil lahat ay walang kahulugan,
Katulad ng masayang kaarawan
Walang silbe kapag ika'y nawalan.
inggo Feb 2016
Natuklasan ko na pagkatapos ng lahat ng hirap at sakit na iyong naranasan
Makakangiti ka pa rin pala muli
Pagngiti tulad noong unang beses **** makatanggap ng laruan galing sa iyong magulang
Tulad noong unang beses **** makausap si crush with matching blush
Tulad noong pinagtripan nyo si classmate na uto uto (mga bully!)
Tulad noong sinagot ka na ng nililigawan mo
Tulad noong nalaman mo na crush ka rin ng crush mo at ayun naging kayo
Tulad noong nalaman mo na wala kang grado na singko
Tulad noong natanggap ka sa una **** trabaho
Tulad noong pagtanggap ng unang sahod na pinaghirapan mo pero sa magulang mo lahat mapupunta
Tulad noong napromote ka at unang salary increase mo!
Tulad noong sinurprise ka ng mga kaibigan mo nung kaarawan mo
Tulad noong pagkatapos ng una niyong halik ng iniibig mo
Tulad noong nakikita mo na unti unting natutupad ang mga pangarap mo

Sa paglipas ng mga araw
Matutunan mo
Na pwede kang gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sayo
Tulad ng isang ibon na lumilipad kasabay ang hangin
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Stum Casia Aug 2015
Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
tatlo ang maglalakad nang napakalayo,
mula pinakamasikip na eskinita sa Valenzuela
hanggang pabrika para makatipid sa tricycle.

Sayang din kasi.

Dalawa siguro sa tatlong yun, babae,
may tig-isang anak na dumedede pa
at hindi pa talaga maiwan pero kailangan nang iwanan
kahit mahigpit ang pagkakakapit sa tuwing paalamanan
dahil mas mahigpit ang pangangailangan.

Sa sampung rin sigurong manggagawa ng Kentex
siyam yung nagbabaon ng kaning tinipid nung hapunan
at ulam para hindi na bumili sa kainan.
Yung isa siguro kakain na lang ng biskwit at tubig.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
siyam yung hindi na magbebreaktime para magmeryenda.
Sayang ang bawat minutong titigil sa paggawa ng tsinelas,
baka hindi umabot sa quota, baka mawalan ng trabaho bukas.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
dalawa lang ang nagpapansinan sa oras ng trabaho-
yung magkaedad at magkatabi.
Sayang ang bawat minutong tatakas ang atensyon
sa ginagawa, baka mareject ang gawa, baka tuluyan nang tumunganga.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung hindi pa nakaranas ng fire drill.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung walang benepisyo.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung mababa ang sweldo.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung inaasahan ng pamilya.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa ang hindi mo kilala
kaya wala kang pakialam
mabigyan man sila o hindi ng hustisya.
ilang beses ko nga ba sasabihin na
hindi ko na kaya, oo tama ka
sa narinig **** sinambit ko mismo,
tama na, kasi ayoko na.

tama na ang mga patay na oras
na pilit **** kinukuha
hindi namumuhay ni gumagalaw
naroon lang, tulala't naninigas na.

wala ng ibang iniisip kundi paano,
paano hindi sa pagkakasyahin
kundi paano uubusin ang lubos -
na oras na kailangang punan.

tama na kasi mahirap gumawa
ng wala at magpanggap na meron
kang pinagkakaabalahan at lokohin
ang sarili **** bayad ang oras.

Nilalason nito paunti-unti,
ang bisyo ng lantay na katawan
at tiwangwang na utak.
kaya pakiusap, tama na.
dead days of my working life
John AD Feb 2018
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga
Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka,
Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo
Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao
Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao,

Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo
Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo
Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo
kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado,

Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya
hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay
at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito.

Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo
Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo
handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo,
makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo

Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at
Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki
Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga
hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti
baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod
hindi ka puro pag aaaklas.
Para sa mamamayan kong pilipino
Cepheus Feb 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
derek Feb 2016
Hindi mo siguro alam, pero matagal na akong nagagandahan sa iyo.
Hindi mo siguro alam, pero noong nagko-code ako,
lagi akong umaasa na ikaw ang titingin sa gawa ko.

Hindi ko gusto pumorma.
Gusto ko lang ipakita na tama ang aking gawa
kasi iniisip ko na kapag wala akong mali
matutuwa at magpapaunlak ka ng pagkatamis **** ngiti (yihee).

Kaso hindi ko alam kung bakit,
pero lagi ka na lang may nakikitang putik.
Kahit ilang lampaso ng tingin ang ginawa ko sa code ko
bago ko ipasa sa iyo,
may maisusulat ka pa rin na mali!

