Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"taympers" poems
Lumaki ako na sanay sa mga larong pambata, Yung mga tipo ng laro na kapag nalalaro ko ay sobra akong sumasaya, Yung mga tagu-taguan,  habol-habulan,  agawan base at marami pang iba. pero habang tumatagal,  hindi na ako nagiging masaya pa. Ang dating saya ay napalitan ng sakit. Ang dating mga ngiting kay tamis ay napalitan ng mga ngiting kay pait. Ang dating mga tawa sa mukha ay napalitan ng simangot, Ang dating mala anghel na boses ay nabahiran ng galit at poot. Nagsimula lahat yan nung minahal kita, Simula nung minahal kita,  sineryoso ko lahat. Pero ikaw ginawa mo lang laro lahat ng yon. Teka lang ah, pero ang pagmamahal kasi hindi isang laro. Hindi isang laro na parang habol-habulan, Na kung san sa simula nag eenjoy ka pa, Pero pag pagod ka na sasabihin mo "taympers muna" Pero yung taympers na yon, mauuwi sa "pagod na ko,  ayoko na" At hindi rin ito parang isang agawan base, na kung saan onting layo mo lang sakin,  may iba nang susungkit sayo, O kaya,  yung kahit anong higpit ng hawak ko sayo, Ikaw yung kusang nagpapahatak mapunta lang sa kabilang grupo. Hindi rin ito parang isang tagu-taguan, Na pagkabilang kong tatlo,  nakatago ka na. Nakatago ka na, at may kasamang iba. Isa,  dalawa,  tatlo, anjan ka lang pala sa likod ko, hawak ang kamay niya Para lang sabihin na, "salamat sa lahat,  pero pasensya na may mahal akong iba" Mas lalong hindi toh isang pantintero, Na sa kabila ng lahat ng paghihirap ko para mapasakin ka, May nag iintay na pala sayo sa kabilang banda. Edi bale wala din yung pinaghirapan ko. Siguro, para sayo,  isa itong langit lupa. Saksak puso tuluan dugo, wala kang pakialam kung gano mo nasaktan yung puso ko, Basta sabi mo, "pwede umalis ka na sa pwesto mo sa puso ko, kasi may pumalit na sayo" Yung pagmamahal ginawa **** laro, Ako yung naging lata sa tumbang preso,   na tinamaan dahil sayo,  pero hindi mo man lang tinayo. Ako yung tipong nilaktawan mo sa luksong baka, para lang makapunta sa iba. Wala eh,  yung pagmamahal ko sayo,  ginawa mo lang lahat na isang biro at laro. Pero kahit papano hinihiling ko na sana isang mobile game nalang ako, Para naman kahit papano,  mahalin at seryosohin mo rin ako.
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 6:00 PM UTC
"LARO"

Continue reading...
38
Eto na naman ako Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo Buong araw na akong ganito Hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo Ibang klase talaga kapag tinamaan Sino ba talaga ang may kagagawan? Para akong sago Habang ikaw naman ay gulaman Dalawang bagay na magkaiba Ngunit swak kapag pinagsama Pero saglit, teka, taympers ako'y naguguluhan Ano ba talagang meron saiyo babaeng nilalang? Puso ko'y nabihag mo ng walang pakundangan Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan Ang iyong ngiti ay walang kaparis Mga tingin na sobrang tamis Makasama ka lang ay parang nasa alapaap na Tunay ngang hindi makakalimutang tumawa Kung mabasa mo man ang tulang ito Eto ang sasabihin ko saiyo: Gagawin ang lahat para lungkot mo ay mapawi Dahil ang tanging gusto ko lamang Makita ang ngiti saiyong mga labi
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 2:09 AM UTC
Ano ba talaga ang meron ka?
VIKING - Lovely Joy / 22nd September 2020 Unang sulyap mapapasabi kayo ng "Tara!! Sakay tayo diyan" At lahat ay naghabulan Papunta sa pilahan. Sa simula ay naeenjoy niyo pa   Pero habang tumataas, buong katawan aayaw na Sasabihin kay kuya operator na "Kuya, tamypers muna...", "Kuya tama naaaaaa..." At yung taympers na yun, mauuwi sa tiis nalang muna. Ang dating saya nyo pagkaupo ay napalitan ng takot at kaba   Ang dating ngiti na kay tamis ay napalitan ng ngiting kay pait. At ang mga tawa nyo sa mukha ay napalitan ng simangot, At ang malakas na hiyaw na boses nung una Napalitan ng pabebeng sambit na "ayoko na." Sumimple sa isang tabi na tulala at sukang suka na At sinabing di na uulitin pa Viking tama na o Viking sige pa? At sigurado akong sasabihin niyo na VIKING PAALAM NA!!
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:42 AM UTC
VIKING (SAKAY NA!)