Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tayo" poems
margaret Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig Maari bang malaman ang yong pakay sa akin Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin? Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin? Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan? Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang Alaalang bitbit pano ko makakalimutan Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan. Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno, Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo? Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso Sayo napalapit at ayaw nang lumayo Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
0
Sep 25, 2018
Sep 25, 2018 at 12:04 AM UTC
Margaret (Anghel Ko)

Continue reading...
33
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?” Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba” Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw Dagdag ko, “Magbayad na tayo” Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo” Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti, (bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli” Sa loob ng isipan koy tumutula, Sa labas ang mga mata koy natutulala Nabighani ng ganda at napahanga Di ko napapansin tulo laway labas dila Ngunit sa mukhang tila nakasimangot Napansin ko sa mga mata’y may lungkot Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa Ginawa ko na ang simpleng galawan Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan Baka may pagasa kung sya ay liligawan Wala man akong pera, mahalaga masaya Wala man akong pera, basta katabi ko maganda Wala man akong pera, basta wala akong sakit Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit Aking naalala, aking naalala..... Wala pala talaga akong pera Ni piso isa, wala sa bulsa Pano na? Pano na? Kaya ang ending ng love story, Mamang tsuper I’m sorry Pagtumigil na tong byahe, Takbo sibat, handa na akong mag 123....
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 10:19 AM UTC
Crush Sa Dyip
Hanggang kailan kaya merong "tayo" Di ko maalis ang takot sa isip ko Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako" Takot na ako'y iyong iwan Baka puso mo ako'y kalimutan Kasi nangyari na yan minsan Nananatili pa rin ang pangamba Na muli magkaroon ka ng iba Sa nararamdaman kong ito Di mo naman ako masisisi diba? Kasi minsan mo na akong ipinagpalit Pag-ibig na naging mapait At nagdulot ng labis na sakit Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako Na matapos ang ating tayo At mapalitan ng isang kayo
0
Nov 15, 2015
Nov 15, 2015 at 10:35 AM UTC
Hanggang Kailan Kaya? (TAGALOG)
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Habang Wala ka pa

3
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

129
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

67
Hindi ikaw ang aking mundo. Ikaw ay parte lamang ng aking kwento. Hindi ikaw ang kalawakan. Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan. Hindi ikaw ang buwan Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan Hindi ako isang puno Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo. Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala Ay hindi maghihilom basta- basta ... Kaya ako na  ang hihinto, lalayo, Ang magsasara ng pinto. Ako na ang susunog ng tulay, Ang puputol ng nag-uugnay. Ako na ang bibitaw Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw, Ng bugso ng damdamin, Ng tukso at mga tinagong saloobin. Hindi naman maayos Ang hindi sinusubukang i-ayos. Kaya tama na nga siguro Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko. Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot, Sa puso kong puno ng takot Sa paglisan at pagbitaw Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw. Paalam na sa mga pangakong napako, Sa mga katagang "walang magbabago", Sa mga salitang binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan." Paalam na sa lumabong pagkakaibigan, Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan. Paalam na sa sakit at pait Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit. Paalam na sa labing-apat na taon. Masasakit na alaala'y aking ibabaon. Iiwan ka na sa nakaraan. Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan. Sa pagiging estranghero nagsimula, Estranghero rin akong lilisan. Ito na ang huli kong paalam. -41-
0
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Ako Na Ang Magpapaalam
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama. Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo. Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay. Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay. Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal. Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan. At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban. Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin. Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay. Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa. Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka. Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
0
Feb 19, 2016
Feb 19, 2016 at 8:21 PM UTC
Pangungulila