Anong klaseng mata ba ang mayroon ka?
Gusto ko magpakitang-gilas pero lagi mo akong natatabla.
“Labag sa standards ang code mo”,
“magdagdag ka pa ng test scenario”
kulang na lang yata ay sabihin mo sa akin
“sino ba ang nagturo sa iyo?”

May mga pagkakataon na gusto ko nang umuwi.
Pinapackage ko na ang mga code dahil ang lalim na ng gabi.
Kaso may makikita ka sa testing, “hmm, parang may mali”
Babagsak na lang ang balikat ko, sabay sabi, “ano?! uli?!”

Siyempre, may magagawa pa ba ako
kapag binanatan mo na ako ng ganito:
“pasensya na, pero abswelto sana tayo
“kung hindi ko lang sana napansin ang maling ito”.

WOW. EH, ‘DI. OKAY.

Pero hindi ko magawang magalit sa iyo.
Kasi alam ko gusto mo lang ay halos perpekto.
Ginagawa mo lang ang trabaho mo.
Pero utang na loob, pwede bang bukas na natin tapusin ito?

Ngayon, magsasampung taon na ako.
Matagal ka nang lumisan, pero ako pa rin ay nandito.
Naiintindihan ko na kung bakit sa trabaho nating ito,
kailangan matalim ang mga mata mo.

Dahil sa bandang huli..
Ang batik sa isang dahon,
ay batik sa buong puno.
I apologise if not everyone is going to relate that much to this poem. I am in the IT industry and peer review is part of our development process. I've had a small crush with this colleague of mine who used to work ALOT and has a strong sense of ownership of her work. I tried to impress her from time to time, but she has raised the bar so high that achieving this goal was next to impossible. I eventually gave up.

I would also like to think that at some point we still have developers in our organisation who had developed an infatuation towards their code reviewers, and I dedicate this poem to former, my fallen brethren, who failed to impress the latter.
Lev Rosario Sep 2021
At kumawala ako sa panahon
Ako
Hawak ang camera
Pagkatapos kunan ng letrato
Ang pamilya
Sa lumang bahay
Na unti unting ginigiba
Nang mga elemento

Sino ba ako?
Sino itong mga kasama ko?

Nasa dulong kanan
Ang aking tinatawag na Ina
Naka puting T shirt
At itim na pantalon
Malaki Ang ngiti
Pero tila may tinatago
Sa likod ng mga mata

Nasa dulong kaliwa
Ang aking tinatawag na Tito
Bitbit ang kanyang Dachshund
Ang anak ay
Hindi imbitado sa handa
Yumaman sa pagtatrabaho
Sa Estados Unidos

Sa Gitna
Ang aking tinatawag na Lola
Hindi na ngumiti
Ubos na ang mga araw
Kung saan siya'y napapangiti
May sugat na hindi na gumagaling
Dahil sa Diabetes

Nakapaligid Ang iba
Mga pinsan, Tito at Tita
Makukulay ang suot
Maiingay at matatakaw
Bata at matanda

Lahat ng ito
Kasama ako
Nanggaling sa iisang matris
Mula bata hanggang pagtanda
Nakipagsalamuha, naglaruan, naglakihan, nagmahalan, nag awayan...
Ito kami
Ito ako

Ano ang ibig sabihin nitong lahat?

Nakatitig ako sa letrato
Habang natunaw ang madla
Maya't maya ay uuwi na
Sa kani-kanilang tahanan
Iisa ang pinanggalingan
Saan ang patutunguhan?

Sino ba ako?
Sino itong mga nasa letrato?

Ako ay may ina
Ang aking ina ay may ina rin
At ang ina ay may ina rin
At ang ina ng ina ay may ina rin
At ang ina ng ina...

Katabi ng aking Tito
Ang panganay na pinsan
Muntik nang mamatay sa dengue
Noong kabataan
Naghahanap na ng trabaho
Naghahanap na rin ng girlfriend

Bawat isa ay may pangarap
May iba't ibang Diyos
May iba't ibang lengguwahe

Ako
Ang tagakuha ng letrato
Sino ba ako?
Miyembro ng isang pamilya
Estudyante, kapatid, anak, pinsan, pamangkin, kaklase, kalahi
Tagasulat ng tula na ito
Tagakuwento ng mga nakalimutan at  makakalimutan
Tagapagmahal ng mga taong pwedeng mahalin
Rena Lyn Bala-oy Feb 2019
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.

Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?

Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?

Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.

Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.

Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?

Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?

Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?

Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.

Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Nagmamaktol. Nangungulila.
derek May 2016
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko.
Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho
Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo
Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo
Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo
Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao
Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho.

Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak
ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak
Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak
Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak.

Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato
Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo
Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino
Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako.

Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo
kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo
Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho
Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo?

Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako
Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo
Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko
na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala
Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala
Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa
Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa.
Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa
Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga
Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa
Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya
Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa
Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko.
Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko
pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo
Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano.

Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo.
Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo.
Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto
Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
mac azanes Feb 2016
Ayun,dalawang buwan na din pala ang lumipas. Pero parang taon na ang ating pinagsamahan.
Yung mga usapan na minsan pareho din natin di inasahan pero yun din ang hantungan kaya masaya din na napagpaplanuhan.
Mga pangarap na sa balang araw ay bibigyan natin ng katuparan.
Kaya sa ngayon ang sakripisyo nang pagkakahiwalay ay abay nating nilalabanan.
Ilang milya man ang ating agwat at Sierra Madre man ay nasa gitna ng ating daan hinding hindi naman natin nakakalimutan ang isat isa sa araw araw na nagdaan. Ang mundo ko ngayon ay napapalibutan ng palayan at mga simpleng mamayan ikaw naman ay nakikipagpatentero sa ka Maynilaan.
Pero alam natin na darating araw na sabay nating pagsasaluhan ang agahan na aking pinagsikapan.
Aaminin ko na may oras na gusto kitang kapiling upang hagkan lalo na kapag sa trabaho moy nahihirapan pero ganito talaga ang buhay aking mahal sadyang kelangan natin magtiis lumaban at magtulungan.
At Sa pagsapit ng araw na tayo ay iisa na at si sinag at tala ay naglalaro na sana kasama natin sila at alala ng kanilang pagkabata.  
Dalawang buwan ay lumipas na at alam ko na mas mamahalin pa kita sa bawat araw buwan at taon na darating pa.
Kahit pa ayaw mo kumain ng ampalaya at okra ihihiwalay ko pag ang ulam ay pakbet akin ang lahat ng tira.
JOJO C PINCA Nov 2017
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko.
tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda.
pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin.
naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako.
nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin.
namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko.
nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda.
ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid.
malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala.
alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko.
kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay.
hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right
si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
Iboboto ko nang matuwid
Para sa asensong walang patid
Buong Team PNoy – sa senado ko ihahatid

Sonny Angara – hatid niya ang solusyon
Para sa atin, trabaho’t edukasyon

Bam Aquino – nasa dugo ang katapangan
Marangal, malinis na pangalan

A.P. Cayetano – Presyo, Trabaho at Kita
Ibabalanse niya

Chiz Escudero – subok na sa senado
Kabataan ay hindi mabibigo

Risa Hontiveros – tayo’y ipaglalaban
Ayaw niya sa korapsyon at katiwalian

Loren Legarda – marami nang nagawa
Bida sa kanya ang masa

Jamby Madrigal – kakampi ang mahirap
Galit sa korap

Ramon Magsaysay, Jr. – isa ring kampeon ng masa
Katulad ng kanyang ama

Grace Poe – magalang at maaasahan
Sagot siya sa kahirapan

Koko Pimentel – ayaw sa madaya
Katiwalian ay susugpuin niya

A. Trillanes – produktibo sa senado
Marami nang nagawang batas ito

Cynthia Villar – ang Mrs. Hanepbuhay
Siya ang ating kaagapay

Dadalhin ko sa senado
Mga pambato ng pangulo
Dahil kailangan sila ng mga Pilipino.

-05/12/2013
(Dumarao)
*My Yellow Poems Collection…written on the day before the Elections
My Poem No. 204
Eugene Jul 2018
"Tell me, have you ever known one man that never made mistakes in his entire life? Tell me?" hindi ko maiwasang hindi itanong sa kaniya ang mga salitang iyon mula sa kaibuturan ng aking puso.

Nanatili lang siyang tahimik. Wala akong makitang kahit na katiting na emosyon mula sa kaniyang mga mata. Nagawa pa nga niyang balewalain ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang niya ako tingnan.

"I need you to see the worst part of me and this is what I am aiming to you right now. Hindi mo ba nakikita kung gaano ako ngayon nasasaktan sa harapan mo, Rheka?"

Hindi ko gustong ilabas ang saloobin ko sa kaniya pagkat sobra akong nasasaktan sa bawat mga salitang binibitiwan ko.

"Hindi pa ba sapat ang mga nagawa kong 'perfect' things sa iyo?" muli akong nagpakawala ng tanong sa kaniya. At sa wakas ay kusang nagkaroon ng sariling isip ang kaniyang dila.

"You have everything a woman will die for, Forester. Those perfect things you showed to me; travel around the world, walking on one of the most beautiful beaches in the Pacific, eating at the most expensive restaurants, and spending time alone were not enough. We were married for 10 long years, but you have never fulfilled my lifelong wish and that's to conceive a child, Forester."

Natulala ako at naurong ang aking dila sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Ang buong akala ko ay masayang-masaya na siya dahil lahat ng pangangailangan niya ay naibibigay ko maging ang mga luho niya ay napupunan ko.

