"tinubuang" poems
Kapayapaan...
Isang salitang hindi maikakaila.
Na may sampung titik na mailap makuha.
Isang salitang nais na ibandila,
Pinapangarap ng ating buong madla.
Kapayapaan...
Isang salitang may sampung letra...
Pag-asa...
Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga.
Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa.
Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa,
Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.
Pag-asa...
Isang salitang may anim na letra...
Pag-ibig...
Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan.
Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan?
Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan.
Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?
Pag-ibig...
Ikaw ay nasaan?
Kapayapaan ang gusto ko.
Pag-asa ang nais ko.
Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 1:04 PM UTC
unang latag ng lupa,
nangabubuhay dahil sa
tapak ng walang kamalay malay
sa pinagdaanan nito.
dala ang delusyon ng buhay
kapalit para sa bayan,
kapalit para sa kalayaan.
lumamin,
ay mahahayag ang
luad
tumutulad sa kulay ng
dugo.
alam ng bulaklak ito,
kung sundan ang pinanggalingan
magugulat sa makikita;
ang kababayang
kinalimutan ang kanilang madugong,
matimbang,
maalamat
na mga pangalan;
inalala ng halaman.
sementeryo,
bawat hakbang, walang respeto
bawat hakbang, nadudumihan
ang mga mukha ng (bayani) taksil
(pinaglaban) trinaydor ang
kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga
sambayanang pilipino)
tinubuang lupa
sementeryo,
kaya't malalim ang pananampalataya
sino bang hindi
maadwa,
maawa?
bawat segundo may dadasalan
bumagsak;
at lumalalim ang kulay ng
pula.
sementeryo,
kaya't pagbagsak ng
alas quatro ng umaga;
nananahimik ang bayan.
katahimikan para sa patay;
walang sisigaw.
ginagambala ang kapayapaan.
sa ilalim ng lupa,
ang katahimikan hindi makamtan.
lahat sila'y gising,
lahat sila'y
sumisigaw.
sementeryo,
ang tahanan ko'y sementeryo,
kaya't manahimik
at irespeto ang patay;
ang mga mamayang madamdamin
at malakas ngunit
pinatahimik.
tayong buhay
nananatiling patay.
silang patay
nananatiling buhay.
isang siklo.
lalalumin lahat ng lupa
ng hindi sa tamang oras;
isisigaw ang K A R A P A T A N !
isisigaw ang M A L I !
isisigaw ang H U S T I S Y A !
H U S T I S Y A
H U S T I S Y A
H U S T ngunit walang makakarinig.
ang nakabukang bibig
mapupuno ng tinubuang lupa
na tinaksil ang lahat
ng katulad natin.
walang makakarinig
kahit buong daigdig
manahimik.
May 10, 2017
May 10, 2017 at 3:32 PM UTC
Maari ko bang masabing, iniiwasan ko ang pag-ibig?
Para bang sinasabi kong pinipigilan ko na ang huminga?
Lumanghap ng buhay at magtaboy ng karamay?
Sinasabi ko ring araw-araw na ang aking lamay
Hindi ako sumusulat ng tula ng poot
Pawang pag-ibig lamang na sa dugo'y nanunuot
Pagkahalina sa pag-iisa at paglalakbay
Pag-ibig na lamang ang sa tao'y bumubuhay
Iniibig ko ay hindi ang tinubuang lupa
Kundi sa mundong unos na ang sinagupa
Hinati ng porma ng pag-ibig sa sarili at kapwa
Nang bakuran, tinatawag nating ngayong mga bansa
Kung ang ideya ng mga tao'y di magkakapareho
Paanong lahat tayo'y magkakasundo?
Pag-ibig na dalisay sa pagtanggap
Hindi huwad, malinis at di nagpapanggap
Oct 24, 2016
Oct 24, 2016 at 10:29 PM UTC