Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tilang" poems
Sariwa pa sa aking alaala, Nakaraan nating dalawa Pinangakong magsasama, Habang buhay hari't reyna. Mga panahon ay lumipas, Pangako'y tilang kumupas, Tinangay ng hangin pataas, At pagmamahalan natin tila nagwakas. Ako'y iyong naging tanggulan Nang buhay mo'y inulan, Ako'y iyong naging sandigan, Giliw, bat mo ngayo'y iniwan? Tingnan kay di ko magawa, Kalimutan pa kaya? Nakaraan nating dalawa Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
0
Jan 1, 2018
Jan 1, 2018 at 10:20 PM UTC
Dala-dala Ko Pa