"It is not enough to spend one day, once a week, once a month, twice or three times a year spending your time with me. They are all not enough. Hindi sa akin umiikot ang buhay mo kundi sa trabaho mo! Sampung taon, Forester! At sa sampung taong iyon ay puro ka na lamang trabaho, business appointment, at kontrata sa bawat kliyenteng naipapasa mo. Nasaan ako roon sa mga prayoridad mo?" pinilit kong huwag kumurap sa kaniyang susunod na sasabihin.

"I am ending this relationship. I'm leaving..." tinalikuran na niya ako. Napako ako sa kinatatayuan ko pero maagap kong nahawakan ang kaniyang kaliwang braso pero iwinakli niya lamang ito at nagmamadaling lumabas.

Nang unti-unti nang lumalabo ang aking paningin ay doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ilang beses kong ipinaintindi sa kaniya mula nang maging kami at nang maging mag-asawa na siya ang prayoridad ko. Sa kaniya at para sa bubuuin naming anak ang lahat ng ginagawa ko. Hindi siya nakapaghintay.

Oo, aaminin kong may mali ako dahil kulang ang oras na inilalaan ko sa kaniya at ang kagustuhan niyang magkaroon kami ng anak ay hindi lingid sa kaalaman ko. Gustong-gusto kong sabihin iyon lahat sa kaniya, ngunit ayaw niya akong pakinggan. Sa tuwing nagkakaroon ako ng oras ay sinisigurado kong naroon ako sa tabi niya.

I have always updated her on my whereabouts and what I am doing because I don't want her to realize that she's not my priority. I even cancelled my appointment and rush into her to save her from danger.

Sinubukan kong tawagan siya nang makailang ulit hanggang sa umabot ito sa sampung missed calls pero pinapatayan niya lamang ako. I even texted her just to explain it to her, but I never recieve a response.

What else can I do? Do I have to end this?



After almost a week calling and texting her, I decided to go to her family house. Gabi na nang makarating ako sa kanila. Alam kong naroon lang siya. Pababa pa lang ako ng kotse nang makita kong lumabas siya at hila-hila ang malaking maleta.

"Please, Rheka. Let me explain. Mali ang iniisip **** hindi kita prayoridad... na wala ka sa prayoridad ko."

Iwinawakli niya ang mga kamay ko. Naipasok na niya sa likuran ng kotse ang bagahe niya pero hindi niya pa rin ako kinakausap.

Panay ang wakli niya sa mga kamay ko. Kitang-kita ko kung paano siya mairita.

"LEAVE ME ALONE! From now on, I want you to stay away from my life! Stay away!"

Kahit naiipit na ang mga kamay ko ng pintuan ng sasakyan ay umasa pa rin akong makikinig siya akin pero wala. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya. Pinaharurot na niya ang sasakyan at ako naman ay naiwang nakatulala.

What else can I do? I was aiming at her heart to forgive me, but its like I'm shooting with a broken arrow.

I went back to my car. Tuliro at basta-basta na lamang pinaharurot ito nang mabilis. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumigil sa isang mahabang tulay. Lumabas ako at nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking mga paang umakyat sa tulay na iyon.

With arms wide open while tears running down my face, I jump off the bridge.

Nang unti-unting pumailalim ang katawan ko ay naaaninag ko ang isang puting liwanag na may nakakasisilaw na mga pakpak. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naramdaman ko ang pagaspas ng dalawang pakpak sa aking likuran at ako ay inangat mula sa kailaliman ng karagatan.

--Wakas---
Mag aaral ng mabuti para sa kinabukasan
Hindi lang para sa sarili para na rin sa bayan
Magandang trabaho at magandang pangalan
Aking pamilya, saki'y inaasahan

Lahat ay di kailanman sumapat
Inuuna ang pamilya dahil yon ang dapat
Ni hindi makuha ang suporta na nararapat
Pamilya nga ba talaga itong maitatawag?
Para sa mga taong inaasahan ng kanilang pamilya
G A Lopez Dec 2020
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat
Maraming suliranin, magulong mundo, makalat.
Milyun milyon ang mga nasawing buhay
Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay.

Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa
Sa mga buhay na biglaang kinuha
Mga taong namatay dahil sa pandemya
May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya.

Hustisya! Iyan ang sigaw nila
Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita
Na walang kakapitan
Kaya't walang kalaban laban.

Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan,
Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan.
Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba
Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna.

Nais mo ng sumuko,
Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo,
Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan,
Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan.

Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha
Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama
Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat
Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat

Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro
Sa isang kwento sa taong ito
Ipangako **** sa susunod na taon,
Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon.

Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba
Habaan pa ang pasensiya
Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa
Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
Life is full of challenges but that challenges made us stronger. Everything will be alright.

12/31/20
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha?

Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman.

Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin.

At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao  na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na  nga masabi mensahe niya para  sayo ngayon,  nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo.

Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo.

Nandoon sa bundok  nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme.

Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman.

Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang  katarata niya sa makalawa.

Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa.

P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre  kaso nalawayan  ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
Short funny story written in tagalog. Hope you enjoy.
Huehuehue
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
JT Dayt Nov 2015
Nagalit ako sa’yo kasi feeling ko nabigo ako
Naghangad lang naman ako ng ikabubuti mo ...
Pero choice mo kasi yun kaya wala akong magagawa
Kahit pinagpipilitan kong choice ko ang tama ...
Ang dami ko rin namang pangugumbinsing ginawa
Kaso wala naman akong napala

Pabalik na ko, papunta ka palang
Pero hindi naman lagi yang makatotohanan
Lalo na kung iba yung gusto **** daanan

Pero alam mo natutunan ko?
Wag ipilit sa iba ang ayaw nila
Sa huli kasi pag ginawa ko,
Ako lang ang masasaktan ng todo

Kaya sige, gamitin mo ang panahon
Para hanapin ano ang gusto **** gawin
Maging Malaya ka sa pagpili ng daan
Wag magpadala sa gusto ng karamihan

Wag kang mag-alala napatawad na kita
Kita mo nag-uusap na tayo, di ba?
Namimiss na nga kita, eh.
Pag uuwi ako ng weekday, wala ka.

Galingan mo sa trabaho
Hindi yan madali, pero sana kayanin mo.

Matagal ko ng gustong sulatan ka,
Iparating sayo ang nadarama
Kaya sana kahit papaano
Gumaang ang pakiramdam mo.
Na malaman ang nararamdaman ko ...
Sa pamamagitan ng liham na ito
*sister's personal letter
kahel Oct 2016
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo
Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo
Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi
Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis
Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan

Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to
Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo
Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo
Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo
Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo
Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho
Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo
Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo
Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto
Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo
Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto

Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to
Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan
Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa
Ang magbabalanse sa daloy ng kwento
Kahit yun na lang tayo; sayo.
Eugene Aug 2017
Kung aking bubuklatin,
Ang mga nakaraang pahina ng iyong mga awitin,
Sigurado akong maalala mo ito at kakantahin,
Pauli-ulit pang rerehistro sa utak at iisipin.

Mahilig kang kumanta,
Boses mo ay kakaiba,
Mahilig ka ring gumala,
Sa mga malalayong lugar na hindi na abot ng iyong mata.

Sa trabaho ay seryoso ka.
Minsan nakalimutan mo na ring ngumiti sa iba,
Sa dami ng iyong ginagawa,
Kami ay napapagalitan pa.

Dedikasyon mo sa trabaho ay hindi matatawaran,
Pero kahit na ikaw ay may posisyon na,
Walang nagbago sa iyong nakaugalian.
Ikaw pa rin ang taong madali naming lapitan.

Ipagpatuloy mo ang ugali **** masaya,
Upang bigat sa dibdib ay maibsan pansamantala,
Mabigyang katuparan ang pangarap mo sa iyong bubuuing pamilya,
Nang maging sandigan mo sa habambuhay na ligaya.
Kausa, kaduha, maihap ra.
Ang mga laag sa mag barkada.
Ug kini napun-an na.
Sa Bohol, diin sila milarga.

Pageskwela ang gihinungdan
Sabay silang naglayag. apan:
Ang usa wala kakuyog kay nasakit.
Duna poy wala, sa trabaho nasangit.

Di man kompleto tuod, pero,
Nagpakalingaw ang mga giro
Kay panagsa ra tawn magsalo
Pawala sa mga labad sa ulo.

Busa unta kini masundan pa,
Ug sa umaabot kompleto na.
Eugene Aug 2017
Sandaling tumigil ang oras
upang ipikit ko ang mga mata
sa alaalang nais kong balikan
mula sa isang taong kailanman
ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Sinimulan ko sa isang eksenang
bibigay at bibigay na ang aking puso
sa kalungkutan at kapighatiang
aking nadarama noong kailangan
ko ng kausap at siya ang aking nasandalan.

Alam **** hindi madali para sa akin
na bigyang katuturan ang bawat hiling nila
kahit pa alam **** maling mali na
ang mga desisyong aking nagawa
dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila.

Ikaw ang naging gabay ko
no'ng mga panahong ilang ulit akong
nakaramdam na may mali na
pero ipinagpatuloy ko pa rin ito
at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko.

Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin
ang aking mga mata upang balikan
ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita
at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang
magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na.

Ang kathang ito ay isinulat ko at
gustong ialay sa iyo dahil isa ka
at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho,
kung hindi ay isang inang itinuring akong
isang anak na nawawala at kailangan
ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga.

Muli kong binuksan ang aking mga mata
at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala
sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas
sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong
hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag.