14
Minsan mapapaisip ka na lang kung ikaw ba ay nagkulang o siya yung di lumaban. Mapapaisip ka na lang kung tama bang ikaw ang nahihirapan, patuloy na lumalaban, gulo’y subok na iniwasan, upang di lang siya masaktan. Mapapaisip ka na lang kung kaya ka ba iniwan kasi kahit gaano mo ipaglaban — na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan umuuwi ka paring luhaan. Tama ba na tratuhin ka ng ganito? na parang laruan na pag sawa na sa iba, ikaw naman ang gusto? Tama ba na maramdaman mo ang sakit na nasa iyong puso kasi pinili mo siya kahit alam ng utak mo na di siya nakakatulong sayo? Tama ba na sa dinami dami ng taong araw araw na kumakausap sa’yo, dito ka pa nahulog sa taong di ka naman isasalo? Ang dami kong sinasabi sa ibang tao na maraming gago sa mundo na di dapat sila papaloko. Pero sa dulo din pala, ako yung magmamahal ng tulad mo. Pasalamat ka, ako na yung nagparaya siguro kasi di ko na rin kaya lalo na’t nakita kitang may kasamang iba. Tinago mo pa, sinabi **** kaibigan mo lang siya ngunit ang totoo pala, pag di tayo magkasama tumatakbo ka pabalik sa kanya. Di na rin siguro ako magtataka kung bakit mas pinili mo siya baka dahil ang puso nyo’y nagtugma o mas magaling lang siya sa kama. Bakit nga ba ako nagpakatanga? Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita, mga pangakong di ko alam kung matutupad ba o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”   Sinabi ng mga magulang ko na lahat ng tao pinanganak ng may puso na kailangan mo lang intindihin at mahalin dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin. Pero akalain mo yun, may mga tao palang tulad mo na di mo alam kung wala ba siyang puso o ipinaglihi sa demonyo. Nakakatawa ka, na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras sayo ko lahat nawaldas buti sana kung nababalik mo ’to pero wala, ginawa mo akong uto uto. Isa kang patunay na may mga taong na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay nag hahanap ka parin sa iba ng wala kang kamalay malay. Ngayon, tapos na ako. Di ko kailangan ang isang tulad mo. Sa lahat ng gago sa mundo, ikaw pa ang pinili ko, ikaw pa ang minahal ko, ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito, ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso. Pero salamat din sa’yo dahil kung hindi sa pang-gagago mo hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko. Andami kong natutunan di lang tungkol sa mga tulad mo kundi pati na rin sa sarili ko: na kaya ko palang magmahal ng ganito na kaya ko palang lumaban ng husto na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso. Ngayong, mag isa na ulit ako, mas masaya na ako. Kaya sa susunod na darating sa buhay ko, tandaan mo nagmahal ako ng gago kaya ayusin mo ang buhay mo kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 3:57 AM UTC
Sa Lahat ng Gago sa Mundo

94
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

73
Para sa Gobyerno: Walang halaga ng pintura Ang kayang takpan Ng kalagayan ng inang bayan. Walang halaga ng tamis ng mga pangako mo ang kayang Magpakalimot ng mga Kalapastanganan na ginawa mo sa kaniya. Para ka lang isang puta, Na Nag nagsabi akoy iyong mahal, Pero pag gising sa umaga Wala ka na. Iniwan mo lang akong Umaasa na tayo'y Magkakaroon ng magandang kinabukasan. Pero wala. Akoy' niloko mo lang, At pinagpalit sa iyong kabit, Ang pera. Ikay' walang ginawa Kung hindi gahasain Ang walang laban na Bansa. Siya ay Ibinugaw mo sa iyong mga kaibigan, Kapalit ang kakaonting piraso ng pilak para makamit ang Panandaliang kapayapaan. Siya ay hinalikan mo sa pisngi, Sabay tinraydor ng tulad ng nangyari kay Cristo. Parang awa mo na. Umayos ka na. Para sa kabataan: Ilang Rizal, Bonifacio, Luna, Ang kelangan isakripisyo Para lang Magising ka Sa masakit na katotohanan? Ilang rebolusyon pa ang kelangan Mangyari Para ikay tumayo Sa iyong trono At gumawa ng pagbabago Ilang buhay pa ba Ang kailangan ialay Upang ikay Maistorbo sa   Pagdudot ng iyong telepono. Parati mo nalang sinasabi, Na wala ng pag-asa, At kahit anong gawin natin, Hinding hindi na kailan mag babago ang lugar na to' Ikaw pa ang may ganang mag reklamo, Tungkol sa mga perwisyo Na naidudulot sayo, Ng mga opisyal, Na nakaluklok sa puwesto. Maawa ka naman sa kaniya, Nanglilimos siya ng pag mamahal sa sarili niyang lupa. Kaya may tanong ako sayo, Sa inyo. Ayaw mo ang nakikita mo? Edi, baguhin mo.
0
Nov 10, 2015
Nov 10, 2015 at 3:00 AM UTC
"Isang Liham Para Sa Gobyerno at Kabataan"
Alam ko kaarawan mo nung abril labindalawang at ngayon Humahabol pa ako sa regalo ko na tula para lang sayo. Naaalala kita bilang aking best friend nung intermediate palang tayo Ngayon pati sa facebook konektado pa rin ako sayo Paminsan-minsan ikaw nagchachat sa kin at minsan ako rin naman Nagsheshare ng problema at nagbibigayan ng tips kahit papano man Ngayon dalagita na tayo, marami na rin mga problema sa school at iba kaso Gusto pa rin kita makausap ng matagalan eh marami lang talagang inaasikaso Nagkataon nagkita tayo sa mall at ang napansin ko bigla ka tumangkad Syempre naingit agad, hindi ako pinagpala ng diyos ng tangkad eh. Natutuwa ako nakilala kita noon at nagkakilalan tayo ng lubos Kahit malayo tayo sa isa't isa, at saka nagpapasalamat rin ako  Naging best friend kita at lagi tayo nagtutulungan  Kung may problema tayong hinaharap. Kung alam mo lang maeffort ako kung hindi lang natatamad Lalo na sa pagibig kung pinageffortan dapat masuklian. Pasensya na kung nahuli ako ibigay ang regalo ko para lang talaga sayo Nagpapasalamat ako sa lahat ng alaala natin dalawa at sa susunod pa. Mahal kita dahil naging parte ka na rin sa buong buhay ko! Happy Birthday! To the 16th girl Vivien Hannah Isabel Estrada!
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 9:51 AM UTC
Maligayang kaarawan aking kaibigan
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

