"tinalukuran" poems
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.
Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?
Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?
Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.
Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.
Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?
Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?
Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?
Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.
Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
Kasabay nang pagihip ng hangin,
Nalagutan siya ng hininga,
Sa isang dalampasigan mula sa kanyang guni guni,
Sila muling nagkita,
Bibigkasin sana ng mga bibig na tumikom,
Ang mga salitang sa unan na lamang naibubulong,
Ngunit isinantabi na lamang,
Nilunok ang lahat,
Tinalukuran,
Tinakbuhan,
Ang mga nakaraang tapos na't di na kailangan pang balikan,
Na minsan kang naging akin,
Minsan akong naging iyo,
Ang diwa nati'y pinagdugtong ng mga labing itinikom,
Kahit sa mundong gawa gawa na lamang para sa aking sarili,
Hindi ko parin makita,
Hindi ko parin mahanap,
Di ko parin mailabas,
Ang mga salitang sana'y minsan kong sinabi.
Mar 19, 2016
Mar 19, 2016 at 1:35 AM UTC