Taos-puso akong nagpapasalamat,
at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko
upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa
o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit
dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
Stum Casia Aug 2015
Bilang na ang aking maliligayang araw.
dalawa na lang. Kung isasama yung pangakong panlilibre ng lomi
ng mga kasamahan sa pabrika sa unang restday matapos ang endo-
tatlo. At ganito pala ang feeling ng may taning.
Para kang nasa nilulumot na aquarium na walang oxygen
at goldfish kang kasama ng dalawang golden arowana.
Hindi ka makahinga.
Sa a kinse, matuloy man o hindi ang balitang super-bagyo
Tapos na ang limang buwang kontrata.

Matatapos na rin ba ang hindi naumpisahang pagsinta?
Tulad ng paghahanap ng mga skater sa kanilang skate park,
matatagpuan ko rin ba ang lakas loob at habambuhay na hindi na?

Kaya naman kaninang tanghalian, wala akong kwentong maihain sa iyo.
Parang habambuhay ko ngang uubusin yung inorder kong BBQ
kanin at RC.
Paano ko ba sasabihing baka isa na ito sa huling dalawang tanghalian na sabay tayong kakain?
Paano ko ba sasabihin na sa maraming pagkakataon na sabay tayong kumakain,
nagtitipid ako at hindi naman talaga ako nagugutom.
Gusto lang kita makasama kasi parang gusto na kita.
Pero tulad ng inililihim kong pagtatapos ng aking kontrata

Hindi mo alam.

Hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit masarap ang simoy ng hangin sa loob ng pabrika
kahit wala naman talagang bintana at inuubong industrial fan lang ang meron tayo.
Hindi mo alam kung anong kapanatagang nararamdaman ko
tuwing sinasabihan mo akong mag-iingat ako
tuwing uwian kahit ang totoo, hindi natin kakilala ang kaligtasan
at kapanatagan sa pabrikang walang fire exit
at benefits.

Yun talaga yun, hindi mo alam.
Pero alam mo naman sigurong salot talaga ang kontraktwalisasyon?

At maramot talaga sa mga lovestory nating mga below-minimum-wage-earners
at contractual workers ang sistema ng paggawa sa Pilipinas.
Sa mga susunod na bukas, ikaw naman ang mag-e-endo.
Baka mapunta ka sa Savemore na tadtad din ng kontraktwal.
At masnatch ang numero mo at hindi na kita matatawagan.
At ako, baka sa hirap humanap ng trabaho maisangla ko ang aking telepono.
At isang monumentong singlaki ng Mall of Asia ang itatayo sa pagitan nating dalawa.

Kasalanan ito ni Ernesto Hererra.
Ekonomiya ang paglalaanan ng oras
Pampublikong sasakyan sa lahat ng barangay
Pampribadong negosyo sisikaping mapalakas
Maraming trabaho at hanapbuhay.

-01/02/2015
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection
My Poem No. 302
umaga
gumising nanaman ang araw
para tayo'y gisingin at
mamuhay ng kanya-kanyang buhay

hapon
unti-unti nang nagpapahinga ang araw
mga tao'y napapagod, kahit ang araw
pero patuloy pa rin sa pag trabaho

dapit-hapon
nakita ko ang kagandahan ng paglubog ng araw
malapit nanaman ang kinabukasan
ngunit ako'y nabighani at biglang napahinga

gabi
nagsapit nanaman ang dilim
namahinga na ang araw
magsisimula naman ang buwan

liwayway
sinasamahan ako ng gising na buwan
sa aking pag antay sa dapit-umaga
pag gising ng araw'y magsisimula muli
ang araw-araw na gawain na walang katapusan
JOJO C PINCA Nov 2017
ang sabi ng pulitiko habang nakatayo sa entablado:

mga minamahal kong kababayan pag ako po ang inyong inihalal pinapangako ko na iaahon ko sa kahirapan ang bayan at magiging matapat po ako sa aking paglilingkod sa inyo.

sabi naman ng lider ng relihiyon habang nasa pulpito:

mga kapatid itong ating pagsasama-sama at gawain ang tunay na sa diyos; tayo po ang tunay na mga anak ng diyos at tinubos ng mahal na dugo ni Kristo; tayo po ay nakakatiyak sa kaligtasan. amen po ba?

sabi naman ng kapitalista habang nasa podium:

mga kasamang manggagawa mahalin ninyo ang inyong trabaho at ang kumpanyang ito sapagkat pag ito ay bumagsak kayo ang unang maapektuhan; pag umunlad naman ito ay kayo rin ang makikinabang. Kasama ko kayo sa pag-unlad.

yan ang sabi nila.

