Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Omniest Wanderer Oct 2018
Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti
Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi

Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob
Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok

Sabi nila'y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim
Ano nga bang nasa likod ng 'yong magagandang tanawin

Nais ko'y lumapit, ngunit papano ako bubwelo
Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro

Ako'y manlalawig, at tumatawag si Laguna
Mukha atang mahirap na'kong pigilan animo'y pumapatak na luha

Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing
Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo'y wala akong hinihiling

Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa
Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala

Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga
At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana
HYA Nov 2017
Dinggin ang hininga ng may alikabok
Unawain ang kamay pagkatapos ng suntok
Mahalin ang pait sa matamis na mansanas
Tignan ang pagbuhos ng tubig mula sa itaas

Obserbahan ang lahat ng ito, mahal
Sapagkat kahit kamay mo'y hindi mahawakan
Bumalik ka sa ating munting tagpuan
At punasan ang luha sa aking pagtahan

Ngunit hindi pwede ang pag-iibigan sa aking piyesa
Kagaya nalang sa iyong pagngiti ay hindi dapat gawan ng malisya
Ang simpleng pagtawa ay nakakahumaling
Kaya dapat ikaw din ay magbighani sa akin

Hindi nga, hindi ito pwede
Kahit ang magustuhan kay napakaposible
Ako'y natukso sa magarbong panganib
At ikaw, sinisinta ko, ay nasa kanilang panig

Tayo'y pinagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa
Kagaya ng isang mundo at ng kometa
Sa kanyang paghulog, marami ang nahalina
Kasabay nito ang pagwala ng kanyang presensya

Kagaya ng mismong puno at ang mga dahon nito
Pagkatapos ng kasaysayan ay mahuhulog din sa pinto
Na para bang ikaw at ako
Ikaw ay nakatayo habang ako'y nahuhulog papalayo sa iyo

Bumalik sa ating munting tagpuan
Kahit ikaw naman talaga ang sariling tahanan
At doon ko tatapusin ang aking panaginip
Kung saan ikaw ay naging akin kahit na saglit
written with wis dedicated to Mhaye Louisse heheā™”
Dark Oct 2018
May karapatan ba akong mag-selos?
Kung ako'y nasa isang sulok nakagapos,
At tignan ka na walang halong bastos,
At masaktan pagkatapos,

Hanggang kailan ko ba ipaglalaban,
Ang digmaang wala akong laban,
Kung saan ako lang ang lumalaban,
At walang kasamang lumaban.

Ika'y aking tunay na mahal,
Pagmamahal na illegal,
Ako'y sana mag susugal,
Ngunit natandaan ko sa ating dalawa ako lang pala ang nagmamahal.

— The End —