Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinakdang" poems
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta. Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga. Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan. Hanggang kailan ito magtatagal? Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan. Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman. Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta. Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta. Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit. Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit. Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya. Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama. Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka. Halika sa mga bisig ko, mahal. Panahon natin ay di na magtatagal. Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit. Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin. Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot. Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap. Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali. Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian. Tayo ay alon at dalampasigan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan. Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
0
Nov 14, 2016
Nov 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Alon at Dalampasigan

Continue reading...
26
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay kasamahan lamang Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin. Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli, sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:25 PM UTC
A Gift

25
Kung may isang daang tula Mga tula para kay Stella Mga tulang sinasaad at nilalathala Ang puso at mga nadarama Na nagmula sa isang binata Isang emosyon, isang daang tula Para sa kanyang tanging sinisinta Nais ko ring magsulat, lumikha Hindi isang daan, kundi isa Isang may isang daang salita Mga salitang sana'y sapat na Hindi ko gustong sumobra pa Kaya tanging hiling ko talaga Na kasabay ng mga salita Maubos na ang aking nadarama Tinakdang bilang ay nalalapit na Ngunit bakit iniisip parin kita Isang daan na, tama na Pagod na akong mahalin ka Pagod na ako maging tanga
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 10:50 AM UTC
100 Salita Galing Kay Ysa