ito naman ang sabi ko habang ako ay nagsasalsal sa loob ng CR:

mga P_ Ina kayo, puro kaulolan at pang-uuto ang sinasabi ninyo - mga animal kayo. Puro kayo daldal ang gaganda ng mga binibigkas ninyong mga salita pero ang totoo puro kayo mapagsamantala at gahaman sa salapi. pweeeeh.
George Andres Jul 2016
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan
Lahat ng naglalaro sa'king isipan
Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro
Sa inyong mga tamad na isipan
At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan
Na para saaki'y isang malaking katangahan
At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan
At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan
At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman
Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha
Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha
Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip
Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag
O kung bukas ay ang kadiliman naman
Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan?
Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban
Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan
Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
7816
Nang mawala ang pangalawa kong trabaho
Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago
Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko
Walang atubili’y akin siyang tinungo
At sinubukan bago kong palad dito

Sa TED kung saan una akong itinalaga
Mga batikang **** dito aking nakasalamuha
Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama
Kayrami kong natutunan mula sa kanila
Minsang itinuring ko na parang mga ina

Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan
Para ko naring naging ama si Sir Hapitan
Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan
Akala ko noon ay mahirap silang turuan
Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban

Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento
Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto
Kaya ang naging tingin ko sa mga ito
Ay parang sa Encantadia na mga engkantado
Taglay ang katangian ng 5 elemento

Dito rin sa Encapsudia, ako’y naging estudyanteng ****
Nang mag-Uniting, mga estudyante ko’y naging kaklase ko
May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito
Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko
CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU!

-10/14/2017
*a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its
3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
My Poem No. 556
Elizabeth Oct 2015
Namis ko ang mga panahon,
na naglalakad ako papunta at pauwi mula trabaho
Sumasakay sa jeep, mukhang tanga, nagaabang sa kanto
Sulyap ko si kuya, nangungulangot ng patago
Nakatingala sa langit, ngiti ko'y tila ipinako

Masaya sumabay sa takbo ng mga tao
Kita mo lahat ng ganda at panget sa mundo
Maging avon man o ever bilena ang gamit
May lunes parin na maiiputan ka ng pato.

Namis kong mag tsinelas palabas ng bahay
Ngayon 3inches na ang taas ng yapak ko
Pati din ang jansport na laging nakasabit
Ngayon para akong magtatahong walang buena mano

Madaming nabubunyag sa aking biyahe
Malalagkit na sulyap ni kuya sa pasahero
Ngayon nga'y may pisong nalaglag sa tabi
Dadamputin sana ni ate kaso naunahan ko

Hiwaga sa'kin, saan kaya siya patungo?
Sucat highway (tawid)- Coastal- Baclaran
16pesos
inggo Jan 2016
Hindi ko alam kung kailan
Wala akong maisip kung saan
Pero alam kong ikaw ay matatagpuan
Kahit siguro umabot ako sa buwan

Siguro ay hinahanap mo rin ako
Baka sakaling nagkatabi na tayo sa eroplano
Maaaring nakasalubong na kita doon sa may kanto
O baka naman nakasama na kita sa trabaho

Sa ngayon kailangan kong maglakbay
Patungo sa mga lugar na maaaring ikaw ay naghihintay
Hahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay
Ipapapaniwala ko sa iyo na merong panghabangbuhay
Sadyang puno ng kabalintunaan ang mundo. Sa isang lugar na tinaguriang tirahan ng mga patay, sinong mag-aakalang doon rin nakatira ang mga buhay? Nagsimula ang aking malungkot na karanasan nang matanggal sa trabaho ang aking ama at pinaalis kami sa aming bahay. Kaya't naisipan ng aking mga magulang na manuluyan sa kanyang kumare na naninirahan sa North Cemetery. Hindi naging madali ang manirahan sa sementeryo. Sa gabi, walang ilaw. Umaasa lamang kami sa mga poste ng ilaw sa parke. Walang malinis na tubig at kailangan pa naming mag-igib sa malayo. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bukod sa iniisip kong wala kaming matinong bahay. Nariyan pa ang di maintindihang takot at pangamba lalo na't sagana sa kwentong katatakutan ang mga palabas at naririnig ko sa mga tao dito. Naku, saan pa kaya maaaring magkaroon ng multi mundo sa hantungan ng mga patay. Ngi!! Pero sa awa ng Diyos, wala pa akong nakikita. Sa sobrang kahirapan, naranasan namin na hindi kumain ng isang araw o mag-ulam ng asin. Pero malakas pa rin ang pananampalataya ko sa Diyos, sa huli, muling nagkatrabaho ang aking ama at ngayon, nakalipat na kami ng bahay sa labas ng sementeryo. Ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang aking karanasan na tumira sa sementeryo. Ito ay alaalang nagsisilbing sandata ko sa kahirapan upang magsikap at maging ganap na pari. Ating pakatandaan saan man tayo ilagak ng Diyos, magulo man o katakot-takot, hinding-hindi niya tayo pababayaan.
Carpo Sep 2022
bigyan ng palakpak ang nakaupong presidente,
kahit papaano may nagawa itong kabutihan, eh.
sa ilalim mo naligtas ang labing-lima na minor,
ngunit sa puri na aking ibinigay, rosas ang aking kulay

may nailigtas ka man na labing-lima, marami parin ang na una,
na unang mag-paalam sa kanilang mga pamilya.
sa mga gabing akala ko na ligtas,
sa pamumuno mo, ako'y napapadasal sa itaas.