39
Sa bawat paghinga ko, iniisip kita. Hindi ko maalis ang lungkot saking mata. Tuwing naalala ko ang mga araw na magkasama tayo. Masayang alaala na hindi ko mapagtanto. Ano ba ang kulang? Hindi ako siya. Pero higit ako sa kanya. Bakit hindi mo makita? Nasasaktan ako dahil mahal kita. Pero mas masakit na mahal mo parin siya. Ang lungkot ng buhay ko. Kahit kelan kaibigan mo lang ako.
0
Sep 11, 2015
Sep 11, 2015 at 9:59 AM UTC
Kaibigan
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita? Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa, Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan Unang pagbabago ng aking nararamdaman Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan" Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha Ngunit ikaw ay aking naintindihan, Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala Batid kong madaming nagmamahal sayo, Kaya naman aking pagtingin ay lumayo At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo Gusto ko lang lagi **** tatandaan, Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo, Handang tumulong sa abot ng aking makakaya Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot Sana wag kang magbabago't wag makakalimot Di nako aasang liliit ulit ang espasyo Magbubukas ulit ang entablado At makaka tapak sa inyong teritoryo Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
0
May 26, 2018
May 26, 2018 at 9:20 AM UTC
DATI

37
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay

naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

75
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso lagi kitang inaalala malayo ka man sakin Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap Mga pangako at sumpaan paano na matutupad Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni Sinagot ma’y marami paring Katanungan Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan Tunay nga na ang pagibig may isang diwa Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita Andito lang ako, Malayo parin ang distansya, Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya Kahit wala ka..... Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik *Para sa mahal kong si Reina Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 9:13 PM UTC
“LDR”
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

56
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya Nakakatawang isipin, Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko Ang inosente sa ngalan ng pag ibig, Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko Sa bawat kainan na ating napuntahan Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan Sa mga sinehan na ating pinanuoran Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan, Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit, Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo At ang buong sistema ng mga tula ko Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw Gusto kong humakbang, kung anong meron tayo Gusto kong higitan, ang mga nagawa ko para sayo Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat Konting lapit ay luwas ng mabilis Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi.. Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan Na habang buhay mag hihintay sa bakuran At umaasa na sana pwede pang humakbang..
0
Feb 25, 2016
Feb 25, 2016 at 1:43 AM UTC
Mag Kaibigan
Sino ba ang modernong vincentiano? Ano ba ang kanyang pagkatao? Nagtatanong sa sarili ko Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay Kung anong magawa ko Dito ba sa munting palad nakahimlay Ang lahat ng kakayahan ko? Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman. Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot” Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot Dahil sa disiplina tayo y nililok Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang, Mga mababang tao na ating ginagalang, Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan Ang tanggapin ang katotohanan, At hangganan ng kakayahan Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban Ng walang hinihintay na kapalit Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent) Na sa pagtulong ay di napagod Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod Salamat sa  Amang nasa itaas Na nagbibigay ng lakas Ang lakas na di nauubos Para sa aming misyon na di pa rito natatapos Sandata ay ang panalangin Lakas ng loob at damdamin Dahil sa Diyos na mahabagin Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan Pagkat ating ramdam ang bawat hirap Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan Handang makiramay at ibigay ang anuman Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan Pagkat sa bawat taong ating natutulongan gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman Sino ang gumagawa nito? Sino ba ang modernong vincentiano? Isa ba ako sa mga ito? Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
Modernong Vincentiano

47
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

62
sa gitna ng aking bangungot ako ay biglang nagising sabay tapon sa aking kumot dahil ang teplepono ko ay nagriring sinagot ang tawag sa ibang lingwahe sumagot pabalik ang tinig ng babae akoy nagulat at walang masabe nang marinig ang pangalan nabuo sa isip ang imahe imaheng kamakailan ko lang huling nakita nung isang taon pa ako sa kanya huling nakabisita ang kinalalagyan niya ngayon ay "not too far" biglang pasok ang tanong na, "meron ba kayong C.R."? tinanong ko kung bakit siya napatawag? ako daw ay kanyang namimiss pakipot na ako ay hindi na pumalag gusto kong sanang itanong kung pwede bang pakiss? nawala ang antok at gising na gising kahit sa pagkakataong iyon siya ay lasing walang humpay at nagkwentuhang parang praning pero sayang naman itinapon niya yung sing-sing ^^ hindi maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman kagagaling lang sa sakit siguro ay alam mo naman?! mahal kita at takot akong tayo'y magkasakitan "i know Were cool" at sobrang close na magkaibigan ayokong maging bitter ako sa tula kaya kalimutan mo ung pang anim na stanza sobrang mahal kita mula noong hanggang ngayon at kung ikaw ang bumabasa nito ALAM KONG ALAM MO YON! sa puntong ito, lagi kang nagkakape sa isip ko nagpapaalala lang, baka abutin ka jan ng pasko? sobrang init ng kape at hindi mo matapos ng mabilis kanina ka pa jan wala ka bang balak umalis? nilabas ko nang lahat ng nararamdaman ko dito sa tula hindi ko alam kung ikaw ay maiinis o matutuwa sa aspeto ng pagibig itanong mo kay Amora manghuhula at ako naman ay sa Magic 8 ball na hugis bola naiinis ako ngayon sa sarili ko kung babasahin mo yung tula talagang nakakagago PERO parang gusto ko ulit pumasok sa puso mo dahil ako ang U.L.O.L mo! itaga mo yan sa bato! sana gusto mo akong makita ulit kahit na ako'y madaldal at makulit sana magkatotoo ang "Muling Ibalik" sana matikman ko ulit ang matabang na halik . . .
0
Jan 14, 2011
Jan 14, 2011 at 10:20 PM UTC
May C.R. ba kayo?

44
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala naniniwalang kaya ko pang magpatuloy magpatuloy sa aking mga adhikain adhikain na nagsisilbing inspirasyon inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak mga anak na gagabay sa ating pagtanda sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe mensaheng dapat ingatan at gawing pribado pribado na hindi tulad ng aking buhay aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang  nagningas nagningas hanggang sa pumutok  ang araw ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN! kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA TULANG PINAMAGATAN KONG =_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 12:12 AM UTC
=_ PAANYAYA at PASINAYA _=
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga Isang araw, naisip na naman kita Isang araw **** ginulo ang isipan ko Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil Isang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako **** napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmamahal? Bakit ako lang? Bakit? Nang iwan mo ako, nawala ang tayo Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit Ilang bote ng alak ang natumba at Ilang stick ng yosi na ang naupos Pero ang pagmamahal ko para sa'yo Mahal Hindi pa rin nauubos
0
May 15, 2015
May 15, 2015 at 12:02 PM UTC
I