ang agrikultura ng ating bansa ay napunta sa sakuna,
sinisisi ang manggagawa maski gusto lamang kumita.
ginawa naman niya ang kanyang trabaho para sa mga pilipino,
sana ang nakaupo sa pwesto, parehas na para sa pilipino.

pagtaas ng presyo sa mga bilihin,
kasabay sa pag baba ng piso natin.
ramdam ko na ang pagiging alipin sa aking bansa,
alipin ng sistemang hindi maayos dahil sa mga angat.

maslalong nabaon sa utang ang aking bansa,
ang ekonomiya natin ay nangungulila.
ang tanging naka upo sa pwesto ay walang ginagawa,
masinatupag ang sariling kasiyahan kumpara sa sitwasyon ng bansa.

"asan na ang iyong pangako? aming binotong pangulo?"
hiyaw ng mga bulag sa katotohanan.
"sinayang niyo ang pagkakataon para mag bago"
hiyaw ng mga mulat sa katotohanan.

ang iyon pag balik ay hindi sigaw ng kabataan,
ang aming supporta ay hindi para sa iyong pag marcha.
"kabataan ang pag-asa ng bayan"
ngunit ang kabataan ay hinuhuli kapag ito'y kumilos para sa bayan

bago pa maupo sa pwesto, kaba ang ramdam ng mga tao.
sa lumang henerasyon ito'y isang panalo,
ngunit sa likod ng palakpak at hiyaw ng mga na loko mo,
para sa aming kabataan, ito'y isang mabigat na pagkatalo.

ang pag balik ng iyong pangalan sa kataasang pwesto.
talagang may halo na kaba sa mga tao,
hindi lang para sa mga 'di pabor sayo,
ngunit ngayon, para na rin sa mga tiga supporta mo.
kahel Aug 2016
Para tayong nasa isang jeep,
May iba't ibang pupuntahan.
Mayroon doon sa malapit, sa kabilang kanto o sa dulo ng bayan.
Hindi magkakakilala pero iisa lang ang layunin.
Ang makarating sa pinaroroonan.

Para tayong nasa isang jeep,
May nagmamadali, may chill lang.
Naghihintayan at nagmamasid...
Kung sino ang unang magbabayad ng pamasahe.
Kung kanino i-aabot ang pamasahe.

Para tayong nasa isang jeep,
Ayaw umupo sa pwesto malapit sa driver dahil may instant trabaho na agad
Taga-abot. Taga-bigay.
Kailangan sumigaw para marinig.
Kumapit ng mabuti para hindi mahulog.

Para tayong nasa isang jeep na walang ibang ginawa kundi ang makipagtitigan.
Habang ang ating mga mata ay nag-uusap at nag-kikislapan.
Para tayong nasa isang jeep na handa makipagsiksikan para lang makauwi.
Habang ako, sayo ay wala ng espasyo .
Kasya pa ako pero mas pinili **** pasabitin na lang ako.

Na traffic lang tayo saglit bigla ka na lang pumara at sabay baba sa buhay ko.
Na parang nakalimutan mo ilagay sa bag ang baon mo
O kaya naman di ka sigurado sa direksyong patungo
Hindi ko na nakita ang mukha mo dahil sa kapal ng usok na buga ng tambutso
At hindi ko man lang naibalik sayo ang sukli mo,
Nahawakan ang mga kamay mo at napigilang maglaho.
Jedd Ong Aug 2014
We aren't very different.

Konkretong kahon ang tawag
Ko sa eskwelahan ninyo,
Na puro sikreto,
Silaw—dahil sa napakaputi
Ninyong mga balat, paa,
Malambot, makinis, na halos
Binasbasan
Ng mga kayumangging kerubin—
Ayaw basagin.

Sila, ang taga-tayo ng mga
Gusali ninyo, puro pawis.
Puro naka-long sleeve, ang
Init! Noo nila’y sunog,
Kumikilabot, kumaladkad,
Kilay itim sunggab ng
Araw.

Ngayon,
Nakikita ko sila—puro trabaho,
Balikat bumabagsak dahil sa
Bigat ng mortar, laryo,
Ulo baba-taas-yuko na parang
Kumakadang sa luad,
Tapak kasing bigat ng mga konkretong
Tipak—taga-buhat ng mga
Pintang maputla.
SORRY FOR THE GRAMMAR

— The End —